Chapter # 3
[Third Person's POV]
Naglalakad si Jameela sa isang madilim na kagubatan.
Walang katao-tao tanging siya lang ang nandoon.
Labis na kaba at takot ang kanyang nadarama dahil hindi niya tiyak ang kanyang kaligtasan sa lugar na iyon.
Hanggang sa Makarating siya sa isang bahay.
Nagtaka siya sa nakita.
Isang mansyon sa gitna ng gubat?
Pumasok siya sa gate at pumasok sa loob.
Pagkarating niya sa pintuan ng mansyon at kumatok ito ngunit walang nagbukas kaya pinihit niya yung door knob and luckily bukas ito.
Pumasok siya sa loob.
Pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang isang taong nakaluhod habang ang isa nama'y nakahiga sa harapan nito.
Nanlaki ang mata niya ng makita iyon. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nabigla sa nakita.
Kumakain ang taong yun ng laman loob ng tao at ang ikinabigla niya ng humarap ang taong yun.
Nakita niya ang nakakatakot na mukha nito.
Hindi na siya tao. Isa na siyang halimaw.
Napaiyak nalang siya dahil sa nangyayari ngayon sa sariling ama.
***
Nagising si Jameela mula sa masamang bangungot na yun.
Pawis na pawis siya habang naka upo sa kama. Tumingin siya sa Alarm clock na nasa study table niya katabi ng kama.
It's already 6:00 am. Papasikat narin ang araw kaya tumayo na siya at pumunta sa banyo para maghilamos.
Pagkayari niyang maghilamos ay tiningnan niya ang sarili sa salamin.
Hindi niya namalayang tumulo na ang kanyang luha.
Agad naman niya itong pinunasan at lumabas na ng banyo at tumungo sa kusina.
Nagluto na siya ng umagahan saka naggayak bago pumunta sa school.
Hindi siya pwedeng malate dahil baka iwan siya ng mga ito.
Pagkarating niya doon ay nandoon na si cristel at ang lalaking kinaiinisan niya kahapon.
"Hi Good Morning! "Nakangiting bati nito sa kanya.
Hindi nalang niya ito pinansin saka tumingin nalang kay cristel na ngayon ay nakatingin sa kaniya.
"Ah pasensya na kasi nagpumilit siyang sumama. "Pagpapaliwanag niya na ikinangiti lang ni cristel.
"Don't worry okay lang. Kapatid ko naman siya ehh. "Nakangiting sabi nito.
Nabigla siya sa sinabi nito dahil hindi niya lubos maisip na kapatid niya ang lalaking iyon.