Sorry

4.7K 59 0
                                    

 Last day ko sa trabaho ko dito. Nasa byahe na si nica pauwi dito, bukas na bukas daw ay kakausapin nya ako. Kaya di ko dapat ipaalam kay mr chavez ang pagkikita naming yun dahil madaldal si nica.

 "mam, nandiyan na po yung boyfriend mo" napatingin ako sa pinto ng office ko at nakita ko doon si reyna na nahihiyang tumingin sakin. Tumango ako sa kanya at napatingin sa glass window.

  Inayos ko lahat ng gamit ko saka bumaba. 

 Narinig ko ang cellphone ko na nagriring, agad ko itong hinanap sa bulsa ng bag at sinagot. 

"hi!" boses palang ay alam ko na.

 "napatawag ka jed?" tumawa sya sa kabilang linya, lagi talaga sya amaze sakin ano?

 "namimiss lang kita, kelan ka magpapakita?" natulala ako ng may mapagtanto, may baby ako sa loob ng tyan ko.... tapos napakasama ko naman kung di ko ito sasabihin sa kanya dahil magaantay lang sya sa wala. "kamusta ang pagaantay ko? mamaya ay nandito na si nica" oo nga pla yung usapan!

 "jed, kita nalang tayo bukas... pagod ako" yun nalang sinabi ko para tigilan nya ako ngayon. Iisipin ko mabuti kung paano ko sasabihin at para di narin sya mag antay sa wala.

 Pagkatapos kong ilabas ito .. iiwan ko sya sa tatay nya at mamumuhay ng mag isa.

 Pag kakita ko palang sa magiging ama ng dinadala ko ay nawala yung pag aalala ko... nakakawala talaga ng pag alala pag nakikita ko sya... ngayon palang ay namimiss ko na sya pag iniwan ko sya.

 Pinasakay nya ko sa sasakyan at inilabas na naman ang prutas na lagi nyang dala pagsinusundo ako. "gusto ko ng bayabas" natakam ata ako sa lasa ng bayabas ngayon. ..naiisip ko palang kung anong sarap nya kagatin, naglalaway na ko.

 Bigla nyang natigil ang sasakyan kung saan muntik na ko mapasubsob sa front, buti nalang talaga ay may seat belt ako. Nawala ang takam ko napalitan ng galit!.

 Tinitigan ko sya ng masama " sure ka? ... Sa-saan naman ako kukuha ng bayabas sa palengke? wala naman masyado nagtitinda ng bayabas doon" pakamot kamot sa ulong sabi nya.

 Puta! gusto ko noon e... "di wag! .... wag na" kahit nagngingitngit na ko sa inis. Di ko sya papansinin talaga.

 Pinagpatuloy nya ang pagdadrive, tahimik kaming dalawa hanggang sa nakarating sa condo ko ay naiinis padin ako. Nagtuloy tuloy ako sa kwarto. "loraine.." malambing nyang sinabi saka ko binagsak ang pinto. Gusto kong umiyak! fuck.... what the hell?

  Di ako iyakin pero bakit ganito. Pupunas punas ako ng mukha ko dahil sa pag agos ng luhang di ko mapigilan... fuck fuck fuck!!!!

 Bumukas ang pinto "loraine...." pabagsak akong nagtalukbong ng kumot "pwede bang iba nalang?.... ka-kasi di ako basta makakahanap ng ganoon ngayon, pagabi na din kasi" di ako naimik, bahala ka sa buhay mong punyeta ka! pinikit ko ng mariin ang mata ko at unti unti akong inantok.


  Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng keyboard, mabilis ang mga tunog na iyon. Nagmulat ako ng mata at nakita ko sya sa tabi ko habang nakaupo at may salamin sa mata. Lalo syang nagmatured sa salamin na syang bumagay sa mukha nya.

 Mabilis ang galaw nya sa kamay at titigil lang pag iinom ng kape sa table. Napalingon sya sakin kaya ngumiti sya. Di ako ngumiti pabalik at naaninag ko ang isang plastik na maraming bukol. luh?

 "yan na bayabas mo.... isang kilo yan kaya hindi ka na maghahanap" umirap ako sa kanya at tinignan ang plastik. Ang daming bayabas kaya agad akong kumagat dito "di ka man lang nakakain ng hapunan, pero kung gusto mo ng kanin ay mayroon dun sa baba.... init nalang natin ang gulay" nilapag nya ang laptop nya sa table at hinawi nya ang takas kong buhok sa mukha. Nanlamig ako lalo na sa mata nya.... di ko maexplain. Nagkatitigan lang kami sa isa't isa... "i -------------" nag alarm ng malakas yung cellphone nya, di ko narinig yung sunod nyang sinabi. Di ko din nabasa yung labi nya kasi nakatingin ako sa mata nya. "sorry" hingi nya ng paumanhin "alas kwatro na" tumingin sya sakin.

 "di ka pa natutulog?" kunot kong sabi sa kanya.

