TULONG

5.2K 52 2
                                    


  "Ahhhhhh!!!" namimilipit na ko sa sakit, at the same time ay sumasakit na dibdib ko... nagkasabay sabay na silang lahat!

"wag kang susuko loraine, andito lang ako iintayin kita ha?" naiiyak na hinalikan ni mr chavez ang kamay ko habang tinatakbo akong paloob. "tatagan mo... lakasan mo loob mo"

 Nilagyan na ko ng oxygen mask at dali dali akong tinakbo papuntang operating room, "please loraine... kaya mo yan! andito lang ako, andito lang ako" yan yung huli kong narinig bago sumara ang pinto ng operating room kasama ko ang mga nurses at tatlong dctor na magagaling. Hindi kasi pumayag si mr chavez na isa lang maghahandle nung one time na dinala ako dito nung ika eight months ko,inatake ulit kasi ako.

  Nakita ko kung gaano kadaming tao dito sa loob para pagtulungan ako,nahihirapan na akong huminga kahit may oxygen na ako.. yung dibdib ko sasabog na sa sobrang sakit, naramdaman kong may tubig na dumaloy sa pisngi ko.

 Pinatagilid nila ako at pinayuko,yung parang hipon saka may tinurok sa likod ko.

  Unti unti ng nagiging blur ang lahat,wala nadin akong maramdaman sa balakang ko. Tinignan ko silang lahat. Pano pag hindi sucessful ang operation? ikamatay ko ito o ang baby namin? paano pag gising ko ay sya pala ang nawala?

 Hindi ko alam, natatakot ako...


 Nagising ako....pero di ko parin binubuksan ang mata ko,nararamdaman ko yung lamig ng paligid,mga tunog sa paligid.... yung amoy na parang damo habang nakahiga ako dito.  Pagmulat ko iba ang nasa paligid ko, hindi ko alam kung bakit nandito ako sa magandang lugar.

Tumayo ako at pinakiramdaman ang paligid ko,kulay asul ang kalangitan at halatang maganda ang panahon ngayon, lumingon lingon ako sa paligid ko.

 Napapaligiran ako ng magagandang bulaklak, puno at naririnig ko ang mga huni ng ibon pati ang mga puno ay sumasayaw sa pagsalubong ng hangin sa lugar. Naglakad ako, hinanap ko agad yung tunog na parang ilog.... sarap sa pakiramdam ng ganito,wala akong maramdaman na lungkot.

 Natagpuan ko ang sarili ko sa isang talon, ang ganda! green na green ang ilog at malawak! Sobrang taas ng pinanggagalingan na tubig ilog. Maraming bato ang nakahelera sa paligid ng ilog, parang sinadyang lagyan sa sobrang ganda!

 Isang ibon ang lumipad sa harapan ko, naaliw ako sa huni nya kaya nung hahawakan ko na sana ay lumipad naman sya papuntang taas, sinundan ko ang ibon... naghanap ako ng paakyat pataas pero parang ang hirap hanapin kaya sa gubat nalang ako naghanap baka meron akong makita.

 Nalilibang lang ako sa paghahanap ng may makita akong usa sa di kalayuan. Ngumiti ako kasi ngayon nalang ulit ako nakakita ng ganoon, sarap tumira dito.

 Kaso nung lalapitan ko ay umalis papuntang kanan ko.... kaya sinundan ko sya kahit tumakbo na ko ay hindi ako napapagod sundan ang usa.... ang bilis tumakbo ha!

Lumingon ako sa buong paligid ko,tumingala at dinamdam ang masarap na pakiramdam.

"loraine!" nabigla ako sa boses sa likod ko kaya agad akong humarap. Nakita ko si kuya! omaygad! si kuya! kasama sina mama at papa.

 "kuya?" ilang metro lang ang layo namin, bigla akong napaiyak hindi ko mapigilan ang buhos ng luha ko. "mama? papa?" nakangiti silang tatlo sakin.

 "Anong ginagawa mo dito? ?" nakangiting tanong ng mama sakin pero tumawa ako.

 "yan ba dapat nyong itanong agad sakin? wala bang yakap muna?" natatawa kong binuka ang braso ko at nagiimbita na yakapin ako.

 "kahit kailan ay lagi kang ganyan!" umiling ako habang kagat ang labi ko. Nakangiti sila saking tatlo kahit na ako'y halos ubusan na ng luha.

 Lalakad na sana ako papunta sa kanila pero hindi ko matanggala ang paa ko sa putikan. Agad akong napamura ng makita ko na lubog na lubog ang paa ko sa putikan.Hindi ako makagalaw.

 "mama hindi ako makaalis, pwede bang kayo nalang lumapit?"ngiti ko sa kanila pero tulad ko ay nakatingin lang kami sa isa't isa.

 "loraine.... siguro pasaway ka padin at hindi nagtatanda" si kuya,sumimangot ako kasi imbis na lumapit ay nakipagusap lang sakin.

 "hoy, mabait na ko! tulad mo ko sayo" napangiti ako... i miss this! sumbatan kami sa lahat.

 "mag aaway na naman ba kayong dalawa?" si papa.... as always! referee!

 "bakit ka ba nandito anak?" si mama na ang nagtanong... yung ngiti ko ay biglang nawala ng may maalala...napahawak ako sa tyan ko. Tinitigan kong mabuti ang tyan ko kasi flat na flat.

 Bakit wala sya? bakit ganito?

 Naalala kong dinala ako sa ospital at at.........

 Napatingin ako sa dereksyon nila mama pero nakangiti padin silang tatlo sakin. Tapos binalik ko ang mata sa tyan ko at bigla akong kinabahan.... natakot!

 Paglingon ko kela mama ay gusto ko ng umiyak "bakit anak?" tanong ni papa "may nangaaway ba sayo?" bigla akong humagulgol, yung salitan yun ay lagi kong naririnig nung bago sya mawala... nung buo pa kami..... nung okay pa ang lahat!

 Tinitigan ko sila..... patay na sila!

 Binuka ko ang labi ko pero walang nalabas na boses.

 "ANG ANAK KO" pero kahit anong gawin ko ay wala ng boses.... Unti unting sumakit ang dibdib ko. Sobrang sakit.

 Lumuluha akong nakatitig sa kanila, nagmamakaawa sa nararamdaman ko. Pero kahit nagmamakaawa ako ay ganoon padin ang ekspression nila.... at di sila naalis sa pwesto nilang yun.

"TULONG!!" muli kong sigaw pero wala paring lumabas na boses, hawak hawak ko ang dibdib ko at namimilipit sa sakit.




SEXMATE storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon