YSSF2: First Wave Mechanics

264 16 2
                                    

Hello, mga ka-IMBA! Binabati namin kayo sa pagpasa mula sa auditions. Pero hindi pa ngayon ang oras para magsaya.

Magbalik-tanaw muna tayo saglit. Naaalala ninyo ba 'yung sinabi naming, "'Wag magtatanong kung ayaw ninyong i-charge namin kayo ng isang dosenang halo-halo?"(Please refer to The Return of the Comeback.) Sorry pero may nagtanong. Maraming nagtanong. 'Yung iba, paulit-ulit lang 'yung pagtatanong. Kaya naman oras na ng paniningil. Bwahahaha.

E noong sinabi naming, "Sige lang, sinasabi ko sa 'yo, ngayon ka lang magiging masaya! Tsee!", naaalala ninyo? #AlamNaThis

Super-flashback. Saksi ka ba sa paghihirap ng mga Season 1 contestants sa baliktarang hamon ng Reverse Storytelling? Kinakabahan ka, ano? Don't worry. Naka-move on na kami d'yan. Saka, ayaw naming pinapahirapan kayo. Kung maghihirap man kayo, asahan ninyong kasama ninyo kami. Okay? Hindi kayo nag-iisa...

Back to present >>
1) For FF passers: Submit an original flash fiction of exact five hundred (500) words.
For SS passers: Submit an original short story of minimum one thousand (1,000) words and maximum two thousand five hundred (2,500) words.
(Title is excluded in word count. Basis: MS Word)

2) Email your entry at teamba0101@gmail.com
Format: .doc or .docx
Subject: FF_username_entry title (For FF passers)
SS_username_entry title (For SS passers)
(Nga pala, 'wag muna kayong magpalit ng username habang nasa contest kayo.)
Message area/Body: Wattpad link & Facebook link

One point deduction for every violation.

3) Deadline is on April 16, 2016 11:59:59 pm

4) No specific genre and language.

5) Puwede magpa-proofread sa iba pero bawal magpa-edit at magpa-revise. Sa part naman namin, organizer kami at hindi editor. Ang matatanggap namin na entry mula sa inyo ay dapat final and furnished na.

6) Siyempre, hindi kami basta-basta mag-fa-flashback nang ganoon lang. Hindi din kami basta magpo-post ng halu-halo sa page namin dahil lang na-trip-an namin. Heto na ang plot twist na tiyak manlalamig kayo... Welcome to Halu-halo Special!

Dahil wala namang specific na theme, gusto naming bigyan ninyo kami, sampu ng ating mga mambabasa, ng kakaIMBAng kuwento na:
- Nagpapakita ng creative mixing. Parang crushed ice, gatas, beans, pinipig, saging, sago, buko, ube, leche flan, ice cream, langka at iba pa. Masarap at nakakaalis ng init na halu-halo ang kalalabasan. Ang main ingredients ninyo sa round na ito ay emotions at series ng scenes. Series ng scenes, meaning hindi sa iisang pangyayari lang kayo mag-fo-focus. Kumbaga, mahaba ang time span ng kuwento ninyo.
- For reference, puwede ninyong basahin ang A Rose for Emily ni William Faulkner o panoorin ang pelikulang 500 Days of Summer. Mapapansin ninyo na chronological ang mga pangyayari sa mga istoryang nabanggit ngunit hindi literal na magkakasunod ang mga eksena; may lohikang sinusundan kumbaga, iisa lang ang patutunguhan just like any other stories. Parang halu-halo na kahit ano ang pagkakasunod-sunod mo sa paglalagay ng ibang mga sangkap, halu-halo pa rin ang kalalabasan. Masarap at nakakapawi ng banas.

So...

Basahing mabuti ang mechanics. Unawain. Isapuso. At ISAGAWA. Bagama't pabaliwan kami dito ay seryoso naman kami sa aming layunin. Show us that you deserve the slot. Subukan ninyong magback-out. Lulunurin namin kayo. Hahahaha. Kidding. Baliw lang kami pero 'di kami bayolente. Pero when the situation calls for it, why not? Haha. Puwedeng magtanong pero siguraduhing hindi masasagot ng post na ito ang mga katanungan ninyo. Ready or not ready, let's start! :)

YOUR STORY SOUNDS FAMILIAR SEASON TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon