Chapter # 4
Tahimik na ang naging biyahe dahil lahat sila ay tulog na maliban kay ella na ngayon ay Nagtitimpi na sa sobrang galit at selos.
'Kung makayapos naman ang babaitang to! Napakalandi argh! 'Sabi niya sa kanyang isipan.
"Ah ma'am may madadaanan po tayong Gas Station. Gusto niyo po bang umihi muna at bumili ng makakain? "Tanong nung driver.
"Sige manong. "Sagot ko.
Pagkarating namin sa Gas Station ay ginising ko na sila.
"GISING NA! MAY SUNOG! "sigaw nito sa kanila agad naman silang nagising.
"Ha-ha-ha Laos na yan Girl. "Sarcastic na sabi ni Carla at umirap.
Napataas ng kilay si Ella dahil sa sinabi nito.
"Oh mag-aaway nanaman ba kayo?! Psh tara na nga! "Pang-awat ni cristel bago lumabas ng van.
Nagsilabasan na aang iba para umihi at bumili ng makakain.
"Hindi ka ba iihi? Oh bibili ng kakainin? "Tanong ni Alex kay jameela na ngayon ay kakagising lang.
Umiling lang si Jameela. "Wala kasi akong dalang pera."ani niya.
Nabigla naman ang dalaga ng hatakin siya nito palabas.
"T-teka Alex. Saan mo ko dadalhin? Wala nga sinabi kong pera. "Naiinis na sabi ni Jameela.
"Ililibre kita. Samahan mo nalang ako para makapamili ka ng kakainin mo. "Ani ng binata.
Hindi na nagsalita ang dalaga at sumunod nalang sa paghila sa kanya ni alex.
Pagkarating nila sa Mini Stop ay bumili na sila ng makakain.
"Ano gusto mong kainin ngayong lunch? "Tanong ni alex.
Nasa counter sila habang umoorder na itatake out na kakainin mamaya.
"Ahm Burger steak nalang ako. Salamat. "Nakngiting sabi ng dalaga nginitian din siya pabalik ng binata.
"Dalawa nga pong 2 pcs Burger steak. "Order ni Alex.
"Ano pong drinks sir? "Tanong nung babae.
"Ah Coke Float nalang then 2 Ice cream yung nakacone lang. Thanks "sabi ni alex.
"Okay sir. 350 pesos po lahat. "Nakangiting sabi nung babae.
Agad naman itong binayaran ni alex.
"Salamat sir pakihintay nalang po. "Nakangiting sabi nung babae habang nagpapacute sa binata.
Napangisi nalang si alex dahil mukhang may gusto sa kanya yung cashier.
Umupo muna sila habang hinihintay ang order.
"Ah thank you pala ah. "Nahihiyang sabi ni Jameela sa kanya.
"Haha ano ka ba! Wala yun. "Nakatawang sabi nito.
Ngumiti lang ulit sa kanya ang dalaga dahil sa pinapakita nitong kabaitan sa kanya.
Ilang saglit pa ay dumating na ang order nila at sabay silang pumunta ng van.
Pagkarating nila ay sila nalang pala ang hinihintay.
Nakayuko lang na pumunta si Jameela sa kanyang upuan kasunod niya si alex.
"Sorry ate natagalan. "Ani ng alex sa kay cristel.
"Okay lang. Tara na po manong. "Ani ni cristel.
