Noong 2nd year highschool ako hindi ko masyadong iniisip yung about sa love basta focus lang ako sa pag-aaral ko. Syempre ayun, nagkaroon ako ng mga friends hindi ko akalain na may magkakagusto sa akin tapos kaibigan ko pa. Naumpisa yun sa sulatan naming sa likod ng math notebook ko, habang nagiging sweet na siya sakin tapos hindi ko ine-expect na sasabihin nya na antayin nya ako. Nagulat nga ako eh kasi wow sya pa yung mag-aantay para sa akin at sa itsura kong to? Ayun kasi kasali sa "Marusso" modelling yun tapos ako naman kasama mga kagrupo ko mag iintermission kami sa mga event. Madalas ko na rin siyang nakakasama that time. Hanggang sa nagkaka-text na nga kami tapos lagi pa kaming magkasama kasi nga classmate ko siya.
Isang araw ayun nag try akong ligawan sya then sinagot nya agad ako 2 days ago palang nagulat nalang ako kasi napaka-bilis lang. Noong una iniisip ko na parang magiging lokohan lang yung relasyon namin medyo may pagka-masungit din sya noon. Iniisip ko na parang pagti-tripan nya lang ako. Pero lumipas ang ilang buwan kahit na noong una marami pang humahadlang hindi parin sya bumitaw syempre sobrang napa-mahal na sya sakin hindi ko na naisip na magpakilala sa parens nya kasi iniisip ko na hindi nila ako matatanggap.
Nagki-kita kita lang kami pag walang pasok tapos minsan pumupunta siya sa bahay hanggang sa nakilala na siya ng pamilya ko. Minsan nagkikita lang kami sa bahay ng tita nya kasi alam narin naman ng tita nya yung about sa relasyon namin.
Isang araw noong nandun kami sa bahay ng tita niya biglang dumating yung mama niya kilala naman na ako ng mama nya kasi noong magkaibigan palang kami ay lagi kaming pumupunta sa bahay nila. So ayun na nga pumasok sa loob yung mama nya tapos nakita ako tapos yung girlfriend ko naman nag tago sa loob ng banyo. Napayuko nalang ako kasi hindi ko na alam yung gagawin ko biglang nag salita na yung mama niya at sinabi sakin na "Kung magrerelasyon kayo ng ganyan ipakita niyo sa magulang kasi ayaw naman naming na nagkikita lang kayo sa kung saan-saan." Sabay sabi ko nalang, "Opo, Tita" tapos umalis na siya dun pahabol pa niya pauwiin ko na daw yung anak niya kasi maglu-luto daw.
Nag-usap kami ng girlfriend ko about dun. Ilang araw nakalipas naglakas loob akong pumunta sa bahay nila hindi ko na inisip kung anong sasabihin nila sa akin pero noong nasa bahay na nila ako natuwa ako kasi ang bait nila sa akin at inisip ko nalang na tanggap nila ako kahit ganito ako. Habang tuma-tagal kami ayun minsan pumupunta na ako sa kanila hanggang sa napapadalas na. Kung minsan nga eh sinasama nila ako lumabas at sumama sa mga family bonding nila. Masaya ako kasi nakilala na sya ng pamilya ko tapos kilala narin ako ng pamilya nya. Di ko akalain na magtatagal kami minsan nga masasabi ko nalang sa sarili ko na ang swerte ko naman sa babae na ito. Ayun hanggang ngayon kami parin at mahal na mahal naming ang isa't – isa. Hindi nagiging hadlang para sa amin yung mga sinasabi ng iba basta kami masaya kami sa kung anong meron kami ngayon.
true}ovƗ
BINABASA MO ANG
"QCPU Love Stories"
Short StoryAng storyang inyong mababasa ay base sa tunay na buhay. Kwento po ito ng mga estudyanteng mula sa Quezon City Polytechnic University