Hahaha. 'Eto na ang mga pakyus, este FAQs. Haha.
1) Iyon talaga ang ending ng story namin?
Oo. SPECIFIC ENDING 'yun ng story n'yo.
2.) Pwede po bang ibahin?
Hindi po. Kung ano ang mga bantas o salita sa ending 'yun dapat. Definite. Verbatim.
3) Paano kapag hindi akma sa naisip kong plot?
Hahaha. 'Yan ang challenge diyan. ;)
4) Bakit may English at Filipino ang ending?
'Yun po ay para sa medium na gagamitin mo. Example kung gusto mong Filipino ang isusulat mo, ang Filipino na specific ending ang gagamitin mo. Kung English e 'di English din.
5) Walang Mini-Game?
Hahaha. ;)
May tanong pa? Comment lang at ipapatay natin. Hahaha. Biro lang, comment o PM lang pero sana iyong wala pang mga kasagutan. Huwag mo lang tanungin kung mahal ka ba niya dahil hindi ang isasagot namin.