PROLOGUE
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napahinto ako dahil sa pagod.
Hingal na hingal ako habang nakabend at nakahawak sa dalawa kong tuhod.
Maya pa'y naramdaman ko nalang na mayroong likido na tulo mula sa aking mata.
Pinunasan ko ito sabay tayo.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa daan na hindi ko alam kung saan ang tungo.
Habang naglalakad sa magubat na lugar ay palingon-lingon ako sa paligid.
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa akin.
Dahil natatakot akong mamatay.
Maya pa'y tumulo nanaman ang luha mula sa aking mata.
Naalala ko nanaman ang mga kaibigan ko.
Ang mga kaibigan ko na ngayon ay patay na.
Nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano patayin ng Mamatay tao na yun ang mga kaibigan ko pati ang kapatid ko!
Bw*sit! *Sob Bakit ba kasi pinagkatiwalaan namin siya.
*sob pinaniwala niya kami!
Pinaniwala niya kami na Ang isa naming kasama ang mamamatay tao yun pala siya!
Manloloko at walang Puso!
Hindi man lang siya naawa sa 8 taong gulang na kapatid ko.
*sob *sob *sob
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng sigaw kaya tumakbo ako ulit.
Habang tumatakbo ay nahulog ako sa isang hukay mabuti nalamang ay nakakapit ako sa isang ugat ng puno na katabi lang ng hukay.
Tumingin ako sa babaksakan ko at nanlaki ang aking mata sa nakita.
Mga kahoy na patusok ang aking babagsakan.
"Tulooooonnnggg!!! "Sigaw ko na nagbabakasakaling may makarinig at tulungan ako.
Pero wala pa ring dumadating kaya napaiyak nanaman ako dahil dun at dahil malapit ko na mabitawan ang ugat ng puno na kinakapitan ko.
Natatakot akong masaktan...
Natatakot akong mamatay...
Maya pa'y nakarinig ako ng tunog ng tuyong dahong tinatapakan kaya napatingin ako sa taas.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang taong yun.
Ang taong pumatay sa mga kaibigan ko at kapatid.
" *smirk Mukhang Nahulog ka sa patibong ko.. "nakangisi niyang sabi
"Fvck you! "Bulyaw ko sa kanya
"Fvck you too.. "sabi niya sabay taga sa ugat ng puno na kinakapitan ko.
Naramdaman kong nahulog ako.
Hanggang sa naramdaman kong may matulis na bagay ang tumagos sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
Napaubo ako ng dugo at tumingin sa nakangising tao sa taas ng hukay.
"Mamamatay ka rin.. "halos pabulong na sabi ko bago ako mawalan ng malay.
**********
A/N: heyo! Sana magustuhan niyo. :) kamsa~