"He who has a why to live can bear almost any how." - Friedrich Nietzsche
Bongga! Kumo-quotes na kami! Lol.
Anyway, kumusta na kayo? Nakaahon na ba? Tapos na ba ang pagni-nilay-nilay ninyo? HAHAHAHA. Kung naaalala ninyo, o kung nabasa o binasa(?) man ninyo, inilagay namin sa closing statement ng First Wave - Results ang mga katagang "damhin ang ganda ng buhay." So, ito na nga ang siste. Kaya rin medyo natagalan ang pagpo-post nitong mechanics ay dahil nagnilay at nag-internalize din kami. Tao rin kami at sorry to say, hindi kami mga Diyosa. Sorry talaga. Hahahahahahaha! By being tao, we mean, may mga pinagdadaanan din kami, just like you and everyone else. At dito na nga papasok ang mechanics for Second Wave, ang pre-final round ng YSSF Season 2.
Medyo limitado ang stock namin ng kakulitan for this round. Biglang liko muna tayo sa landas ng kaseryosohan.
Simplehan lang natin ngayong Second Wave.
1. Magsubmit ng orihinal at bagong kuwento na may temang EMPOWERMENT. Dahil malawak ang kahulugan ng salitang 'empowerment', nagsaliksik kami ng pagbabatayan natin. "Empowerment is a multi-dimensional social process that helps people gain control over their own lives. It is a process that fosters power (that is, the capacity to implement) in people, for use in their own lives, their communities, and in their society, by acting on issues that they define as important." (src: http://www.joe.org/joe/1999october/comm1.php)
2. May kalayaan kayo sa kabuuan ng istorya ninyo maliban sa ending nito. Ang ending ay mismong ang mga pangungusap na ito:
> "Maybe I expected they would understand how destructed I was." (para sa gagamit ng English medium)
> "Siguro umasa akong maiintindihan nila kung gaano ako nawasak." (para sa gagamit ng Filipino medium)
Diskartehan ninyo kung paano ninyo iti-twist 'yan into something powerful na aakma sa ating tema.3. Word count, excluding title:
FF - exact 500 words
SS - 1,000 to 2,500 words
Count basis: MS Word4. Medium: English or Filipino
5. Genre: No specific genre but please, please maging responsable. Alam ninyo na 'to!
6. Ipadala sa teamba0101@gmail.com ang inyong mga IMBAng kuwento in .doc/.docx format at ilagay sa subject ang: (FF or SS, kung saan ka belong)_(username)_(title ng entry)
7. Bawal na ang magpa-PROOFREAD lalo na ang pagpapa-EDIT at pagpapa-REVISE. Bawal kaming mag-edit miski pa title or whatsoever. Ang ise-send ninyo sa amin ay FINAL na. HUWAG MUNANG I-CHIKA SA FRIENDS O KUNWARING FRIENDS ang entries ninyo. Quickie contest 'to kaya magtiyaga muna kayong manahimik. At saka, kung may concern kayo, i-pm ninyo kami. Approachable naman kami kahit paano. Bukas ang page namin o kahit i-pm ninyo kami sa individual accounts namin.
8. DEADLIEST DEADLINE: May 4, 2016 11:59:59 PM.
Kung may nakalimutan man kaming sabihin dito ay i-comment lang sa baba. See you next week! :)