Meron akong isang bestfriend, ang pangalan niya ay Veronica Benocilla. Kasalukuyan siya ngayong nag-aaral sa QCPU San Bartolome branch at siya ay nasa sekundarya na. Si Nica ay maputi, mahaba ang buhok, maganda, cute pag siya ay ngumingiti, at sobrang sweet at maalagain lalo na sa akin.
Nag simula kaming magkakillaa noong May 2011 sa isang camp ng CFC o Couple For Christ kung saan ako ay kabilang sa mga service team bilang music ministry leader. Noong una ay medyo naiilang pa ako sa kanya dahil bagong sali lang siya sa aming parish pero hindi din nagtagal at naging mas malapit pa kami sa isa't isa. Nakaka-gulat nga nga dahil may tinatago pala siyang kakulitan, yung tipong napaka-lakas ng trip na kahit sino inaasar o kahit ano gagawin mapatawa ka lang.
Hanggang sa isang ataw nalaman ko na lang sa sarili ko na nafa-fall na pala ako sa kanya. Syempre sino ba naman na lalaki ang hindi mahuhulog ang loob sa tulad nyang maganda, maputi at walang arte. Hindi ba naka jackpot ako? Isang araw nang kami ay magkatext sa cellphone tinawag nya akong "BHEST?" Syempre nagulat ako dahil bakit ganon ang tawag niya sakin? At ang sabi nya ay sa sobrang close daw naming dapat mag bestfriends na kami diba? Kaya ako naman etong pumayag dahil nung mga oras na iyon ay may feelings na ako sakanya. Ilang taon ang lumipas nagulat ako dahil naging magka-klase kami nitong 4th year high school. Sa sobrang tuwa ko ay napatalon pa ko sa dami ng tao. Habang magka-klase kami ay walang oras na hindi ako nakangiti, simula ba naman ay sa pag-pasok palang ng eskwelahan at pag-uwi ay magkasama na kami, malapit lang kasi ang bahay nila sa amin.
Tuwing magkasama kami lahat ay naku-kwento niya, lahat as in lahat mapatungkol sa problema nya hanggang sa family, personal, o kahit kapag meron siyang red tide lahat yon alam ko. Dahil ako si lalaki at siya si babae siya pa gumigising sakin pag papasok na kami ng school, tipong gagapangin pa niya ako sa higaan ko,kapag kumakain naman kami ay lagi niya akong sinusubuan ng pagkain niya. Kapag may problema siya ay sa balikat ko siya umiiyak. May mga events din sa malayong lugar na napupuntahan naming dalawa tulad sa Marikina, Bulacan, Batangas, at Makati. Ang mga event na iyon ay minsan tatlong araw at dalawang gabi kaya naman kung ti-tignan mo ay parang kami na dahil sa sobrang close naming sa isa't isa. Pero isang araw kung kailan sasabihin ko na sakanya yung nararamdaman ko ay biglang nalaman ko na may sinagot niya biglaan yung lalaki sa kabilang section na isang araw pa lang nanliligaw sakanya.
Noong mga panahon na iyon ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa, hinayaan ko muna yung masasayang araw na magkasama kami bago ako umain at yun nga ang kamalian ko. Simula noon nawala na yung sweetness niya sa akin, hindi na rin siya sumasabay sa akin, at lalong hindi na siya sa akin lumalapit pag may mga gusto siyang ikuwento. Ngayon ay sila parin, feeling ko masaya naman siya dun sa relasyon nila nung lalaki pero isa lang talaga ang hindi ko makakalimutan na sinabi niya sakin isang araw ng kausapin ko siya "Bakit hindi ka umamin na may gusto ka pala sakin? Mahal na mahal kaya kita nung mga oras nay un pero ang torpe mo." Huli na talaga ang lahat ang tanga ko. Ngayon wala na siya nawala ko ang babaeng minahal ko nang sobra.

BINABASA MO ANG
"QCPU Love Stories"
KurzgeschichtenAng storyang inyong mababasa ay base sa tunay na buhay. Kwento po ito ng mga estudyanteng mula sa Quezon City Polytechnic University