Ginala ko ang paningin ko sa kahabaan ng pila sa canteen. Nakita ko syang kasama ng isa sa mga head na babae na kakapasok palang ng canteen. Umiwas ako ng tingin ng tumingin sya sa banda sa akin,maliit lang ang canteen kaya madali nya ko makikita at alam nyang lahat ng empleyado ay agad pipila. Di ko mawari kung nahanap nya agad ako o hindi basta ang alam ko ngayon ay namimili na ko ng putaheng kakainin ko.
Ilang potahe ang nakahanda ngayon. Nasa bandang dulo pa ang mga gulay, nakatingin ako sa mga manok na iba't ibang luto... kumuha ako ng isang mangkok na sinigang at chicken barbeque. Sinundan ko lang ang mga nakapilang tao para magbayad sa kinuhang pagkain.
Pagkatapos kong magbayad pumunta ako malapit sa pinto na mesa at umupo. Dalawang babae ang umupo sa harap ko habang masayang naguusap. Pinagpatuloy ko lang kinakain ko hanggang sa matapos ito.
Dumaretso ako sa smoking area sa labas at nagsimulang sumindi ng sigarilyo ko.
Sandali lang ang nakalipas ay may lumapit sa aking bakla at nakisindi. Tumango ako ng mapasalamat sya sakin at umupo kasama ko.
"san ka department?" napatingin ako sa kanya
"financial" ngumiti lang sya at ako naman nakapoker face.
"ganda mo naman! sana naging babae ako para kasing ganda mo ako" ngumiti ako ng peke sa kanya. In your dreams. "alam mo may alam ako dito sa Cebu na agency" di ko alam kung ano gusto nyang mangyari at bakit sya feeling close. Bakla nga naman. "gusto mo itry ang modeling? malaki kita doon kesa dito" nagsign pa sya ng pera "doble sa sinasahod mo dito" tinitigan ko sya kung seryoso sya.
Di ako basta basta naniniwala kung kani-kanino lang, minsan nadin ako naloko sa manila na agency daw yun pala ay peperahan lang ako para makapasok sa agency na sikat sa manila, tutulungan daw ako. Aminin ko di lang ako ang maganda dito sa pilipinas kundi marami kami kaya mahirap makipagcompete sa kanila kasi mas gugustuhin pa nilang kumuha ng mga professional. its true.
"so?" tamad ko syang sinagot
"kakilala ko ang isa sa photograper doon" tinignan niya ako sa legs ko. "papasa ka doon! mahahaba yan at sexy ka plus maganda ka!" tuwang tuwang sinasabi nya sakin.
"tinatamad ako" totoo tinatamad na akong maniwala diyan.
"you dont trust me. dont you? kasi base sa mga sagot mo parang ayaw mo" seryoso syang nakatingin sa akin ngayon.
"yeah" tanging sagot ko
"well, maniwala ka! ako bahala" may inabot sya saking calling card at kinuha nya ballpen nya sa pocket nya sinulat nya number nya sa calling card "pag gusto mo itry ayan number ko at yan yung calling card ng agency." hinawe nya buhok nya na akala mo ay mayroong buhok.
Ayaw ko sanang tanggapin pero kinuha nya ang kamay ko at inilagay doon ang calling card nya. "see you! time na e" tumingin naman ako sa relo ko at 3 minutes nalang pala ay magtitime na.
Tumayo ako at nakita ko syang nagtatakbo sa elevator pero ako lakad dyosa pa ang eksena ko habang hawak hawak ang card. Binasa ko ang nakalagay "R&R Agency" bulong ko.
"miss villa pakiabot kay Mr chavez " Umalis na yung head ng isang department sa table ko. Tumayo ako dahan dahan para maiayos ko ang mga papers na ibibigay ko.
"huy loraine, may susuutin ka na sa anniversary ng company? bongga daw kaya allowed daw na magformal dress" tumunghay ako sa tatlong co- worker ko. Si ella ang nagtanong
"wala pa" tipid kong sinabi.
