Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Masakit hanggang ngayon na hindi ko parin lubos maisip na wala na talaga. Nagsimula siyang manligaw noong praktis naming ng graduation nung grade 6. Noong una ayoko pa talaga kasi wala akong balak at bawal pa pero dahil sa udyok ng kaibigan at pagiging broken hearted sa crush, sinagot ko siya. Syempre sa una masaya ganon naman talaga eh. Pero noong June 2011 parang nagka-kalabuan na kami at mas nagpalala pa noong hindi niya ako binate noong birthday ko. Nag hiwalay kami dahil dun, masakit lang dahil wala pang isang buwan na naghiwalay kami ay meron na agad siyang pinalit sa akin at kaibigan ko pa. Naisip ko karma ko na ata yon dahil sa ex din siya ng kaibigan ko pero sila pa nga mismo nag-udyok eh.
Ang hirap mag move-on pero syempre first boyfriend ko siya, pero kailangan tanggapin. After 4 months nakakagulat dahil naging kami ulit, siguro tanga na kung tanga pero wala eh mahal mo ganon talaga.
Noong nag isang taon kami nalungkot ako kasi hindi ko siya kasama nasa ospital kasi siya ng isang buwan dahil sa nainfection yung sugat niya sa paa. Nov 10, 2012 yun yung araw na dinalaw ko siya sa QMMC tumakas lang ako nun actually hindi ko pa talaga alam yung lugar at binigyan niya lang ako ng instruction at nakarating naman akong safe at nakauwi. Nakalabas na siya ng ospital at nagmessage na lang siya sa akin sa fb noong anniversary naming. Sobrang daming pagsubok ang dumating nandun yung nagkaroon pa siya ng isa pang girlfriend bukod sakin pero pinatawad ko padin siya at sinabi niyang magbabago siya at natupad naman.
After noong niloko niya ako, mas tumibay pa yung relationship namin at naipakilala ko na rin siya sa parents ko. Ang saya na sana kaso nung January 2014 naghiwalay kami. Kailangan kasi lagi yung youth leader nila sa church at ng family ko din. Kung kami talaga, kami talaga. Naging maayos naman ang paghihiwalay naming umiyak kami pero at least naiintindihan namin na tama rin yon kahit masakit dahil study first nga muna. Habang nahihirapan kami sa communication namin dahil hangga't maaari ayaw muna o bawal muna kaming magusap at nilalagnat nanaman siya at laging masakit yung ulo.
Broken family kasi sila at napapabayaan sila ng papa nila kaya pumunta muna siya sa mama niya sa pasay. March 27, 2014 pumunta siya sa bahay pero pumunta muna siya sa school para kunin yung form 137 niya kasi gusto niya pang mag-aral. Hindi ko alam na bumiyahe siya nang may sakit. Nung makita ko siya halos gusto ko nang umiyak dahil sobrang payat na niya tapos ang init pa at laging nakahawak sa ulo dahil masakit nga daw. Mapilit kasi siya ayaw talaga siyang payagan pero gusto niya talagang pumunta dahil gusto niyang mag-aral pa.
Hinatid ko siya sa bahay ng tita niya dahil dun muna daw siya mag stay, bumili din kami ng pangsuot. Habang naglalakad kami akay-akay ko na siya dahil di na niya kaya. Nang makarating kami doon ay nagpahinga ako saglit at umuwi na rin. April 18 nasa bulacan kami dahil sa youth camp. Nasa ospital pala siya noon at inoperahan na. April 15, 2014 tumawag ako at gusto ko siyang makausap pero comatose na pala siya. Pag karinig ko non ay umiyak agad ako at gusto ko na siyang puntahan, April 19 nang sabihin ko sa parents ko na gusto ko siyang dalawin at pumayag naman sila kaso hindi nga namin kaibsado at alam yung lugar at natatakot silang ako lang mag isang bumiyahe dahil malayo. April 21,2014 gabi noon at nag text yung mama niya, "Glem si tita mo to, wala na siya iniwan niya na tayo." Pumunta ako ng restroom para doo umiyak at sinabi ko iyon sa parents ko at nagulat din sila at nalungkot. After 2 days ko pa siya nakita dahil nagkaproblema pa. Nandoon lang ako sa tabi ng kabaong niya noong ibinurol siya, binabantayan ko siya. Almost 1 week din siyang naka-burol noon. Ang hirap everytime na makikita ko siya iniisip ko na sana buhay pa siya at kaya niyang i-defend yung sarili niya kung bakit siya nang-iwan. Ang hirap talaga lalo na yung ililibing na siya, gusto ko siyang lapitan at yakapin siya, yung mararamdaman ko yung katawan niya kahit malamig.
Ngayon magto-two years na siyang wala at wala paring nagbagago, ganon parin yung pagmamahal ko sakanya. Binigay na rin sa akin ng parents niya yung diary naming at yung iba pa niyan gamit. Sa ngayon meron isang tao na handang maghintay at nandiyan lang at masaya ako dahil I think siya nay un dahil hindi ko siya hiningi at kusa lang siyang binigay ng panginoon para pawiin ang aking kalungkutan.
BINABASA MO ANG
"QCPU Love Stories"
Short StoryAng storyang inyong mababasa ay base sa tunay na buhay. Kwento po ito ng mga estudyanteng mula sa Quezon City Polytechnic University