YOUR STORY SOUNDS FAMILIAR – SEASON TWO
FINAL WAVE MECHANICS
"Death tugs at my ear and says, 'Live. I am coming." ― Oliver Wendell Holmes Sr.
Hello! Halo-halong emosyon ang aming nararamdaman ngayong huling round na. Proud at masaya kami na makatatapos na naman kami ng isang season at nakapamudmod na naman kami ng sakit ng ulo sa mga IMBAng contestants natin. Malungkot din naman kami dahil, for now, last na muna naming hirit sa pagpapahirap sa mga manunulat na nagsusumikap na lampasan ang kanilang limit; mga manunulat na na-bore lang at wala namang gagawin ngayong summer; at mga manunulat na sinusuong ang deadline na walang kasing bilis. (Dahil d'yan, isang araw lang ang submission period natin this round. Bwahahahahaha!) Malalaman na natin kung sino-sino ang makatatanggap kina Collie at Pengk, cellphone load at mga libro lang naman. Pero siyempre, kailangan muna nilang daanan ang makulit at malupit naming challenge para marating ang rurok ng tagumpay!
Recap muna tayo sandali, mga kaibigan.
Matapos ang mainit na auditions ay sumalang kayo sa nakalilito, nakahihilo at nakalolokang First Wave kung saan nga nakisaya at nakitampisaw ang mga Diyosang organizers. Ehem. Sobrang feel namin kayo sa inyong paghihirap dahil sa creative mixing a.k.a. nonlinear narrative na talaga namang nagpabaliktad sa mga utak nating lahat. Tumbling to the Second Wave, 'ika nga.
Nabuhayan ba kayo sa empowerment theme ng semi-final round ng YSSF2? Marahil ay umaaasa kayong maiintindihan namin kung gaano nawasak ang inyong mga brain cells dahil sa sari-saring pakulo namin. But wait, there's more. 'Yun nga lang, hindi na namin alam ang ending. Walang nakakaalam ng ending...
Ending. Nag-survey kami sa isang daang katao at tinanong namin sila kung ano ang naiisip nila kapag nabanggit ang salitang 'ending'. Ang top answer na nakuha namin ay 'Death'. Pero s'yempre keme lang 'yung survey. Auditions pa lamang ay napag-usapan na ng mga O (for orga...nizers) ang kahahantungan ng season na ito. Pero, hindi talaga namin alam ang ending. Nakakalito, 'di ba?
E kasi nga, ganito 'yun...
"Hindi ko alam kung paano nagsimula, kung paano natapos at kung ano nga ba ang nangyari. Ang alam ko lang, magulo. Magulo ang lahat. Nasaan na nga ba kami? Ano na nga ba ang hangganan nito? Kamatayan ba ang sagot? Hindi ko alam. Gusto ko ng sagot. Bahala na..." rinig kong sabi niya. Ramdam ko ang kaguluhan sa kanyang utak. Unti-unti ko siyang nilapitan. Tutulungan ko siya.
Mas lalo kayong nalito? Sorry! HAHAHAHAHA. Nang-aasar lang. Pero sana naman nagka-idea na kayo sa mga linyahang iyan. Ito na talaga.
Bakit nga ba binabalikan pa natin ang nakaraan?
A. Dahil hindi tayo maka-move on
B. Dahil nais nating gawing aral ang mga pagkakamali natin noon para maging mas mabuti tayo ngayon at sa hinaharap
C. Dahil trip lang natin
D. All of the above
Ang tamang sagot ay D. Bakit? Basta. Itong-ito na talaga. Pramis!
Ang mga keyword para sa Final Wave ay ang mga sumusunod:
1. Humanized Death, Death's Point of View
2. Creative Mixing/Nonlinear Narrative
3. Open ending
Muli naming ibinabalik ang creative mixing mula sa First Wave. Pero sa round na ito, kuwentuhan ninyo kami na tila ba binabasa namin ang nasa isip ni Death. Ni Death na 'mala-tao'. Bilang torture, 'wag ninyo kaming bigyan ng ending. Hayaan ninyo kaming mauhaw. Mapasal. Masabik. Mabaliw. Charoooot!
Siyempre, ayaw naman talaga namin na sobrang pinapahirapan kayo kaya naman nagpasya ang Team IMBA na pahabain ang submission period, imbes sa traditional na one week submission period. Yehey. Kaya 'wag na kayong umasa ng extension dahil all-out na itong palugit na ito. PLUS, dahil medyo kumplikado ang ating tema at requirements para sa huling sirit, este, hirit, dadagdagan namin ang word count para sa FF writers.
So, eyes here!!
1. Magpasa ng bago, orihinal at open-ended na istorya na nagpapakita ng narrative technique na nonlinear narration. Ang inyong akda ay dapat nakasulat sa pananaw ng personified o humanized death. Ibig sabihin, kay Death ang Point of View para sa round na ito.
2. Word count
Flash Fiction writers – 500 to 800 words
Short Story writers – 1,000 to 2,500 words
Count basis: MS Word
3. Medium: English or Filipino; walang TagLish (maliban na lang sa English words na walang Tagalog equivalent)
4. Genre: No specific genre, but please be responsible
5. Ipadala sa teamba0101@gmail.com ang inyong mga IMBAng kuwento in .doc/.docx format at ilagay sa subject ang: (FF or SS, kung saan ka belong)_(username)_(title ng entry)
6. Bawal na ang magpa-PROOFREAD lalo na ang pagpapa-EDIT at pagpapa-REVISE. Bawal kaming mag-edit miski pa title or whatsoever. Ang ise-send ninyo sa amin ay FINAL na. HUWAG MUNANG I-CHIKA SA FRIENDS O KUNWARING FRIENDS ang entries ninyo. Final round na 'to kaya magtiyaga muna kayong manahimik. :)
7. Submission period: Birthday ni Ate A hanggang birthday ni Wholesome Eri! Kayo na bahala magsaliksik. HAHAHAHA. Charot. May 17, 2016 – May 28, 2016. Bawal lumampas. Walang extension of deadline ngayon dahil 'di namin feel. Hahahaha.
8. Magsabi kaagad kung magku-quit para maibigay namin ang slot ninyo sa iba at hindi na tayo mag-aksaya ng mga oras natin. Hahahaha. Paki-pm lang kami dito o sa page ng PLAY kung tuloy ang laban o PASS. Tagging: Lena0209, EmeyeyrayterWattpad, bluePetaLblooms, EclipticStar, BloatedCheeks & Dismal_Shadow (na 'di ko ma-mention).
Para sa mga katanungan, mag-comment lang sa baba or i-PM ninyo kami sa facebook page!