Yan ha! Ang bilis ko mag- UD. Ito ang pangalawa kong update ngayong araw.
So, eto na nga po. Eto na ang kaabang- abang na ending ng Teenage Bride.
I know! Masyado siyang maikli. Nakakabitin noh? Pasensya na. Meron kasi akong bagong story na isinusulat. Ang genre niya ay Romance, Teen Fiction, Fan Fiction and School Life.
Ano? Anong Fan Fiction? Edi KathNiel Fanfic..Hehe! Adik na ko sa KathNiel eh. Actually KathBie ang story na to pero since wala na si Albie at si Daniel na ang in ngayon, ginawa ko nang KathNiel. Last year ko pa nagawa ang story na yon pero ine- edit ko pa. Sana basahin niyo. Paki- recommend pag nagawa ko na. =))
Naisingit ko na rin doon ang matagal ko nang balak. Ang SamVon fanfic. Hehe. Alam kong di pa sila ganoong kasikat, I mean yung loveteam nila. Alam ko ding maraming ayaw kay Bebe Devs pero sana wag niyo siyang i- judge dahil sa mga nagawa niya. Natural naman sating magkamali diba? Sana basahin niyo po! Abangan niyo ang kinalaman ng SamVon sa fanfic ng KathNiel.. hehe!
So, here it is. The last part of TEENAGE BRIDE...
Team NaRren ka ba o Team NaVin?
~CHAPTER TEN~
Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang huling magkita sina Nadine at Calvin. Ang pag- uusap nila sa garden na ang naging huli nilang pagkikita at pag- uusap. Ang alam na lang ni Nadine ay lumipad na si Calvin papuntang New York para i- manage ang clothing company ng pamilya nito.
Naging mahirap ang mga pangyayari mula nang ipakilala niya si Warren sa lahat bilang nobyo niya at nang ma- cancel ang wedding nila ni Calvin.
Matagal silang hindi nag- usap ng daddy niya. Ilang linggo itong ilag sa kanya. Pinanatili nito ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Pinabalik siya nito sa kanilang mansyon pero hindi naman siya nito kinikibo. Ilang bese niyang sinubukang kausapin ito pero umiiwas naman ito. She felt so goddamn guilty about what happened. Dahil sa isang pagkakamali niya, tila parang nasira na ang lahat- lahat.
Habang tila miserable siya sa mga pangyayari , naroon naman ang kanyang kuya Lorenzo. Hindi siya nito iniwan, lagi lang itong nasa tabi niya para aluin siya habang pakiramdam niya ay buong mundo na ang galit sa kanya.
Na- guilty rin ito sa mga nangyari sa kanya. Pakiramdam nito ay ito ang may kasalanan kung bakit humantong pa sa ganoon ang mga pangyayari.
"I feel guilty.. Ako ang may kasalanan kung bakit humantong pa sa ganito ang lahat.." paninisi ni Lorenzo sa sarili.
"No, kuya.. It's not your fault. Don't blame yourself. Ako naman ang may kasalanan dahil naging makasarili ako. Di ko inisip yung mararamdaman nila daddy. Lalung- lalo na ni Calvin.."
"Pero kuya mo ako and as your brother dapat ako ang nagco- correct sa mga kamalian mo. But instead of correcting you, t- in- olerate pa kita. I'm a bad brother. Masyado akong naging paranooid. Masyado kong naging protective. Imbes na mapabuti ka, napasama ka pa.. and now, you're hurting.. I'm really sorry..."
"Kuya, It's not your fault. You're not a bad brother kasi kung masama kang kapatid, edi sana pinapabayaan mo lang ako ngayon. Kuya, ikaw ang pinakamabait na kuya sa mundo. Sobrang swerte ko kasi ikaw ang naging kuya ko. Wag mong isiping kasalanan mo ito. May isip na ko kuya, pati kahit naman siguro pinigilan mo ako nun ay di ako makikinig. Matigas nga ang ulo ko, diba? Basta, don't blame yourself. Okay?" mahabang litanya niya.
"Okay.. Okay.. Sabi mo eh.." nakangiting tugon naman nito.
Ngayon naman, kahit maayos na sila ng daddy niya matapos ang mahigit isang buwan na di pagkakaunawaan, di pa rin siya lubusang masaya. Maraming bagay pa rin ang bumabagabag sa kanya, at si Calvin na iyon.

BINABASA MO ANG
Teenage Bride
Novela JuvenilIlang linggo pa lamang mag 18 na si Nadine. Masaya siya dahil sa wakas ay mas magagawa na niya ang kanyang mga gusto PERO dahil ba nasa tamang edad na siya ay kasama na rin doon ang maaari na siyang magpakasal? at sa taong kinaiinisan pa niya? Oo...