Sweet

4.4K 54 1
                                    


  Paano nangyari? Hindi ko alam basta nabalitaan ko nalang na ang kasama ko at mahal ko ay lihim na sikat sa ibang bansa. Hindi ko alam pero naiilang na ko sa kanya. Ikaw nasa kalagayan ko ay maiilang ka din... pero ang sabihan nya kong gusto na ko ay lalong nagpakaba sa sistema ko.

 Alam ba nya nararamdaman nya?

 Kilala nya ba ako?

 Okay na ako na mahalin ko sya dahil hindi ako nageexpect na mahalin nya ko pabalik.

Kahit ganito ako ay alam ko kung saan ako lulugar, akala ko ay anak lang gusto nya kasi gawa ng narinig ko sa hospital...

 "okay na naman sya... makakalabas na sya" again, nandito na naman ako sa hospital kasi dinala nya ko ng after nyang magtapat kagabi ay di na ko makahinga. "wag nyo istress ang sarili nyo ... dahil napakadelikado talaga ng kalagayan mo" sabi ng doctor kay mr chavez... lumingon sya sakin pero iniwas ko tingin ko sa kanya.

 "o sige po doc" umalis ang doctor na maraming ibinilin kay mr chavez.

 Di talaga ako makapaniwala, ..

Nagring ang isang cellphone at napatingin ako sa kakasagot lang na tawag mula sa phone nya "oo.... ako gagawa nyan.... ayoko ipagawa sa iba!" tumingin sya sakin, at tumingin naman ako sa bintana sa tabi nya...gosssh kakailang bakit ganito?"pauwi na kami, sabihin mo din na tapusin ngayong week yung sa kakailanganin please" pinatay nya tawag at lumapit sakin.

 "tara na umuwi" di padin ako makatingin sa kanya.

 "oo, wait lang natin yung gamot na pinabili ko sa secretary ko" wow ha! kawawang babae... utusan!

 Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon ang isang lalaking nakapormal, sino naman to? nagsisilabasan na ang alagad nya! porke alam ko na...

 "Sir, tumawag sakin si mr valdez at may lunch meeting kayo with the new investors" tumango lang sya doon sa lalaki. Inabot naman nung lalaki ang gamot, wait? lalaki secretary nya? bakit hindi babae? tsk, pakilam ko.

 "oo, maaga pa naman.... kaya yan" paano nya nahahandle ang pagtatago sakin date? kaya ba sya laging busy at di masyadong umuuwi sakin noon?.... ngayong alam ko na ay parang ngayon ko lang nalaman kung paano ko sya naaabala.... 


  Gaya ng sinabi nya ay bago maglunch ay inuwi nya ko sa condo ko.... Binigyan ng pagkain bago umalis, di ako naimik sa kanya... siguro naman ay naiitindihan nya ko na di pa ko nakakarecover sa nalaman ko ano?

 Tahimik at parang boring tuloy mundo ko ngayon... Nakakainis naman din... bigla ko tuloy naalala yung babae sa company nila. Sino kaya yun?

 Lumabas ako ng kwarto at naligo.... isang white pants at black shirt ang dala ko, nagpony din ako ... mamamatay ako dito sa kaboringan kaya lalabas akong magisa.


 Pinatay ko ang kotse ko ng makarating ako sa City view.... yun ang tawag dito kasi kitang kita yung kabilang bayan at maganda ang tanawin. Mas gugustugin ko ang lugar na ito kahit one hour ang byahe. Mamaya pa nman yun uuwi kaya dito muna ko.

 Isang ale ang lumapit sakin para magbenta ng sampaguita, di ako bumili pero binigyan ko ng pera... nakakaawa kasi, may bitbit na bata habang naglalako.

 Mahangin dito at kitang kita ko ang ilan sa mga nagpipicnic na magkasintahan.

 May tumabi sa kotse ko na kotse din pero mas maganda itong sasakyan nya. Lumabas ang babae sa loob at ganoon nalang ang dismaya ko ng makita ko si beth, kasama ang isang babae na mukhang kaibigan nya.

SEXMATE storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon