Mabuhay! Nagkandabali-baliktad ba ang mga utak ninyo sa nonlinear narrative na hamon namin? Patikim pa lang 'yan! Hahaha. Ngunit bago tayo magdiwang, gusto naming ialay ang aming pasasalamat sa mga huradong nag-alay ng kanilang oras at nag-effort na makisabay sa kalokohan with a cause ng TeamIMBA. Thank you, pinayblonde, juandering at sa ating Ate A!!
Salamat din sa lahat ng sumali. Oo, lahat. Pati noong Season One. HAHAHA. Thank you talaga sa pagpatol sa amin. Sana naman ay nalawakan namin ang pananaw ninyo sa pagsusulat at nabatak namin ang inyong kakayahan. O, 'di ba? May igagaling pa kayo! May mas igagaling pa kayo!
Huwag na nating patagalin pa tutal quickie lang naman ang contest na ito. Five out of seven ang nakapasok sa FF category at six out of nine naman sa SS category. Sa mga hindi nakapasok sa quota, sulat lang nang sulat. Hindi dito natatapos ang lahat. Malay ninyo, ito na pala ang simula. Tatandaan ninyo lang na lahat ng pagpapahirap namin sa inyo ay makabubuti sa inyo. Arraseo? So, what are you waiting for?
Congratulations sa mga nakapasok. Pasok lang nang pasok! 'Di na kayo makakalabas nang buhay. Tandaan ninyo 'yan, ha? *wink nang exaggerated kasi clue ito sa---*
O, s'ya. Hanggang d'yan lang muna ang maii-chika ko sa inyo. Kita-kits sa next round, passers! Magnilay muna kayo at damhin ang ganda ng buhay. Please keep posted. ;)