Alex, my EX

82 2 2
                                    

MY LOVE STORY

Ang kwentong ito ay tungkol sa aming dalawa ng ex ko.

Ako at si Alex ay magkakilala na simula pa nung una dahil kababata ko sya. Siya ang kababata kong laging nang-aasar sa akin, lagi nya akong pinapaiyak at dahil doon lumayo ang loob ko sa kanya, hindi na ako nakikipag-laro sa kanya at hindi ko na rin sya pinapansin. Lumipas ang ilang taon wala kaming pansinan sa isa't-isa. Dumating yung time na nagbibinata na sya at ako nagdadalaga na rin. Madami ng nagbago sa amin bukod sa aming pisikal na anyo. Ang laki ng pinagbago ni Alex lalo na sa ugali, hindi na sya nang aasar sa akin. At dahil sa pagiging mabait niya sa akin bumalik ang loob ko sa kanya. Ang saya saya ko sa tuwing nakaka- kwentuhan ko sya kasama ang iba naming barkada, at kapag kami lang ang magkasama ay napaka sweet nya sa akin at nakakaramdam naman ako ng kilig doon. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng gusto sa kanya at pinilit ko na lang ang sarili ko na lumayo sa kanya. Napansin ng isa kong barkada na lumalayo na ako sa kanila at sinabi ko ang dahilan. At hindi nagtagal nalaman ito ni Alex, hiniling nya na kung pwede ay mag-usap daw kaming dalawa at pag usapan ang tungkol doon, hindi ko alam ang gagawin ko nung time na iyon. tinanong nya ako kung totoo daw bang may gusto ako sa kanya, habang kinakausap nya ako hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nahihiya ako pero nagulat ako at napatingin ako sa kanya bigla nung sinabi niyang " gusto din kita jov" hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon, tinanong nya rin ako na kung pwede daw ba syang manligaw sa akin at mabilis kong sabi "oo" at lumipas ang Ilang buwan ay sinagot ko rin sya.

Ang sitwasyon ng relasyon naming dalawa ay napakahirap dahil both parents are againts to us hindi ko alam kung bakit pero kahit ganun ipinagpatuloy pa rin namin ang aming relasyon, maraming pagsubok ang dumating sa aming dalawa, dumating yung time na pinaglayo kaming dalawa, dinala ako ng nanay ko sa bulacan para doon mag-aral pero nung time na iyon wala sa isip ko ang mag-aral, ang nasa isip ko lang noon ay si Alex. Halos isang taon din kaming walang communication ni Alex dahil pinagbawalan ako ng nanay ko gumamit ng phone at kahit internet bawal, at itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagta-trabaho. Sumagi sa isip ko na baka may iba ng babae si Alex kase hindi ko na sya nakakausap pero dumating yung time na pinauwi na ako ng nanay ko at nakakatuwa lang dahil ramdam ko kay Alex na miss na miss nya ako dahil sa higpit ng yakap nya sa akin. Inakala naming okay na sa mga parents namin ang relasyon naming dalawa pero hindi pa pala. Magkasabay kame nagcollege ni Alex pero pinapili ako ng nanay ko kung school daw ba o si Alex, pag school daw pinili ko dapat ay hiwalayan ko si Alex at kapag si Alex naman ang pinili ko ay hihinto ako mag-aral at magsama na daw kami ni Alex. Ang pinili ko ay school pero inilihim ko sa aking nanay na may relasyon parin kaming dalawa ni Alex at hindi nagtagal nalaman nya iyon at sobra ang galit ng nanay ko sa akin, pinapalayas nya na ako sa bahay namin at pinapahinto sa pag-aaral pero nangako ako sa nanay ko na makikipaghiwalay na ako kay Alex. Mahirap para sa akin ang makipag hiwalay sa taong mahal na mahal ko, iniisip ko na lang na darating din yung right time para sa amin.

"QCPU Love Stories"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon