Ano na?
Isang taon na ang lumipas at summer na naman! Dahil d'yan, ang pinakaseryoso sa kakulitan na writing contest ay nagbabalik na. Buti pa kami, binalikan kayo. E 'yung...
Ooops, bago pa mapunta sa kung saang kailaliman ang usapan ito, hayaan ninyo kaming ianunsyo ba pormal na kaming magbabalik.
/pormal na pagbabalik/
Ibalik ang excitement ng cramming at pakikipagbakbakan sa katamaran. Patirin ang uhaw naming mga nasasabik sa inyong mga IMBAng istorya.
Heto ang mga dapat ninyong malaman:
1) Basahin ang qualifications noong Season One. 'Yun na rin 'yon para Season Two. 'Wag magtatanong kung ayaw ninyong i-charge namin kayo ng isang dosenang halo-halo. Patamaran? Patamaran. :P
2) Ganoon ulit ang bilang ng rounds. (Refer to Season 1 General Guideline #1)
3) Puwede kayong magsulat ng... (Refer to Season 1 General Guideline #2)
4) Inaasahan naming... (Refer to Season 1 General Guideline #3)
5) Ang genre ay... (Refer to Season 1 General Guideline #4)
6) Maaari kayong... ((Refer to Season 1 General Guideline #5)
7) Kung naiinis na ay maari nang itigil ang pagbabasa nito. KByep0whszcx!
8) Magbunyi dahil a) mahaba ang pasensya mo at umabot ka rito, b) sobrang tamad mo na umaasa kang ilalabas namin ang seryosong bersyon ng QaGG, o c) napilitan ka lang talaga at konting-konti na lang ang pasensya mo at mapapaisip ka kung tama bang nagpapatuloy ka pa rin sa pagbabasa nito.
9) Pumili kung pupuntahan mo ang link na 'to para makapagsimula ka na: https://www.wattpad.com/119973410 o babasahin na lang ang sumusunod...
QUALIFICATIONS:
- We are open to all Wattpad users who have been active for at least three (3) months. Puwede ang self-pub writers pero 'di puwede ang exclusive writers.
- Kung marami kang account, isa lang ang gamitin mo kasi nag-iinit ang ulo namin kapag nililito at niloloko kami. Ikaw kaya lokohin, 'di ka ma-buwisit? Hahahaha
- May FB ka dapat, kasi maglalandian tayo doon, uso 'yun e. Hahaha. S'yempre, hindi. Mas convenient mag-relay ng info doon. Ano, balik tayo sa panahon ng GMs? :P
- Bawal collaboration, alteration at coaches. Challenge yourself! Mangako kang magpapakatatag ka at iiwasan mo ang temptasyong magpa-edit!
GENERAL GUIDELINES:
- Expect four (4) rounds in this contest, audition included.
- Choose between Flash Fiction or Short Story. Kung ano ang pinili mo noong una, iyon na ang hanggang huli. 'Wag kang papalit-palit. Makuntento ka sa isa. Sa 'yo kaya gawin 'yon?! Hahaha. Manindigan ka sa desisyon mo kaya dapat mong pag-isipan kung sino... este ano ang pipiliin mo.
- No specific genre. Uy, ang saya niya. Marami siyang choices. D'yan ka magaling, e. HAHAHAHA. Sige lang, sinasabi ko sa 'yo, ngayon ka lang magiging masaya! Tsee!
- Language: English, Tagalog or Taglish only.
- Puwede magpa-PROOFREAD sa iba pero bawal magpa-EDIT/REVISE or whatever! Tuparin mo 'yung pangako mo!
- Abangan ang mechanics. 'Wag mapagod maghintay.
O s'ya, hanggang dito na lang. Ayaw na naming magpaligoy-ligoy pa. 'Yung tipong paiikut-ikutin lang ang usapan pero sa huli magpapaalam lang pala. Bye!