Fix 16

1.2K 37 3
                                    




Pagkatapos nung gabing iyon lagi na akong tinetext ni Thomas, ewan ko ba doon. I mean lagi naman niya akong tintext pero iba ngayon parang halos minu-minuto nalang nagtetext siya, siguro naka unli? Charot, joke lang syempre rich kid kaya yun.

"Hoy? Ara parang ineentertain mo na si Thomas ah? Kayo na ba? Aminin mo na."Pilit na pinapaamin ni Cienne si Ara.

"Sige aamin na ako."

Bigla naman napatigil sa ginagawa lahat ng tao sa dorm at napatingin kay Ara, Si Aby na isusubo nalang yung chip nabitawan pa. Si Camille na ililipat nalang yung tv channel nahinto pa, kahit ang masungit na si Mika napatitig kay Ara. Baka nga pati si Kim na tumatae sa banyo eh napatigil.

"Aamin na ako na wala talaga."

Sabay sabay naman na napailing ang mga teammates ni Ara."Kayo naman kasi malisyosya, tsaka si Mika lang naman mapilit doon kay Thomas eh." Sabi nito agad naman dinepensahan ni MIka ang sarili.

"Hey? Isang beses lang kita tinanong at hindi kita pinilit noh? Kusa kang pumayag tsaka kung ayaw mo hindi ka sasama."

"wow 21 words." Iling iling sabi ni Cienne.

"Ganon ka ba talaga kapipi Mika? At binibilang na nila kada word na sasabihin mo?" Asar ni Ara kay Mika.

Napatawa naman si Mika."Tss haha. Alam mo ba kung bakit nila binibilang ang words ko? Kasi para akong baby. Halata naman diba? 19 na ako pero baby face parin." Sabi ni Mika at nagsmirk.

"Weh?"

Bigla naman lumapit si Mika kay Ara as in malapit na malapit."Tingnan mo mabuti weh parin?"

Nanlaki naman ang mata ni Ara at parang nag blush pa.

"Ehem." Sabay sabay na sabi ng Lady Spikers pati narin si Kim na galing sa cr naki ehem rin.

Nahiya si Mika pero hindi niya pinakita sobrang galing rin naman kasi talaga mag cover up ni Mika. Pero si Ara, sobrang namumula lang talaga.

"Ara? Grades ba yang mukha mo?"

"H-huh?"

"Namumula eh."

Pagkasabi ni Kim nun nagsitawanan naman sila.

"Baka naman saan mapunta yan? Baka naman imbis na ThomAra maging Kara naman yan ah?"

Biro naman ni Aby. Naging seryoso naman si Mika pero biglang ngumiti."Ano ka ba ate Aby, friends kami ni Ara walang talo talo noh." Sabi nito.

"Sabi mo eh."

Iling iling na sagot nito.


Pagkatapos nun ay kanyang kanya na bumalik sa mga pinagagawa nila ang mga Lady Spikers habang si Mika at Kim naman ay bumalik sa kwarto nila at doon tumambay.


"Ikaw ah? Dinadaan mo pa sa sungit may gusto ka rin pala kay Ara? Haha."

Usual Mika hindi niya lang pinansin si Kim.

"Biro lang bruh, pero eto ah..lahat ng tao may karapatan sumaya."

Sabi nito at pinat si Mika sa balikat..."Andon na tayo eh..na lahat ng tao may karapatan sumaya pero walang taong may karapatan manakit ng kung sino."

Mahinang sabi ni Mika.

"Ano?"

"Ang binge mo naman. Ang sabi ko magkaibigan kami ni Ara walang talo talo tsaka tinutulungan ko nga si Thomas na maging sila ni Ara tapos biglang magiging kami? Anong kagaguhan yun diba?"

"Sabi mo eh."

At napailing iling nalang si Kim.





~-----------------~

HELLOW! HAHAHAHAHA MAY NAGBABASA PA BA NITO? HELLO SAINYO AHHAHAHA MALAPIT NA UAAP SHET :)))))))))))))))))))))))))))))))

Fix You (Mika Reyes-Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon