Habang tumatagal ay unti unti na kong lumalambot, sinusuko at kinakain lahat ng sinabi ko noon... di ko na mapigilan minsan ang feelings ko sa kanya. Lalong nalala ang mga pangamba ko na baka mahirapan ako at masaktan pag iniwan nya ako.
Anim na bwan, halos ibed rest ako ni mr chavez "ayoko na ulit maulit na isusugod ka sa ospital dahil sa kalagayan mo loraine.... please wag kang matigas ang ulo" hinalikan nya ko sa noo at tumitig lang ako sa kanya "kain at tulog lang ang gagawin mo simula ngayon, wag na wag kang lalabas" huminga syang malalim na ramdam ko na masama loob nya kasi muntikan ko ng ipahamak ang anak namin.
Bumaba kasi ako ng condo para makabili ng peras. Gustong gusto ko kasi at akala ko'y kakayanin ko ang kumilos ng gusto ko pero laking dismaya ko ng hapuin ako at buti nalang nakita ako ng ale at inakay ako sa malapit na center... buti hindi ako namatay! Agad kasi akong nilagyan ng oxygen mask at chineck akong maigi pero dahil pinatawagan ko si mr chavez ay dinala nya ako sa hospital para macheck ng mabuti. hindi naman sa hindi nagtitiwala sa center pero mas mabuti na nga yung sa mismong doctor ko ako macheck.
Ngayong ganito ang kalagayan ko ay nafefeel kong nawala ang silbi ko sa buhay. Naghired nga si mr chavez ng isang makakasama ko at pinalakihan ang MB ng wifi para daw mabilis ang internet at makapagmovie marathon nalang daw ako.
So tatlong bwan pa akong ganito. Di ko kaya, hindi ko kayang sisihin ang anak ko dahil nandito sya sa sinapupunan ko at hindi ko man lang maenjoy ang buhay ko. Pano nga din ba maeenjoy ang buhay ko kung may sakit din ako sa puso?
Ang sabi ng doctor ay ang aking sakit e mild lang hindi pa naman daw gaanong mataas pero syempre pinagiingat padin ako. Nakakakilos pa naman daw ako at makakalakad pero limitado na lalo na daw at buntis ako..
Pano kaya nakakaya ng ilang may heart attack at buntis na ganito. Kaya nagbasa nalang ako sa internet ng mga taong kagaya ko kung paano sila nakasurvive.
I was shock ng may nabasa ako na most of the mommy na may sakit sa puso ay hindi nabubuhay ang bata o pwedeng ikamatay ko. God, mababalewala ang pag aalaga ko sa kanya kung mamatay lang sya pala! then i read the stories of women na katulad ko na healthy ang baby at walang sakit. Success ang panganganak at parehas silang buhay.
This is worst, alam kaya ito ni mr chavez? kung alam nya bakit kailangan namin itong ituloy? hindi naman sa ayoko sa bata... tanggap ko na nga e! ang kaso mo e delikado samin parehas o di kaya baka mamatay lang sya.... natakot naman ako bigla sa naisip ko kaya hinanap ko ang cellphone ko para tawagan sya.
Unang ring palang ay sinagot na nya "bakit?" halata sa boses nyang nataranta.
"p-punta tayong OB, i just wanted to check if she/he's okay..." alinlanagan ko. Napabuntong hininga sya sa sinabi ko as a sign of relief.
"wait mo ko, sunduin kita"napasilip ako sa orasan at tamang tama ay tanghalian na. Hindi naman siguro ako nakakaistorbo sa kanya ano?
Yung tungkol sa pagiging mayaman nya ay wala na ko pakelam, nakakagulat ano? well, pwede ako magbago...at bakit ko pa kailangan noon? kung bwan bwan naman ay may inilalagay sakin si nica na pera? at isa pa bayad na mga utang ko sa condo at kotse ko... this is real life!
Mayaman ako kasi wala akong utang.!
Nagshower ako saglit at nagbihis bago ko makita si mr chavez na nakaupo sa kama at nakangiting nakatingin "wag ka na magayos, maganda ka parin kahit walang ayos" hindi ko sya inimikan at pumunta akong kabinet ko at dinukot ang blush on, face powder at lipstick.
"bakit ba kailangan pa nyan?" nilingon ko sya habang naglalagay ng make up pero nakasimangot lang sya sakin "maganda ka parin naman kahit wala nyan" ano problema nya sa pag aayos ko?
"haggard ako" inirapan ko sya at ilang saglit lang ay natapos na din sa pagaayos.
Bumaba kaming alalay ako , maingat sya sakin at naiitindihan ko iyon. Nakita namin ang kasambahay naming nagluluto ng ulam.
"ay sir at mam di po kayo dito kakain?" nagtatakang mukha nya.
"ipagtira mo nalang ako kasi gusto ko ng niluluto mo" naaamoy ko kasi yung adobo.
"Kumain ka na cherry.... mauna ka na at ipaghanda mo nalang si loraine mamaya pagkauwi" tumango ang kasambahay sa sinabi ni mr chavez at nagsimula kaming lumabas na.
"ayos naman baby nyo , ingatan mo lang ang iyong sarili" yun na naman ang narinig ko .... ingatan ingatan! kakasawa na... tumingin yung doctor kay mr chavez pero sya ay nakatingin sa monitor.
Ha! kanina ko pa yan napapansing patingin tingin dto sa kasama ko.... inirapan ko ang doctor na babae na sya namang nahiya dahil nahuli ko syang titig na titig sa mukha ng kasama ko. Next time pala ay di na ko magpapacheck up dito...
"m-ma-malakas ang heart beat nya... sa tingin ko ay wala pa kong nakikitang deperensya... malalaman pa natin pag lumabas na" di sya sakin nakatingin sa monitor nya. palamun ko sayo ang monitor e...
Natapos ang check up na masama ang tingin ko sa kanya hanggang sa lumabas kami ay naiinis ako. "Ano na naman ba ang problema mo?" hinarap nya ko at hinawakan pa sa magkabilang balikat. "Nakita ko yung pagirap mo sa kanya" tumitig sya.
"Gusto ko syang irapan e" iniwas ko sa kanya ang balikat ko sa pagkakahawak nya at nauna, sumunod naman sya sa parking lot.
"wait!" pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse at pinanood ko syang umikot para sumakay.
Hindi ba sya aware na mas lalo syang gumagwapo pag may balbas? mas hot kasi sya sa ganoong ayos! ewan ko ba kung sinadya nya o sadyang pinabayaan nya kasi marami syang trabaho? o alam nyang gwapo sya pag may balbas? uhhg! kainis! aahitan ko sya pag natutulog na sya mamaya.
"nakasimangot ka? nabasa ko sa libro na kung ano mang emosyon ng ina ay ganoon din ang nararamdaman ng baby sa tyan nya" lumingon ako sa kanya habang sya ay nagsusuot ng seat belt.
"so?" umiling sya dahil alam nyang ayaw kong laging may sinasabi.
So pag nagseselos ako ay nagseselos din sya? Good! pag naiinis ako sa isang tao ay naiinis din sya? edi pag labas nya ay resbakan nya ang mga babaeng kinainisan ko !
Hinawakan nya kamay ko na syang napabalik sa realidad ko. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sakin at sa mukha nyang gwapo! teka? bakit ba gumagwapo sya? dati naman ay hindi ahh? ni hindi nga ako naakit sa mukha nya! uuggghh! paulit ulit nalang ako.
So ayun nga umuwi kami para doon na kami maglunch sa bahay dahil may niluto si cherry na adobo, naglalaway tuloy ako. Chineck ko bigla ang tyan ko.
Ang laki na nya, anim na bwan ka palang pero ang laki laki muna....
Bumitaw ako sa hawak nya at hinipo ang tyan ko. medyo parang may gumagalaw sa loob. nakangiwi akong tumingin kay mr chavez.
"b-bakit loraine?" nataranta na sya.
"may gumagalaw...." ngiwi padin ako.
"nabasa ko sa book yan na pag may naramdaman kang gumalaw ay pwedeng gising sya sa loob at nakikinig.... o naikot o-o kaya may gusto sabihin"uhhhg! ano ba talaga? kasi way nya ay parang nalilito na nagiisip tungkol sa nabasa.
Medyo umokay ang pakiramdam ko ng hinimas ni mr chavez ang tyan ko. nakiliti nga ako e... feel ko ay nagiinit na naman ako. ..kinagat ko nalang labi ko para mapigilan ang init nito.
"nagalaw pa sya?" tumingin ako sa kanya at umiling.. ngumiti sya sakin at kinuha ang kamay ko para halikan nya.. i found it sweet and hot!.

BINABASA MO ANG
SEXMATE story
RomanceAng mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured then dont read this story...SPG po ito. Sorry sa mga typoerror and grammar na mababasa nyo. San...