Ang kuwento ng aking pag-ibig ay simple lang at hindi inaasahan. Bago lang ako dito sa QCPU SF at wala pa akong masyadong alam dito, kaya medyo tahimik lang ako. Buti nalang may mga kasabay ako na late enrolee din. Ilang lingo na din na puro sila lang kausap ko, di rin nag-tagal marami nang kumakausap sakin at isa na dun yung babaeng nagpatibok ng puso ko. Unang beses ko siyang napansin nung hiningian niya ako ng picture para sa sit plan. Ang cute niya, maganda, mabait, at palatawa. Nung una inaasar ko lang siya kase mali yung pagkaka-lagay niya ng picture ko sa sit plan, para makausap ko na din siya kahit saglit lang.
Sa di inaasahang pangyayari, yung babaeng gusto ko ay may gusto rin pala sa akin. Tapos isang beses kailangan namin pumunta sa isang zoo para sa project. Di niya alam na may lihim din pala akong pagtingin sa kanya. Nung nandun na kami di niya alam na hinahanap ko siya at gusto ko na makasama siya para sabay kaming mamasyal don. Isa yon sa mga magandang ala-ala na meron kami. At mas kinilig ako noong humawak siya sa braso ko, hindi niya kasi abot yung hawakan sa LRT kaya ayun doon siya humawak sa braso ko na sobra ko naman na ikinatuwa. Tapos nagdaan pa ang maraming araw, madalas na siyang tuksuhin sa akin ng mga ka-klase naming. Medyo kinikilig siya pansin ko pero mas grabe yung kilig ko. At sa mga sumunod na araw at lingo lagi ko na siyang naiisip, din a siya maalis sa isip ko, kaya ni-nais ko nang ipagtapat sakanya ang nararamdaman ko pero ang ikinagulat ko at ikinasaya ay yung umamin siya sa akin at nauna pa siya. Kaya hindi ko na pinalagpas pa ang pagkaka-taon na umamin din sakanya.
February 1 iyon, niyaya ako ng isa naming ka-klase na bumalik sa isang exhibit, sakto nandoon din siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumama. Sabi ko nalang sa sarili ko "Eto na yon" kaya agad agad akong sumama, pero siyempre para masurprise siya di naming sinabi na kasama ako. At noong pag dating sa SM North, mga ilang minute lang dumating na siya na gulat ako na parang kinilig at di alam ang gagawin. Syempre medyo nahihiya pa ako noon pero noong pauwi na kami at dumaan muna sa bahay ng kaklase namin doon ko napagisip isip na gusto niya nga talaga ako. Kaya't naisip ko na kailangan kong gumawa ng paraan at sakto naman na wala pa akong halaman para sa aking NSTP, gabi na iyon mga 6:30 ng gabi nasa main kami kaya naisipan kong pumunta ng circle para bumili, eh malapit lang bahay nila kaya nagpasama na ako sakanya para doon ko na rin aminin sakanya.
At noong umamin na ako at ngayon ay kami na, pinakilala ko na siya sa mga magulang at kamag-anak ko. Yon tanggap naman siya, sobrang saya ko lang ngayon kasi sinagot niya na ako at kami na. Di ko inaasahan na magiging kami, kasi akala ko iba yung tipo niyang lalaki pero hindi pala. Patatag kami ng patatag, kahit minsan nagtatalo pero naayos din naman. Nag-iipon na nga kami para sa future naming eh. At ang masasabi ko lang sa babaeng nagpatibok ng puso ko ay "I love you for the rest of my life"
mv
BINABASA MO ANG
"QCPU Love Stories"
Historia CortaAng storyang inyong mababasa ay base sa tunay na buhay. Kwento po ito ng mga estudyanteng mula sa Quezon City Polytechnic University