Final Wave- Judges

70 10 2
                                    


Maulan na hapon!


Sa nalalapit na pagtatapos ng season na ito, hayaan n'yo kaming ipakilala sa inyo ang mga magagaling na huradong kikilatis upang makilala ang bagong kampeon ng Your Story Sounds Familiar Season 2. Patatagalin pa ba natin?

Tara na!


Justmainey

1.) Bilang isang manunulat, ano ang nagpaungol sa 'yong experience?

'Yong unang beses akong nanalo sa writing contest. Twenty-four hours akong umungol no'n dahil sa saya! Lol.

2.) Sa pagsusulat ano ang gusto mong maranasan ng mga kalahok, hirap o sarap? Bakit?

Pareho, pero mas maganda kung mauna muna ang sakit bago sarap. Mas maa-appreciate mo kasi ang sarap kung pinaghirapan mo 'yon.

3.) Ano ang hinahanap-hanap mo sa isang kakaIMBAng kuwento para magsitayuan... ang balahibo mo sa katawan?

Impact. Gusto kong makabasa ng kuwentong hindi ko malilimutan kahit ilang araw, buwan o taon ang lumipas.

4.) Tips na ma-a-aroused sa mga kalahok kung sakaling mawalan na sila ng gana sa pagsusulat?

Puwedeng magpahinga o tumigil pansamantala kung kinakailangan, basta 'wag lang susuko. Walang respetado at tinitingalang manunulat ngayon ang nagsimula agad sa taas, lahat sila, gumawa ng paraan para makarating do'n... kaya sulat lang!

5.) Sino kras mo?

Kwon Ji-yong/G-Dragon/GD/Gudo. Kung hindi mo siya kilala, 'wag ka nang umasang ipapasa kita. Hahahahaha. Joke. :")


cylevine

1.) Bilang isang manunulat, ano ang nagpaungol sa 'yong experience?

Wala pa. Nasa foreplay palang ako bilang manunulat. Kapag narating ko na ang climax, uungol ako nang todo!

2.) Sa pagsusulat ano ang gusto mong maranasan ng mga kalahok, hirap o sarap? Bakit?

Sarap! Masarap ang magsulat (in or out of a contest). Kapag hindi ka na nag-eenjoy sa ginagawa mo, hindi maganda ang output kaya dapat i-enjoy lang nila ang contest!

3.) Ano ang hinahanap-hanap mo sa isang kakaIMBAng kuwento para magsitayuan... ang balahibo mo sa katawan?

Una sa lahat konti lang ang balahibo ko sa katawan. At dahil diyan, hindi sila mahirap i-please. Pwedeng simple, pwedeng cliché ... pero dapat may sariling tatak ang writer. Kapag nakita ko na may sariling dating ang klase ng pagsusulat ng isang writer sa kanyang akda, tatayo ang mga dapat tumayo sa aking katawan.

4.) Tips na ma-a-aroused sa mga kalahok kung sakaling mawalan na sila ng gana sa pagsusulat?

Kapag hindi mo gusto ang iyong kaulayaw, kahit anong gawin niya, hindi ka ma-aarouse. Kailangan gusto mo ang ginagawa mo. If you love and enjoy what you are doing, creative juices will come out from you even with very little effort!

5.) Sino kras mo?

Isang tao lang talaga ang nagpapakilig sa akin! Siya at siya pa rin. Kahit may epal na Behati na sa tabi niya ... alam kong sa huli, sa akin pa rin si Adam!


NixieYume

1.) Bilang isang manunulat, ano ang nagpaungol sa 'yong experience?

Nagpaungol talaga? Haha. Siguro iyon ay ang mga pagsali ko sa mga writing contests. Nakaka-ungol ang bawat contest na sinasalihan ko dahil sa mga panibagong experience at kaalaman na nakukuha ko. Nakakaungol din ang mga taong nakakasalamuha ko. Lumalawak kasi ang mundo mo dahil sa mga writing contests sa wattpad. Mas maraming contest kang sinasalihan, mas dumarami ang karanasan mo at ang mga kaalamang napupulot mo. Napakagandang venue siya para mas matuto pa ang mga manunulat na katulad natin. Kaya nakaka-ungol talaga ang pagsali sa mga writing contests. ;)

2.) Sa pagsusulat ano ang gusto mong maranasan ng mga kalahok, hirap o sarap? Bakit?

Pinaghalong hirap at sarap. Hirap para sa pagbuo at pag-iisip ng isang kakaIMBAng kuwento. Sarap para sa paglalapat nito sa salita (Fulfilling ang pagsusulat, uy!). Hirap para sa paniniguradong HALOS perpekto at wala nang butas ang akda. At sarap ulit sa puntong matapos na siya (Finally!).

3.) Ano ang hinahanap-hanap mo sa isang kakaIMBAng kuwento para magsitayuan... ang balahibo mo sa katawan?

KakaIMBAng kuwento na may kakaIMBAng execution! 'Di baleng cliche na ang plot. 'Di baleng recycled ang concept. Basta ba IMBA ang execution at tatatak iyon nang pangmatagalan sa isip at kaluluwa ko. Lol. Huwag ding kalilimutan ang paglapat ng tamang emosyon para sa isang napakaIMBAng kuwento. Dapat balansehin. KakaIMBAng execution na may nakakaIMBAng emosyon ang susi!

4.) Tips na ma-a-aroused sa mga kalahok kung sakaling mawalan na sila ng gana sa pagsusulat?

Magpahinga. Magliwaliw. Magmuni-muni. Magsight seeing. Magbasa. Kahit saan naman kasi maaari kayong makahanap ng inspirasyon para bumalik ang gana ninyo sa pagsusulat. Nasa kung paano na lang ninyo iyon hahanapin, kung nakahiga ba o nakatayo. Dejk! ;)

6.) Sino kras mo?

Nag-iisa lang si Cho Kyu Hyun sa puso ko. XD



P.S: HAPPY BIRTHDAY ATE ERI! We IMBAlab you! :*

from: Team IMBA


YOUR STORY SOUNDS FAMILIAR SEASON TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon