Chapter 1

1.4K 23 1
                                    

Here it is! Ang Chapter One nang Teenage Bride. Read niyo po ha? COMMENT na din po kayo and then VOTE if you like the chappie. Become a Fan if you like my work. I'll really appreciate it! As in! Magandang papasko na yun!

NP: Louder by Charice Pempengco (mention ko lang. hihi!)

Read niyo na!

~CHAPTER ONE~

"Grabe ka talaga friend! di ako maka-get over dunsa nangyari sa bar last friday night. Ang tapang mo talaga!" eksaheradong wika ni Celine kay Nadine.

"Eh, ang bastos eh! Mang-akbay ba naman! Di naman kami close!" inis na sabi niya.

Tatlong araw na ang lumipas nang apakan niya ang paa nang binatang nagpakilalang Calvin sa kanya.  Ayaw na ayaw talaga niya sa mga ganoong tipo ng lalaki, yung mga palikerp na mahilig mambola tapos iiwan ka na lang bigla pag nakuha na yung gusto sayo.

Hindi na niya iyon sinabi pa sa kanyang kuya at daddy dahil siguradong mag-aalala ang mga iyon sa kanya at pasasamahan siya sa mga bodyguards kahit saan magpunta. Ayaw niya sa mga body guards dahil sunod ito ng sunod kahit saan siya magpunta, mapa CR man.

Ngayon, kinukulit pa rin siya ni Celine. Tinatanong kasi nito kung bakit niya inapakan  ang paa noong lalaki sa bar. Hindi talaga ito makapaniwala na magagawa niya iyon. Di kasi siya ang tipo ng tao na mahilig sa gulo. Pag may mga nangyayaring gulo, tahimik lang siya at di iimik.

Simula pagkabata ay pinangaralan na siya ng kanyang mga magulang. Ayon sa mga ito, Violence never solves anything. Kapag may nang-aaway sa kanya, tumatahimik na lang siya dahil iyon ang sabi ng kanyang mga magulang. Kapag daw kasi lumaban pa siya ay lalaki lang ang gulo imbes na matigil iyon.

"Hoy, ano na?" anito na iwinagayway pa ang kamay sa kanyang mukha. "Bakit mo nga inapakan? Ano pa bang ginawa sayo?"

"Inakbayan nga ko! Di ko naman siya kilala.." pag-uulit niya sa sagot niya kanina.

"Yun lang? Inakbayan ka lang pala eh. Inapakan mo na agad yung paa.. Kawawa naman.."

"Anong yun lang?! Hindi ko siya kilala pero inakbayan niya ko! Epal na nga makapal pa ang mukha.." inis at pasigaw na sabi niya.

"Ikaw talaga! Kawawa naman yun.. Pogi pa naman.." kinikilig na sabi nito.

"Pogi? Di naman! Ang itim kaya!" pagsalungat niya rito.

"Bulag ka ba? Yong lalaking yon ang tinatawag na TALL, DARK and HANDSOME!" anito saka hinampas-hampas pa ang braso niya.

"Ewan ko sayo! Basta di yun pogi! Di ko siya type.." patuloy na pagde-deny niya kahit na kabaligtaran naman talaga ang nasa isip niya. "Iba na nga lang pag-usapan natin! Nasaan ba si Martin? Nag-disappear na naman.."

"Oo nga eh. Siguro kasama na naman nun si Heather.." Ang tinutukoy nito ay ang girlfriend. Biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Bigla siyang nalungkot.

Si Heather ang girlfriend ni Martin. Matagal itong niligawan ng binata, mahigit 2 taon din. Simple lamang si Heather. Maganda, maputi at matangkad. Mabait rin ito at napaka down-to-earth. Iyon ang talagang nagustuhan ng binata rito.

Bigla na lamang siyang binatukan ni Celine dahil natulala na lang siyang bigla at nawalan na ng imik.

"Hoy! Tulaley ka na naman diyan!" anito. "Selos ka na naman? Naku, Friend! Iba na yan ha? Iba na talaga yan!"

"Grabe ka naman! Natulala lang sandali. Grabe ka talaga mag-isip!" she denied.

"Friend, wag nang mag-deny! Alam ko na, kilalang-kilala na kita!"

Teenage BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon