In celebration to our first birthday. Oo, nag-bi-birthday rin kami! Mwahahahaha! Team IMBA proudly presents...tentenenen...CHARCHAR CHARADES!
Ano ba ito?
Ang Charchar Charades ay ang kauna-unahang mini-game na inilunsad ng Team IMBA para sa mga YSSF Season 2 First Wave qualifier. Oo. Open lang ito para sa mga pumasa ng Auditions kasi sila lang naman ang makakakuha ng extra points. LOL.
Paano ba ito laruin?
Pamilyar naman kayo sa larong charades 'di ba? Oo. Iyong may mag-a-act ng isang tao, bagay, hayop, pangyayari o whatsoever tapos huhulaan ng iba kung ano 'yung ina-a-act. Parang gano'n din ang mini-game na ito kaso nga lang, ang huhulaan n'yo ay entries. Oo, mga storyang kaming apat (4) na active members ng Team IMBA ang sumulat.
Paano ba namin mahuhulaan kung sino ang gumawa ng entry na 'yun? May clue ba?
May isang clue na kaming ibinigay (refer to First-Wave Mini-Game post). Pero ano nga ba ang magiging basis n'yo para masabing...
"Plot? Check. Technicality? Check. Si Collie gumawa nito"
"Uy, storyang banyo! Tatak Ate Eri 'to"
"Naks. Deep English. Entry ni Ate A 'to"
"Kilala ko ang writing voice na 'to, paniguradong kay Pengk 'to"
Hmmm...Ewan. Siguro kailangan n'yong mag-stalk? Basahin n'yo ang mga one shot stories o contest entries naming apat para maging pamilyar sa aming writing style. Hmmm...pwede ring magtanong-tanong sa mga kakilala.
PERO...
Oo, syempre may pero! H'wag na h'wag n'yo kaming i-PM sa Facebook o Wattpad tungkol sa aming entry. Magaganda at mababait kami pero h'wag n'yo naman sana kaming sagadin. Nakaka-stress 'yan. At nakakabawas ng kagandahan ang stress. So...NO. NO. NO.
Ano po ba ang makukuha namin dito?
Refer again to the post, First-Wave Mini-Game. May incentives ang mga mananalo rito. Oo. MGA MANANALO.
Ilan po ba ang mananalo? Dalawa? Tatlo? Apat?
Kahit ilan! Oo. Tama ang nabasa mo. Pwedeng ang lahat nang lalahok sa mini-game na ito ay magkaroon ng +3, +2 o +1 sa final average nila.
Ano po ba ang gagawin?
Hay! Finally!
Nakasaad sa post na First-Wave Mini-Game na, kailangan n'yong hulaan ang entry naming apat (4) at magbigay ng constructive criticism roon. Pwede rin naman ang compliment, reason kung bakit iyon ang hula n'yo, bash? mura? GO. Tignan lang natin kung hindi kayo ma-report. *smirk* Hahahahahaha. Charot lang. Basta kailangan ng comment.
Lahat po ba ng entries ay kailangan ng comment?
Hindi. Tanging ang mga entry lang na sa tingin n'yo ay kami ang sumulat ang kailangan ng comment. The rest, okay na kahit wala. Pero kung mabait naman kayo (at maraming time) gaya namin, lahatin n'yo na! Hahahahahaha!
May format po ba ang comment namin?
Hmm...wala. H'wag na nating pahirapan ang ating mga sarili, beshies.
Isasali po ba namin sa comment kung sino 'yung sa tingin namin ay writer ng entry?
Hindi. Hindi. Hindi. Wala dapat kaming makikitang, "Si Ate A ang writer nito" and likes sa comment box. Kahit ano ay pwede n'yong sabihin p'wera lang ang username. Bakit? Para iwas pandaraya. Swear, we loathe cheaters.
E paano po 'yung hula-hula chever?
I-send sa inbox ng Team IMBA Facebook page ang inyong hula at sagot.
Ang format ay: Entry Number-Title-Username/Name of Member
Example:
FF #69- Ang Ungol ni Maria- Eri
FF #72- Ang Kagandahan at Kabaitan ni Pengk- CollieYala
SS #12345- Narcissism- Pinkishhhh
SS# 95- Bakit Puti ang Uban?- Ariadne
Isang entry para sa isang member ng team. Hindi maari ang salitang "OR" o character na "/". Isang chance lang din ang mabibigay namin. Natuto na kami e.
Iyan lang. Oo. Iyan lang. Walang PS. Walang suhol. Iyan lang talaga.
Iyong entry lang po ni Pink ang sure kong tama, pwede po bang isa lang ang hulaan ko?
YUP.
Compulsory po ba ito?
Refer to the post, First-Wave Mini-Game
May nakalimutan pa ba kaming sabihin? May tanong pa ba kayo? Kung wala sa post na ito, balikan ang post na First-Wave Mini-Game. Kung wala pa rin, i-comment sa ibaba. Siguraduhing hindi masasagot ng dalawang post (First-Wave Mini-Game at Charchar Charades) ang inyong katanungan para iwas stress.
Tandaan: Nakakabawas ng kagandahan ang stress.
Ciao!