Dumareso ako sa mall para maglibang at makabili ng cellphone na bago, hinanap ko sa cellphone ko ang number ni jed at agad tinawagan ito.
"mmm loraine, aga mo atang manggising?" husky pa ang boses nya kaya parang nagiinit ako dahil sa kasexihan noon.
"an-no.... nasa mall ako, bibili ako ng phone at magbebreakfast, sasabay ka ba?" pag aalangan kong sabi sa kanya, masyado pa kasing maaga.
"si-ge..... wait mo ko ng thirty minutes, susunod ako... san ka ba diyan sa mall?" narinig kong gumalaw sya sa kabilang linya
"sa samsung... wait kita" binaba ko ng umoo sya sakin...
Abala ako sa pagkalikot ng samsung j7 "miss yung black nito" tumango ang babae at kumuha ng box na may lamang cellphone. Habang pinapaliwanag nya ay lumilipad ang isip ko kung pano tumawa si mr chavez na kinakafrustrate ko ngayon. Bakit cheater sya? Uhhhggr...
Kinuha ko agad yung phone at chineck, maganda talaga quality ng samsung. Kaya loyal ako e.
Kelan kaya papalitan ni mr chavez ang phone nya, kasi di na latest ang iphone 5... Okay, wala ako pakilam sa cellphone nya. Basta masaya ako sa phone ko. Binuksan ko ang samsung ko at inopen ang skype... dito ko nalang intayin si jed sa mga upuan sa labas ng samsung.
Isang message ni nica ang nagbeep sakin na nagsasabing may party sya bukas.... sa bahay nila! Gusto nya daw magsaya dahil naging malungkot sya sa US. .. whatever.
May tumabi sakin pero di ko pinansin. Busy ako sa pagsscroll sa facebook. Nakita ko ang mga post ng mga kaibigan ko na kinasal na o may baby na. Ang saya nilang tignan. Pero ako ba bakit di masaya sa baby ko?
"seryoso mo naman" nilingon ko ang lalaking may malapad na ngiti sa mukha at nakashirt lang na white. "o bakit?" seryoso nyang tanong.
"wala, nagugutom na ko" tumayo ako at ganoon din sya.
"saan mo ba gusto?" hinawakan nya ko sa baywang ko na kala mo'y magsyota kami. Nailang tuloy ako kasi di naman sya ganoon sakin noon. Walang kasweet sweet sa katawan ito.
"sa tokyo tokyo" miss ko na ang pagkain doon " tara na!" agad nya kong dinala habang hawak sa baywang. Kainis ito. Inalis ko pagkakakapit nya sakin.
"o bakit?" tanong nya na inosente.
"para kang tanga sa hawak mo sakin" natawa naman sya sa sinabi ko. Naupo kami at umorder na.
Di ko alam kung paano ko sisimulan ito, di ko alam kung bakit ingat akong wag sya saktan ngayon. Nakikita ko kasi sa kanya kung paano sya matyagang nagaantay sakin. Sabihin ko na para matapos na kahibangan nya sakin.
"buntis ako jed" nanuyo lalamunan ko. di pa ako nagaangat ng tingin pero parang natatakot ako... all my life di ko gusto itong mayroon ako ngayon. Di ko din ginustong magmahal ulit ako sa isang lalaking walang kasiguraduhan. Sa lalaking ginamit ko para sa kaligayahan ko. Unti unti akong nag angat. Nakita ko ang disapointed sa mukha nya.
"si-sino ama?" umiling ako at sumubo ulit... di ko manguya ng ayos ang kinakain ko.
"di na mahalaga yun, gusto ko layuan mo na ko jed..... your free to find someone"tinitigan ko sya sa mata pero isa lang nakikita ko sakit at dismaya.
"akala ko okay na?" umiling ulit ako "ilang bwan na loraine?" malungkot nyang tanong.
"mag two months palang sya" tumango sya at kumain ulit.
"we can be friends jed, same ng sinasabi ko sayo noon" hindi sya umimik, alam kong disapointed sya pero alam kong sa una lang to. Tinapos namin ang breakfast namin.

BINABASA MO ANG
SEXMATE story
RomansAng mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured then dont read this story...SPG po ito. Sorry sa mga typoerror and grammar na mababasa nyo. San...