 "tinapos ko lang itong presentation, kailangan na e" tapos papasok sya ng walang tulog? luko ba sya? 

" pero wala ka pang tulog" inis ko sa kanya. hinawakan nya ko sa mukha.

 "after ng presentation mamaya aabsent ako bukas promis!..... bibili rin tayo ng gamit ni baby" tumayo sya para ihanda ang mga gamit nya. Tinitigan ko lang sya sa likod kasi nakatalikod sakin habang naghahanap ng damit.

 Pero may mahigit seven months pa para doon! lagi syang nagmamadali!... bwisit!

Wala akong nagawa ng nakaligo sya at naghanda para sa pagpasok sa office nya.... ngayon lang naman sya nagpuyat ng ganoon kaya pinabayaan ko na sya. Sinuot nya ang lagi nyang attire na longsleeve. Mukha talaga syang business man.

 Sinundan ko sya sa baba at uminom ng tubig sa ref " wala kang balak mag almusal?" dadaretso sana ako sa lutuan kaso...

 "di na, doon na ko magbrebreakfast" tumango nalang ako at hinalikan ang noo ko " wag ka ng lumabas, maglock ka ng bahay" umirap ako sa utos nya pero sya ngumiti. At yun nga iniwanan na ko.

 Bumalik ako ng kwarto at nahiga, so ito na magiging life ko..... ang gulo na nung dumating si mr chavez pero comportable ako pag nandiyan sya. Siguro mga 5minutes akong nagisip ng mga kalibugan ng tumagilid ako ay nakita ko yung maliit ng USB na nakapatong sa table. Dali dali ko itong kinuha at yung laptop ko.

 Chineck ko yung laman ng USB , pamagat palang ay alam ko na ang eksena.... business proposal!

 Dali dali akong tumayo at naligo... ihahabol ko ito. Nasa byahe pa yun.... panigurado!

  Nagsuot ako ng dress na mint green at flat na simple lang, dali dali din akong kumuha ng taxi at tiningnan yung address ng company na nakita ko sa gamit ni mr chavez. Shet! sana maabutan ko pa sya.

  Isang malaking gusali ang bumungad sakin, malawak na parking space at maraming taong nagpapasukan na tingin ko'y empleyado.

  "ahh excuse me" sabi ko sa guard doon at tiningnan ko yung papel sa akin " dito nga yung ACG Company ano?" tumango yung guard habang nakatitig sakin "kilala mo ba si mr gerard chavez?" muli syang tumango pero mukhang tanga na titig na titig sakin. ..hawak ko sa kanang kamay yung USB at yung pouch ko sa kaliwa.

 Dumaretso ako sa front desk, at nakita ko doon yung nagkwekwentuhang empleyado na tingin ko'y kakarating lang. Lahat dito ay busy sa kanya kanyang mundo .... 

 "miss, saan ang office ni mr gerard chavez?" tanong ko ng malumanay. Agad naman nagseryoso sila  at may tinawagan sa telepono.

 "yes... si President Chavez, nandiyan na ba? ....." kumunot ang noo ko at tumingin sakin yung babae "name mo miss?"

 "loraine villa" sagot ko

 Binalik nya tenga nya sa phone "loraine villa daw...... yes......... okay" binaba nya telepono at humarap sakin. "Kasama po si Miss Santos sa Canteen..... wait mo nalang matapos.... tapos tawagan kita" Agad nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Fuck! kaya pala di sya nagbreakfast kasi may kadate!

 At anong ...... President Chavez? May di ba ako alam?Aba... napromote ba agad sya?

 Naupo ako sa waiting area.... inabala ko ang sarili ko sa cellphone ko na basag na at papalitan ko mamaya.

 Nalingunan ko ang mukha na pakay ko... kasama ang babaeng kasing edad ko lang..... suot nya ay sleeveless polo at skirt na maigsi. Bigla akong napatayo. Ang sakit! May pinaguusapan sila habang naglalakad papasok sa elevator. Uminit pisngi ko at nangatog. May iba na sya? teka... di naman kami! Ayaw nya na ba sa akin? bakit kailangan nyang dito magbreakfast? bakit di nalang sakin sumabay? kakainis.... mahal ko na ata sya! Nagpunas ako ng mukha ko dahil may tumulo sa mata ko.

 Nakita ko kung pano pumulupot ang kamay nung babae sa braso nya saka sumakay sa elevator! eto namang chavez na ito hinayaan lang! MALALANDI!!!

 Dali dali akong nagtungo sa front desk at inilagay sa ibabaw ng mesa yung USB , napatingin sakin yung babae "ibigay mo yan kay mr gerard chavez, sabihin mo nakalimutan nya yan.... importante yan!" inis kong sinabi at saka umalis sa company na yun! bwisit na lalaking yan! di sya makakapasok sa condo ko... ilalabas ko lahat yung gamit nya! tsk

SEXMATE storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon