Chapter # 8
Pabalik na ulit sana ang dalaga ngunit Napatigil ito ng may magsalita mula sa kaniyang likuran.
"Jameela. "Nanghihinang sabi ng tao mula sa kaniyang likod.
Agad niya itong nilingon at nagulat ng makitang si Mark ito. Wala itong gaanong sugat ngunit makikita mo ang panghihina nito.
Lumapit sa kaniya ang dalaga at inalalayan ito paapasok ng van.
"Ayos ka lang ba? "Nag-aalala nitong tanong sa binata matapos nitong umupo sa upuan sa loob ng van.
Tumango lang ang binata at sinabing. "Sila cristel? Nasaan na sila? "
Napailing nalang ang dalaga. "Hindi ko alam. Nagkahiwalay na kami ng daan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila. "Sabi ng dalaga.
"Eh si Alex? Nasaan siya? "Takang tanong ng binata.
Natigilan naman ang dalaga sa tanong nito. Namuo ang luha mula sa kaniyang mata.
"H-He's Dead. "Tanging nasabi niya bago umiyak.
Niyakap naman siya ni mark upang patahanin ang dalaga.
"Shhh it's okay Jam. Don't cry. "Pagpapatahan ng binata sa dalaga habang hinihimas ang ulo nito.
"Nakita mo na ba yung susi ng van? "Tanong ni Mark.
Tumango ang dalaga saka binigay sa binata yung susi.
"Ako na magda-drive. Stay here at magpahinga ka nalang. "Sabi ng binata saka lumipat sa driver seat.
Pinaandar niya ito. Napangiti ang dalawa ng hindi na sira ang van.
Sumandal ang dalaga sa upuan at pinikit ang kaniyang mata.
***
Naalimpungatan ang dalaga kaya nagising siya mula sa pagkakatulog.
Pagkamulat ng kaniyang mata ay nagtaka siya ng makitang nasa isang silid siya.
Nanlaki ang kaniyang mata ng marealize kung nasaan siya.
Nasa silid siya kung saan sila nagtago at kung saan namatay si liza ngunit labis ang kaniyang pagtataka kung bakit siya napunta sa silid na ito.
Kanina lang ay kasama niya pa si Mark na sakay ng van at paalis na sa lugar na iyon.
Tatayo na sana siya ng mapansin niyang nakatali pala ang kaniyang mga kamay at paa sa bawat sulok ng kama.
Nabigla siya ng may magbukas ng pinto at pumasok mula doon ang isang taong pinagkatiwalaan niya ng lubos ngunit ngayon ay hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan parin ba ito.
"Kamusta? "Nakangising sabi ni Mark.
"Mark? Ano ibig sabihin nito? Bakit tayo nandito? "Kinakabahang tanong ng dalaga.
"Kahit kailan ang bobo mo. nagmana ka siguro sa ina mo at hindi kay daddy. "Nakangising sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin mark? Hindi kita maintindihan. "Nakakunot-noong tanong ng dalaga.
"Anak ako ng daddy mo sa labas and the one who killed our friends ay ang ama natin. "sagot ng binata na ikingulat ng dalaga.
"Magkapatid tayo? "Takang tanong ng dalaga.
"Yep magkapatid tayo sa Ama. Alam narin ni daddy na nandito ka. "Nakangising sabi ni mark sa dalaga.
"Pakawalan mo ko. Mark. Gusto kong makita si Daddy. "Ani ng dalaga.