Fix 35

1K 21 3
                                    


Grabe ang bilis lang ng pangyayari parang kahapon lang feel ko na tinanong lang ako ni Mika kung pwede bang maging kami? Tapos ngayon one month na kami at ngayon magkasama lang kami sa park HHWW hihi.

"Tara kain tayo." Sabi niya sabay hila saakin sa mga street foods.

"Alam mo? Kahit dito lang tayo kumain araw araw kahit pa fishball lang iulam natin okay lang basta kasama kita masay ako." Sabi niya napangiti naman ako.

"Eh kaso magkakasakit naman tayo non? E diba sabi mo ayaw mong mamatay tayo ng sabay? Kasi ang gusto mo magkasama tayo habambuhay." Sagot ko sakanya napatawa naman siya at hinawakan ang dalawang kamay ko at hinalikan ito..

"I love you..Daks." Sabi pa nito.

"I love you too. Hahaha! Tara eat pa tayo."

Sabi ko at nagorder pa kami ng kwek kwek ... kwek kwek is love <3

~~~


"MAHAL KO SI MIKA DAD!"

Ngayong araw na ito napagpasyahan na namin ni Mika na sabihin kay Dad ang totoo isang buwan narin naman ang nakalipas eh nakakaguilty narin. At sabi ko na nga ba ganito ang magiging reaksyon niya magagalit siya.

"Mahal?! Tsaka ikaw Mika! Diba ang sabi ko sayo?! PATINUUIN MO ANG ANAK KO! I TOLD YOU TO FIX HER! Pero anong ginawa mo? Ginulo mo lang ang isip ng anak ko! At ikaw Ara! Hindi ka na aalis dito! Tutal kakatapos lang naman ng sem mo ipapatransfer na kita dito! Dito muna ipagpapatuloy ang buhay mo! Nang malayo ka na diyan sa babaeng iyan!"

"Sir..hindi niyo naman po kailangan gawin iyon eh." Sabi ni Mika dito.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"Bakit lalayuan mo ba ang anak ko? Ganito lang naman yan Mika, ikaw ang lalayo? O si Ara ang lalayo? Mamili ka."

Napaiyak nalang ako bigla..no Mika noo..

"Sir hindi naman po pwede iyon.." Napayuko na lang siya nagulat nalang ako sa susunod na ginawa niya...lumuhod siya sa harap ng Dad ko.


Si Mika...siya yung taong ma pride....ayaw niyang may nanalo sakanya, never siyang nag please..pero ngayon lumuhod siya sa harap ng Dad ko.

"Mika! Tumayo ka nga."

"Sir mahal ko po si Ara, kung naiisip niyo po na kabaliwan lang itong nararamdaman ko baka nga po..kasi sir kung ialalayo niyo po saakin si Ara baka nga mabaliw nga po ako. Mahal na mahal ko po siya at alam ko pong mahal niya rin ako kaya Sir...please...nakikiusap po ako sainyo...wag niyo pong ilayo saakin si Ara...saamin si Ara."

Umiiyak na rin siya ngayon...Dad...please.

"Dad...please?"

"Uulitin ko yung tanong ko sainyong dalawa...Ikaw ang lalayo? O si Ara ang lalayo? Mamili kayo." Matigas na sabi ni Dad.

"DAD BAKIT GANYAN KA?! HINDI KA BA NAGMAHAL AH? NEVER MO BANG NARAMDAMAN YUNG NARARAMDAMAN KO AH? MAHAL KO SI MIKA DAD! MAHAL NA MAHAL KO PO SIYA."

"Guard!" Biglang sigaw ni Dad.

At parang isang iglap lang hinihila na nila si MIka palabas ng bahay at ako naman papunta sa kwarto.


ROOM

Nagulat nalang ako ng biglang kumatok..."Pasok." Sagot ko nalang.


Ang step mother ko...I mean si Mommy.

"MOMMY!" Sigaw ko habang yumakap sakanya.

"Shhh....Ara...."

"Mommy please i convince mo si Dad na wag gawin saakin ito."

Bigla namang lumungkot yung mukha niya..."Ara may sasabihin ako sayo."


At umupo kami sa bed ko..."Ara yung pagpapadala sayo ng Dad mo sa Manila? Nakaplano lahat iyon Ara...kahit hindi ka gumawa ng kalokohan noon? Balak na talaga ikaw ipadala ng Dad mo doon." Kwento niya saakin.

Naguluhan naman ako bigla."Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Yung company ng Dad mo Ara malaki yung possibilities na mawala nalulugi na siya Ara and ang chance lang na bumangon ulit if mag merge ang company niyo at ng mga torres, Ara nalala mo yung tatlong mali lang ipapakasal ka na niya kay Thomas? Ara kahit hindi mangyari yun gagawin niya parin yun...kaya lang nakita niya yung pagbabago mo Ara...nagbago ka...nagiba yung ugali mo mas naging mabuti kang tao at dahil yun kay Mika at malaki ang pasasalamat niya kay Mika at naging mas better person ka...kaya lahat ginawa ng Dad mo para lang hindi na maituloy ang pagpapakasal niyong dalawa pero at the same time makabangon ang kompanya...pero Ara...wala na...1 month from now kung hindi kayo ma engaged ni Thomas....mawawala na yung company na pinaghirapan ng Dad mo."

Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko kay Dad.


"Ano nanaman Ara? Makikiusap ka nanama nananaman ba? Ayun na ang de--"

"Yung company natin Dad? Yung pinaghirapan niyo ni Mommy? Yung dahilan kung bakit siya namatay? Anong nangyayari Dad?" Mahinahong tanong ko.

Isa lang naman dahilan kung bakit ayaw ko mawala ang compnay namin dahil kay Mommy buong buhay ni Mommy doon niya ginugol ang oras niya at yun din ang dahilan kung bakit siya namatay..dahil sa isang business trip namatay si Mommy kaya ang pinangako ko sakanya hindi mawawala ang kompanya na pinaghirapan niya..at dahilan kung bakit siya namatay.

"Anak.."

"Dad.."




"DAD!"

Napasigaw ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.."Dad?! ANO BANG GINAGAWA MO?!"

"Anak yun nalang ang nagiisang alalaa saakin ng Mom mo at ng Lola mo...Anak simula bata ka lahat ng gusto mo binibigay ko isang hiling mo lang saakin binibigay ko agad...Anak just this time ako naman ang hihiling sayo please pagbigyan mo ako...pakasalan mo si Thomas."


Fix You (Mika Reyes-Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon