"Oo, daddy!" kausap ko sa telepono ang father ko... medyo kabado din sya sa operasyon.
Nandito ako sa labas ng Operating room, pabalik balik ako kanina pa. Kinakabahan na ko kanina pa nung sinugod ko si loraine dito....
Papunta na dapat kami dito dahil delikado nga kondisyon nya kaya iaadmit ko na talaga sya ngayon para mamonitor ng sumakit ang tyan nya nasa parking palang kami... nakaramdam agad ako ng kaba at takot dahil ayoko mawala magina ko.
"easy.... dont worry magiging maayos din silang dalawa" kahit noon pa man ay suportive na si daddy sa lahat ng desisyon ko.. kaya din ako naging sucessful ay dahil sa sya ang inspiration ko... I want to be like him.
Hindi ako daddy's boy sadya lang na magkasundo lang kaming mag aama simula kasi ng iwan kami ni mommy ay namuhay lang kaming tatlo, hindi na nagasawa si daddy kasi ayaw nya... sakit lang daw sa ulo kaya pinagtuunan nya ng pansin ang pagbantay sakin sa paglaki ko at sa kapatid kong kasama nya sa US.
Nasa ibang bansa sya ngayon at hinayaan lang ako dito para makapag asawa...
Busy sa business namin na lalong lumalaki.
"just calm down,everything will be alright" huminga ako na malamin at naupo na... tinapos ko ang tawag habang kinukuha sa aking bulsa ang isang box.
Gusto ko pag gising nya ay magpopropose ako, yun talaga ang balak ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang diamond ring na maraming design.
Noong nakita ko sya sa cebu... nung nangakit sya sakin sa interview... nung nakipagone night sya sakin at lagi ko syang kasama dahil gusto ko... gusto kong makita lagi yung matapang nyang mukha pero maamong mata.Natatakpan lang ng make up ang maamo nyang mukha na nabighani agad ako.
Nung time na interview ay hindi talaga ako department head. Sinekreto ko lahat sa tulong ng bestfriend ko,lagi nga akong niloloko kasi lagi daw ako nakabuntot kay loraine. napapangiti nalang ako pag inaasar nya ko.
Nakakainis nga kasi hindi ko makuha ang loob nya dati, mahirap syang basahin na akala mo'y babaeng hindi laging may mens.
Nawindang naman ako nung nalaman kong sikat syang bayaran dito. Nkakapanlumo ang nalaman ko pero pag nakikita ko sya ay nawawala ang galit ko... napaibig nya ako ng basta na hindi ko alam ang background nya. Nakakatuwa pag wala syang pakilam sa paligid nya... kahit yung naglalagay ng basura sa mesa nya ay pinaalis ko sa company.
Si beth, inutusan nya yung mga kaibigan ni loraine na lagyan lagi ng basura. Binayaran nya din na lumayo ,naawa ako kay loraine pero yung makita mo syang walang paki kung iniwan sya ng mga kaibigan nya ay lalo akong nagalala.... kasi wala na syang makakasama lagi. Simula noon ay hindi ko na sya nakitang nakipagusap kahit kanino
Simula din noon ay nagseselos na ako sa lahat ng lalaking lalapit sa kanya. Gusto ko ako lang ang lalapitan nya.
Lalo akong nahulog nang unti unti na syang nagseselos kay beth. Pero nung malaman ko ang kundisyon nya ay natatakot na ko noon.
Ilang oras ako sa labas ng operating room.
Yayayain ko na syang magpakasal sakin dahil yun ang tamang gawin. Kuntento na kami sa isa't isa kahit di nya sabihin ay ramdam ko na mahalaga na ko sa kanya.....Lord sana wag nyo sya pabayaan, ayoko sya mawala sakin. Natatakot ako, unti unti kong naramdaman ang hapdi ng mata ko.
Tumingala ako para pigilan ang luha ko
Kaso kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya... hindi ko kayang hindi umiyak dahil sa nararamdaman kong sakit.Maisip ko lang na pag kinuha sya ay ikamamatay ko.
Maya maya ay may lumabas sa opreating room, isang nurse at ang kasunod noon ay ang doctor namin, tinanggal nya ang face mask nya .... dali dali akong lumapit sa kanya.
"okay na po?" kinakabahan kong tanong.
"yes! success" ngumiti sakin ang doctor at tinapik tapik ako sa balikat ko. "sa ngayon, sumama ka muna sakin sa loob"
Sumusunod lang ako sa kanya habang napatak ang luha ko, anong oras ko pa kaya makikita ang mag ina ko?
"Pwede ko na ba makita ang mag ina ko?" sabik kong sabi sa doctor habang may hinahanap sya.
" eto ang baby mo" may hinawi syang kurtina na malaki at makikita ang malaking salamin sa loob, nursery room ito at maraming baby ang nakahilera.
May babaeng humarap galing sa dulo na nakamask at nakascrab suit, ngumiti ako ng makita ko ang hawak hawak nyang sanggol. Umiiyak ito sa loob ayon sa buka ng bibig nya... kaya nag galawan ang mga baby na kasama nya. ..tumawa ako.
"pwede ko syang mahawakan?" tumingin ako ng mabilis sa doctor at pinagkatitigan ang sanggol.
"sa ngayon hindi pa dahil tuturukan pa sya ng BCG, hepa B at vitamin K, mamaya na natin gambalain ang baby mo" tumango ako sa kanya at sumunod sa kanya.
Pumasok kami sa isang room.. pinagscrab suit nya ko at mask with hair net.
Naririnig ko ang mga machine sa loob ng room na to at ng matagpuan ang machine na yon ay napako na ang tingin ko sa babaeng maraming nakakabit na tubo. Pumatak bigla ang luha ko sa aking mata... makita ko lang na hirap sya ngayon dahil sa nagsilang sya ng sanggol.
"buti nalang naagapan namin ang pag atake nya kanina... malakas sya mr chavez" ngumiti ako, oo malakas talaga sya!
Lumapit na ko sa hinihigaan nya at masuyong idinampi ang labi ko kahit na may mask ako ay humalik ako sa noo nya at kamay... thank you... lumaban ka!
Thank you at binigay mo sakin si Lalaine...

BINABASA MO ANG
SEXMATE story
RomansaAng mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured then dont read this story...SPG po ito. Sorry sa mga typoerror and grammar na mababasa nyo. San...