Paglilihi

4.9K 52 0
                                    

Itinuloy ko ang pagtatrabaho ko sa business ni nica... medyo ingat ako sa mga galaw ko at hanggat maaari ay iiwasan ko ang mga bawal sakin.

Nagpatuloy ako sa mga ginagawa ko, sinasabi naman sakin ni nica yung iba ko pang gagawin para daw bago sya bumalik ay hindi sya matambakan ng gagawin! nica is nica... dupang!

Araw araw ay hatid sundo ako ni mr chavez, na ginusto ko din para di ako mahirapan. Isang beses nga nagtakong ako pero binuhat nya ko at dinala sa upuan para hubadin nya mismo ang takong ... delikado daw yun! di ako makapagreklamo dahil tama sya..

Lagi naman sya may dalang prutas pag sinusundo nya ko. Gustong gusto nya talaga ginagawa nya. Naiisip ko kung pano sya mag alaga ng baby.

" o? bakit ka nakangiti? may dumi ba sa mukha ko?" umiling ako at kumagat sa apple na kinuha ko sa back seat. " hanggang kelan ka ba dyan sa trabaho mo?" di ako umimik dahil wala ako sa mood makipag usap sa kanya.

pinark na nya ang kotse ko sa parking lot ng condo. Grabe... ngayon ko lang narealize na napakahirap ni mr chavez! kainis to... sakin sya nakatira tapos saking kotse pa gamit nya... walanghiya!

" ano gusto mong pagkain? " lumabas kami pareho ng kotse KO! akin e..

" kahit ano" nagdare daretso akong puntang elevator na nakasunod sya.

" lam mo pansin ko parang hindi ka naglilihi" tumingin ako sa kanya.

" ewan ko! baka di naman ako buntis.... baka nagkamali lang ang doctor" oo tama! malay mo ... pero umiling sya na parang di sya makapaniwala sa sinasabi ko.

Tumunog ang elevator na hudyat na nandito na kami sa floor ng unit ko.

" papadeliver ako sa restaurant, gulay ang ipapakain ko sayo" tumango nalang ako at dahan dahang naupo sa sofa na favorite kong pwesto.

Napatingin ako sa bag kong pula kasi may naririnig akong nagriring. Agad ko itong kinuha at nakita ko ang skype ni nica. binuksan ko ang video call ko at lumabas ang blond ng buhok ni nica na dati ay black.

Sorry phone ko... malapit ka na mapaltan, dami mo nang sira e!

"oy! di mo sinabi... niyayaya ka palang magpakasal ni jed!"sigaw nya, lumaki ang mata ko at agad akong napatingin sa likod ko kung saan nakatingin si mr chavez sakin. patay! pahamak ang putang inang are! ngiting ngiti ang pagkakasabi nya noon with matching kilig at excited na mukha.kinabahan ako bigla!

"hindi" bumalik ang tingin ko sa screen ng sinabi ko ito,shit! bakit ba niloud speaker ko agad? sanay kasi akong loud speaker para kahit may gagawin ako ay maririnig ko sya, nakakagalaw ako ng ayos e. Sinapo ko ang noo ko

" o bakit? sino ba kasama mo jan?" inoff ko agad ang loud speaker at dumaretso sa kwarto ko...di ko nililingon si mr chavez.

pagkasarado ko ay nilock ko, niloud speaker ko ulit saka humarap sa phone ko " fuck you ka nica... andito si mr chavez" namilog ang mata nya at mukhang di makapaniwala.

" bat di mo sinabi? teka? ... naglilive in na pala kayo" nangaasar na ngiting pinakita sakin

" pakelam mo ba? " tumaas ang kilay ko na sya namang tinawanan nya.

" mahal mo na siguro kaya pumayag ka! himala!,.... di ka ganyan dati huh?" natigilan ako sa sinabi nya,napatitig sa screen ng phone ko at pinatay. Bwisit! hindi ko pa naman siguro mahal sya diba? gusto ko palang! nakoo... bwisit na nicang yan.. kainis!

tinapon ko sa sahig ang phone ko, syempre sira na kaya sisirain ko lalo para mapaltan ko na bukas.

Kinatok ako ni mr chavez at nnandito nadaw ang pagkain kaya kahit kinabahan ulit ako ay bumaba ako.

Inaayos nya ang mga pagkain nung bumaba ako sa kusina. Pagkaupo ko ay sinalinan nya ng kanin ang plato ko. medyo awkward ang nararamdaman ko.

" kelan ka magpapakasal?" napatingin ako sa kanya. Di sya nakatingin sakin, sa pagkain! pero parang naguguilty ako kasi kitang kita ko na parang nasasaktan sya. Nasasaktan ba talaga sya o dahil yung ego nya?

" di ko alam" tumingin na sya sakin na parang sinusuri ang mukha ko. " tumungo ako para makasubo, at dahil naiilang ako.

Nagising ako ng madaling araw na parang di komportable sa pwesto ko. Napatingin ako sa gilid ko pero nagulat akong wala sya. Napabangon ako sa kama at hinanap ng paningin ko si mr chavez.

Bumangon ako at tinignan sa banyo. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko syang nasa sala.. nakatulog sa sofa na may libro sa mukha.

Inalis ko ang libro, tinignan ko ang libro pero kumunot ang noo ko ng baby's book ang libro. Ni di pa nga nalabas pero pinagaaralan na nya. Tinignan ko sya at medyo nailang sa pagtitig ko, parang di ako komportable na titigan sya... ewan ko ba pero nakaramdam ako ng mainit. Libog ata... huminga ako ng malalim.

Nilatagan ko nalang sya ng kumot at tumitig ng ilang saglit. Hangga't di pa ko nahuhulog sa kanya ng todo kailangan kong dumistansya.

Naramdaman ko ng magmahal,pero ito iba... di ako sigurado, mahirap ipangalanan ito dahil unang una nagsimula kami sa sex... gusto ko lang sa kanya ay yung sex namin na gustong gusto ko. Sanay nadin akong kasama sya kaya siguro ganito nararamdaman ko. Alam ko mahihirapan ako sa una na wala sya pero magiging okay din naman pag nagtagal.. minsan kasi akala natin mahal na natin ang isang tao... di mo lang alam dumedepende ka na sa kanya kaya ka nahihirapan alsin sya sa sistema mo. ..iba yung pagmamahal na masarap kasama at masarap sa kama...

SEXMATE storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon