Itong sinulat ko, ito na ang pinaka masaya at pinaka masakit na nararanasan ko dahil sa "Pag-ibig." totoo nga talaga kapag nag mahal ka ng sobra masasaktan kari ng napakalala. sige na nga umpisahan kuna itong kadramahan ko sa puso. itong taong mahal na mahal ko, dumating siya sa hindi inaasahang panahon. noong unang pag-kikita palang namin, humanga agad ako sa kanya. hindi ako ganun noon lalo na kapag may hinahangaan ako balewala lang sa akin kasi nga hindi ako mahilig makipaglandian. nasa labas ako noon ng aming silid aralan hindi ko itinatangging malalim ang aking iniisip, hindi ko man lang namalayan na nasa tabi kuna pala siya gulat nagulat ako noon kasi hindi ko naman akalain na tatabihan niya ako at kakausapin pa at doon na nag simula ang lahat. araw man o gabi pa man ay palagi kaming mag-kausap sa telepono madalas nag-tatawagan kami kahit madaling araw na, minsan nga ay nag-tatago pa ako sa kuya ko dahil naririnig niya lakas ng hagikgik ko sa tuwa napakasaya ko nung mga panahon na iyon. hindi kami nag-papansinan sa loob ng silid-aralan hanggang tinginan lang sabay ngiti na para bang alam namin sa isa't-isa na masaya kami kahit na ganun lang yun. nag patuloy yung ganung sitwasyon namin, siguro mga halos ilang buwan na ganun bigla siyang nag karoon ng problema, nasa praktis ako nun at agad na nag isip ng palusot para makauwi. nagkita kaming dalawa yun ang una naming pag-kikita at pag-uusap ng kaharap namin ang isa't-isa oo alam ko nakaramdam akoi ng hiya pero niyakap niya ako,alam ko at nararamdaman kung napaka lungkot niya. habang yakap niya ako nanginginig ang tuhod ko, nanlalambot ako at kinakabahan. hinalikan niya ako ng hindi lang basta halik kundi halik na pang matagalan (SLOwly torrid kiss). hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ako marunong at unang beses kung mahalikan ng ganun pagkatapos ng araw na yun ay mas naging malapit kami sa isa't-isa hindi kami at hindi rin kami mag-kaibigan at hindi basta mag kakilala lang. basta alam namin sa isa't-isa na espesyal kami at may koneksyon na hindi kaya maintindihan ng ibang taong nakapaligid sa amin. nang dahil sa pagiging malapit namin sa isa't-isa sabay na kaming umuuwi yung tipong dalawa lang talaga kayo tapos mag-lalakad kung saan-saan na parang walang tao sa paligid namin wala kaming pake sa mga tao, sa ingay ng sasakyan o sa pagod na nararamdaman namin basta ang mahalaga yung "Kami." lagi kaming tumatambay sa ministop kumakain ng ice cream pagkatapos namin dun, kakain kami sa turo-turo. dumating sa punto na hindi lang pag uwian kami magkasama pati narin sa silid aralan. masaya kaming dalawa alam namin yun. nag uusap ng kung anumang maisipan at ngalalaro, nag susulatan kahit na magkatabi lang naman kami, o di'kaya nag tatawagan sa isa't-isa. lagi siyang huli sa klase noon ngunit nagbago yun simula nang nging malapit na kami sa isa't-isa. lagi na siyang pumapasok ng maaga, nag-aaral sa tuwing exam at gumagawa narin siya ng mga takdang aralin kahit tamad na tamad siya. isang araw nagawa ko siyang pag-salitaan sa harap ng klase kung baga sa maraming tao. nagawa niya sobrang tuwa ako sa kanya dahil nagawa niya. grabe sobrang napakamaka-pangyarihan pala ng pag-ibig." dati hindi ako naniniwala sa mga ganun pero pag tinamaan kana kabahan kana!!!. masasabi kung ito na ang great love." komadalas na kaming mag-kasama, marami ng tao ang nakaka-alam at nanghuhusga sa sitwasyon namin. hindi ko alam kung tama pa ba o o hindi pero tanging alam ko lang ay mahal ko siya at mahal nya rin ako. kung anuman yung meron kami walang kasiguraduhan lahat nang yun. alam ko at alam niya na mayroon siyang nobya oo masaya ako pero bakit nararamdaman kong may iba, may mashigit pa kesa sa akin at doon na nag-umpisa may mga panahong binabaliwala nya lang ako, minsan hindi na napag-tutuunan ng pansin siguro nga nakokonsensya na siya sa ginawa naminitinigil namin ang lahat ng nangyari sa amin. sa kanya wala lang samantalang ako halos kainin na ng sakit sa puso eh. lumipas ang ilang araw iniistalk ko sya at nag popost siya ng litrato ng kanyang nobya. masakit na masakit talaga hanggang sa isang araw sa mismong araw kung kailan niya ako hinalikan nakipagkita siya sa U.P Diliman, sa simbahan doon hindi kami nag imikan ang awkward kasi ng sitwasyon. nag salita siya, nakinig lang ako sa bawat mga salitang binibitiwan niya sunud-sunod na pumapatak ang luha mula sa aking mga mata.may inabot siya isang hindi ordinaryong sing-sing may haati sa gitna pero mag-katabi yun at magkarugtong. sinabi niya na hindi man buo, hindi man magka-ugnay sa isa't-isa pero maglalapit at malapit sa isa't-isa ang sakit ng mga salitang iyon naniniwala siya ng kapag humiling ka doon ay magkaka-totoo iyon, humiling ako na sana maging maayos na ang lahat, pangalawa ay sabay kaming mag-sipagtapos at ang pang huli ay sana hanggang sa huli ay kami parin. matapos ang araw na yun ay naging maayos na ulit kami bumalik sa dati ang lahat tila ba walang naging problema lahat nawala. nakakapunta narin ako sa bahay nila at kilala narin ako sa kanila, lahat naayos na ay hindi pa pala akda ko lang pala lahat ng yun.nag-awaay kami hindi nag-papansinan at hindi nag-uusap nakikita ko sa mga post niya ay ok. na sila nung isa. sinabi niya sa akin na mahal nya ako, sinabi niya na mahalaga ako sa kanya pero bakit hanggang salita niya lang ang lahat ng iyon,.totoo nga lahat ng tao may limitasyon hindi ko matatanggap na mauuwi lang ang lahat sa ganun, maraming mga tanong pero mas maganda na sigurong hindi malaman. oo nga pala hindi nga pala naging kami, ramdam ko na mahal nya ako pero bakit ganito? naiwan akong nag-iisa umaasa sa taong hindi man lang makuhang ipakita na mag-effort para sa akin sadya bang tanga o ako lang yung umaasa ? mahirap maiwan ng nakasabit at naghihintay sa wala...........
BINABASA MO ANG
"QCPU Love Stories"
Short StoryAng storyang inyong mababasa ay base sa tunay na buhay. Kwento po ito ng mga estudyanteng mula sa Quezon City Polytechnic University