High school days nag karoon ako ng manliligaw na gwapo, matalino, sikat sa campus, pinanlalaban sa ibat ibang s
chool, kilalang loyal sa Gf niya at mabuting kaibigan. Noong una hindi ako naniniwalang may gusto siya sa akin matapus ang paghihiwalay nila ng kanyang karelasyong babae.Ako ang unang lumapit sa kanya noong pinagawa kami ng film, dahil sa isang trahedya na nabura lahat ng video na pinaghirapan namin. Naniniwala ako sa kakayahan nya dahil ilang taon siyang nag ensayo ukol sa film hindi ko akalaing tutulungan niya ako, pinakilala na din niya ako sa magulang niya, sa pamilya niya, sa simbahan, sa kaibigan niya habang may trabaho siya sa tentro, pra sa akin parang may gusto ang lalaking ito sa akin.
Pinagawa kami ng film ng dalawang araw lang at sa araw ng pasahan saka nawala ang lahat ng files.
Siya npang nag direct, nagkamera, gumawa ng kwento sa natitirang oras sa araw din na pasahan na iyon.Matagumpay naming naayos at ineedit na lamang ito. Nag cut siya ng mga klase niya. Ng makapagpasa kami labis ako g natuwa noon, parang napakaswerte ko sa sobrang paghihirap niya akin. Kapag sinasamahan at hinahatid ako pag-uwi ang sama ng tingin ng ibang mga babae sa akin.
Isang araw nagtapat siyang may gusto siya sa akin, para saken laking gulat ako at hindi handa na magkarelasyon muli, kayat sinabi ko na magkaibigan na lang kami, ang sabi niya, maghihintay siya na pumayag ako magpaligaw. Tuloy lang siya sa pagsusuyo sa akin, maging mga kaibigan ko ay hindi makapaniwala na nagustuhan ako ng kilala sa paaralan namin, ang dating girlfriend niya ay nag seselos sa akin. Wala akong magawa dahil hindi ako kasama sa kwento nila kayat di ko masyadong pinapansin ang nanliligaw sa akin.
Dumating ang araw bigla di na ako pinansin at iniwasan na ako ng lalaking iyon. Parang ayaw niya ng lumapit at hindi na din ako tinitext, pakiramdam ko handa na akong makasama siya sa mga oras na iyon dahil ang sakit na nawala siya bigla. Sinubukan pa niya ako pagselosen para malaman kong anu talaga nararamdaman ko.
Ayaw ko ng pakiramdam na pinagseselos ako kung mas kaya siyang pasiyahin hayaan ko na sila. Mga kaibigan ko nagtataka dahil hindi na kami mag kalapait ng kaibigan kong iyon at hindi alam kong anu na ang mangyayari.
Hanggang sa bago ang araw ng graduation nag amin siya na ginamit ko lang siya kaya siya lumayo, laking panghihinayang ko dahil nawala siya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
"QCPU Love Stories"
Kısa HikayeAng storyang inyong mababasa ay base sa tunay na buhay. Kwento po ito ng mga estudyanteng mula sa Quezon City Polytechnic University