"sama ka sa amin bumili?" excited na sabi ni mica
Hindi ko sila close pero lagi nila akong binabati at pinupuntahan pag free sila. Ayoko sanang maging bastos "kayo nalang" tumalikod ako
"sabi sa inyo di sasama yan e" disapointed na sabi nung marie.
napapikit ako at humarap sa kanila "okay sasama ako" nabigla silang tatlo sa desisyon ko. Tumalikod na ko saka ko narinig ang masayang bulongan nila.
Minsan kailangan mo ding maging mabait sa taong mabait din sayo.
Ibinagsak ko sa lamesa ang mga papeles sa table ni mr chavez kaya napatingin naman sya sakin.
"thank you" ngumiti sya sakin na parang wala lang sa kanya ang pagbagsak ko.
"pumunta ka sa bahay" tumalikod ako sa kanya at sanay aalis
"bibili kita ng formal dress mamaya, sama ka?" di ko sya nilingunan "sabay na tayo mamaya ha? wait mo ko" humarap ako sa kanya.
"may kasama akong bibili ng dress ko" tamad kong sinabi sa kanya.
"sino?" nakakunot ang kilay nya na parang may mali akong sinabi
"ella,mica and marie " napahinga sya ng malalim saka ulit bumalik ang ngiti sa kanya.
"that's good! kala ko forever ka nalang di makikipag usap sa mga kaco-worker mo" umirap ako sa kanya at umalis na sa harapan nya.
Mabagal akong naglalakad sa hallway at nakita ko ang ilang empleyado na may binabasa sa bulletin board, kumunot ang noo ko malayo palang sa kanila. Nang marinig ko ang usapan about sa anniversary kuno ng company kitang kita ko ang mga babaeng excited at mga lalaking pinaguusapan ang anniversary.
"o my god! excited na ako"
"may susuutin ka na?"
"alah! kaylangan ko atang magpableach ng buong katawan"
"magpapasalon ako"
"anong bagay saking kulay ng dress"
Rinig na rinig ko ang mga katangahang sinasabi nila. sumilip lang ako saglit sa bulletin at dinaretso ko na ang labas para makapag CR.
Isang text ang nareceive ko habang nanunuod ako ng TV.
(uy, loraine mica ito. bukas ha? sa mall na tayo magkita intayin ka namin sa 2nd floor sa tapat ng Max. kinuha ko nga pala kay sir gerard ang number mo kanina) di ko na inabalang magreply pa.
Ilang sandali palang ay bumukas ang pintuaan ko at agad akong napatingin sa mukha ni mr chavez. Sumilay ang ngiti nya sakin "kumain ka na?" habang nag aalis ng sapatos. Umiling ako sa kanya.
"sabay na tayo, nagpadeliver ako sa Shakey's " tumabi sya sakin at pumatong ang ulo nya sa balikat ko, agad ako nailang sa ginawa nya. Inabot ko bigla ang remote at inilipat lipat ko ang channel nito.
"likot ng kamay!" napatigil lang ang paglilipat ko ng hinawakan nya kamay ko. Napatingin ako dahan dahan sa kamay namin "ganda ng model oh" tiningnan ko ang TV saka ko napagtantong nakatitig na pala ako sa mga model na sabay sabay rumarampa. Naiirita sa sinabi nyang magaganda ang model, bakit? di ba ako maganda? tss kinabahan ako bigla sa pagiging insecure ko.
Nafeel kong hinihimas himas na nya ang hita ko kaya tumayo ako "kumain muna tayo,bago yang kalibugan mo" natatawang sumunod sya sa akin pakusina at sabay kaming kumain.
Im afraid to fall. Im afraid to break my own promises.

BINABASA MO ANG
SEXMATE story
Storie d'amoreAng mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured then dont read this story...SPG po ito. Sorry sa mga typoerror and grammar na mababasa nyo. San...