Audition- Judges

240 17 16
                                    

Bilang pormal na pagsisimula ng Audition hindi magiging kumpleto ang lahat kung wala sila kaya ating kilalanin ang mga hurado at ang naging dating mga kalahok ng YSSF season 1.

Hindi lang sila basta-bastang kalahok noon dahil nalampasan nila ang mainit na Audition, baliktarang Reverse Storytelling, maingay na Dialogic Epistolary at kakaIMBAng Alien's P.O.V. Sila ang namayagpag sa kontes at narito sila para ibahagi ang kanilang nalalaman.

Unahin natin si illusion_ist o kilala bilang Shy. Katulad ng palayaw niya mahiyain at seryoso si Shy pero ayon sa nakalap namin ay may lahing baliw ito kaya hindi na nakapagtataka kung naging miyembro siya ng Team Baliw. Naging officer din siya ng school publication nang hayskul. Siya ay nagkamit ng 1st place sa kategoryang Dagli (Flash Fiction). Kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Ateneo de Davao University. Isa sa mga organizer ng Literary Outbreak, isang patimpalak din sa Wattpad.

1. Bilang naging kalahok ng YSSF dati, ano ang nagpaungol sa 'yong experience?

Boredom ng summer. Gusto ko lang ng pampadagdag ng stress. XD

2. Sa pagsusulat ano ang gusto mong maranasan ng mga kalahok, hirap o sarap? Bakit?

Hirap. Kinakailangan muna nilang makaranas ng hirap bago maabot sarap na inaasam.

3. Ano ang hinahanap-hanap mo sa kakaIMBAng kwento para magsitayuan... ang balahibo mo sa katawan?

May impact. Yung tipong pinag-isipan ng mabuti ang plot at nadadala ang mga mambabasa sa mismong setting ng kwento. Bigyan ninyo ng magandang kwento ang mga karakter na nabubuhay sa inyong imahinasyon.

4. Tips na ma-a-aroused sa mga kalahok kung sakaling mawalan na sila ng gana sa pagsusulat.

Sikapin ninyo na makaabot sa huling round ng patimpalak na ito. Hindi lang premyo ang maghihintay sa inyo, kundi pati na rin ang bagong kaalaman at bagong pagkakaibigang mabubuo.

5. Sino kras mo?

Dyo!

Ang ating pangalawang hurado ay kaibigan ng marami. Pilyo, maloko at maganda... siya si Lord Sektha o kung wala kang galang pwede rin na Sektha na lang. Haha. Biro lang. Nagkamit din ng 3rd place sa kategoryang Maikling Kuwento (Short Story). Nakuha rin niya ang parehong pwesto sa Literary Outbreak: One-Shot Writing Contest Survive or Die. Isa sa mga administrator ng WIT (What I Thought) Writers' Guild.

1.) Bilang naging kalahok dati sa YSSF, ano ang nagpaungol sa 'yong experience?

-'Yung init na dala ng summer na sinabayan pa ng pagkabato ko. Ano nga ulit 'yung tanong? 😂

Ganito na lang... bilang naging kalahok at bilang napakaganda ko naman. Ehem. Masasabi kong marami akong natutunan dito. Katulad nang pagdudurog ng bato at paghithit ng gamit na brief ng dati naming kapitbahay. Natutunan ko 'yan kay Penk na kulay dilim ang singit. Lalo na 'yung ALIEN POV na ikinawala ng pagkababae-este katinuan ko.

Habang humihithit ng gamit na brief, doon ako napaungol. Ayun na yata ang pinaka-the breast na experience ko rito. 😂

2.) Sa pagsusulat ano ang gusto mong maranasan ng mga kalahok, hirap o sarap? Bakit?

-HIRAP muna bago ang SARAP.

HIRAP, dahil hindi sarap. Mas magandang mahirapan ka muna sa mga challenges para mas lalong mahasa ang mga sandata-este sandata na lang. Sa lahat nang kahaharaping pagsubok, kelangan munang paghirapan. Kagaya nang paghihirap mong habulin ang hayop mong ex. 😂

YOUR STORY SOUNDS FAMILIAR SEASON TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon