Halu mga ka-IMBA!
Nagbabalik uli ang YSSF dahil bumalik na ang mga organizers nito mula sa hagipit ng college at work (Charot).
At dahil nga nagbabalik ang super HOT at super FUN na writing contest na ito, magbabalik din ang FCKs este FAQs.
Ano nga ulit ang mga tanong n'yo?
Ooops. H'wag na kayong mag-comment sa baba (except na lang kung ang i-co-comment n'yo ay maganda si Pengk) dahil lahat ng mga katanungan n'yo ay may mga kasagutan!
OO. Hindi kami kagaya ng mga EX n'yong iniwan lang kayo basta-basta sa ere. Bibigyan namin kayo ng closure!
OO. Lahat kayo!
Hay nako. Bago pa dumating ang lahat ng ito sa kung saan-saan, narito na ang FAQs at possible questions na maiisip n'yo pa:
1. Kulang ang mechanics n'yo ng number 4! Kailan po ba ang deadline? Hindi pa po ba natatapos ang meeeting ng Team IMBA?
O awat na! Naka-post na ang number 4 ng mechanics! Hindi n'yo pa ba nabasa? O sige, dahil maganda ako, i-po-post ko uli rito.
Djk! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Click n'yo na lang ang previous page. Maganda lang ako, hindi masipag mag-copy at mag-paste. Oo rin. Hindi pa tapos ang meeting ng Team IMBA (ang katotohanan ay wala ring may alam kahit isa sa amin kung matatapos ba ang meeting ng team dahil hindi naman kami nag-me-meeting HAHAHAHAHAHAHAHAHA).
2. Will Team IMBA be held liable if hindi kami nakapagpasa ng entry kasi 12 mn, April 2, 2016 na pala ang deadline and Mechanics number 4 is missing?
Ohhhhhhhhh. Don't conyo me, I'm not bleeding! Uhmm...NO. Naka-post na naman ang deadline. Tsaka iyan naman talaga ang nature ng pa-contest na ito e. Mabilisan. Isa sa mga objecive ng team namin na i-push ang mga utak ninyong mag-isip ng kaka-IMBAng storya sa maiksing panahon. The faster, the better. The IMBA-est, the better-est!
3. Hindi ko po makuha 'yung theme. P'wede po bang paki-expound?
Ehem..Ehem...
A. Ways para patindihin ang init
B. Mga kwentong samalamig
C. Dagat, dagat, bakit ka maalat?
D. Bakasyon o baka siya na 'yun?
E hindi ko rin makuha e. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Pero ang alam ko lang, sa isa sa mga theme na 'yan dapat inspired ang storyang gagawin n'yo. Kainis. Ang senseless ng sagot ko. Parang 'yung EX n'yo lang 'no? Ang senseless ng mga rason kung bakit nakikipag-break. Tse!
4. Pwede po bang cold story?
Pwede rin ang winter, spring, summer or fall....uhhhhh....Nasa inyo na 'yan. Hindi naman kasali sa requirements namin e. Hahahahahaha!
5. Saan po ba ibabase ang word count?
Sa Wattpad word count. Oo. Kailangan n'yong mag-effort kasi hindi kami katulad ng mga EX n'yo...worth it kami. At! H'wag mandaya mga ka-IMBA dahil may isa sa amin ang sobrang metikolosa sa mga bagay na gaya n'yan. Clue? Iyong magandang organizer! Hahahahahahaha!
6. Hindi namin kinaya ang mga themes! Bakit iba na ang mga naiisip namin?
Simula pa lang 'yan. Mas bubuhol pa ang mga neurons n'yo sa susunod na mangyayari (Ay wait. Nabubuhol ba ang neurons? O.o) Kung hindi n'yo kakayanin ngayon, tiyak na hindi n'yo kakayanin ang First Wave! *wicked laugh* Pero 'yun nga, take it as a challenge! Isipin n'yo na ang mga iniisip namin! Kaya 'yan! Fighting!!!
7. Bakit nag-2500 ang max word count?
Sinong pangahas ang nagtanong nito? Sino? Si Sektha ba? Ba't ka nagtatanong Sektha? Sino bang may sabing pwede ka pa ring sumali? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! H'wag ka nga!
8. Paano po ba namin malalaman na natanggap n'yo ang entries namin sa Gmail?
Magbibigay kami ng confirmation mail pag natanggap namin ang inyong mga entry. Kapag wala kayong natanggap sa loob ng 1,440 minutes, i-assume n'yong wala kaming natanggap mula sa inyo. Tandaan, hindi kami katulad ng mga EX n'yong mapagpanggap!
9. Paano po kung nag-comeback kami sa Watty kumakailan lang, meaning na-delete namin ang account namin noon at gumawa kami ng bagi na wala pang 3 buwan?
Pwede pa rin kayong sumali KAYA LANG dapat mayroong dalawa (2) o higit pang kakilala sa WP na makakapagtunay na aktibo ang WP account n'yo noon.
10. Pwede po ba ang beginner na sumali sa contest n'yo?
Beginner o may experience. Palaging natatalo sa ibang contest o champion ng RR, TVOW, WWBY, Literary Outbreak, BOSS (insert all WP writing contests here). As long as hindi exclusive writer ng isang publishing company, WHY NOT COCONUT?
11. Pwede pa rin bang sumali 'yung mga nanalo na last season?
Sorry. Hindi na po. (Ayaw ko nang dagdagan ng dahilan 'to kasi tinatamad na ako)
P.S. Oo na. Katulad din ako ng mga EX n'yo na napapagod din!
12. Regarding sa nakasulat sa taas, kapag po ba nag-comment ako ng maganda si Pengk sa comment box sa baba, may additional points?
OO naman! Additional points para maging mabait at entertaining si Pengk sa'yo! HAHAHAHAHAHAHAHA!
13. Paano po pag ang na-i-comment ko ay pangit si Pengk?
Abort mission in joining....DQ KA NA! Joke! Hahahahahahahahaha! Walang effect uy. (Pero mag-expect kang nasa Death Note na ang pangalan mo LOL joke)
14. Sino-sino po ang mga judges?
Hindi ko pa rin kilala e. Hahahahahaha! Kaya stay tuned lang muna! LOL
15. Ano-ano po ang mga prizes?
Ay gano'n? Pinatulan mo lang ang pa-contest na ito para sa makukuha mo? Hindi pwede 'yan! De joke. Alam naman namin na motivation ang mga prizes para sa mga IMBAng storyang naka-imbak sa mga drafts n'yo (kami rin kasi, ganyan din lol). I-po-post namin sa susunod na mga araw. Stay tuned!
16. Paano po pag wala rito ang gusto kong itanong? Kanino po ako magtatanong?
Sa EX mo na lang kaya na pinagkait sa'yo ang closure? Djk. Mag-PM ka na lang sa mga organizers ng pa-contest na ito sa Facebook. Mababait naman sila. At magaganda. Siguradong hindi sila magdadalawang-isip na i-seen ka. De joke. Hahahahahahaha! Mag-re-reply ang mga 'yun panigurado!
17. Sino-sino po ba ang mga organizers?
HAY NAKO. EWAN MO! Hahahahahaha! Punta ka sa WP profile ng Team IMBA, naka-tag doon! LOL
18. Paano po kapag wala pa rin akong naintindihan?
AYAW KO NA. I RESIGN! CIAO.