Chapter 6

964 17 1
                                    

Eto na oh! Ang Chapter Six! Woo, exciting talaga! Hehe. Personal opinion lang po..

Dedicated to ALL OF YOU! Tama! Para sa inyong lahat yan! Kasi naman! Mahal na mahal ko kayo! As in! To the highest level! Promise! Sige, read niyo na!

NP: Moves Like Jagger Feat. Christina Aguilera- Maroon 5

~CHAPTER SIX~

Masayang nag- uusap ang lahat habang sabay- sabay na kumakain ng Noche Buena. Naroon si Calvin kasama ang ama at ina nito. Walang ibang pinag- uusapan ang mga magulang nila kundi ang tungkol sa pagpapakasal nila kaya naman tuluyang nawala siya sa mood, nasira na ang magandang araw niya.

Naroon siya kasama ang mga ito pero ang isip niya ay lumilipad. Hindi niya pinapansin ang pag- uusap ng mga ito, naiirita lang siya. Sa sobrang layo na nang iniisip niya ay natulala na siya at di na nagalaw pa ang kanyang pagkain. Marahil ay nahalata iyon ni Calvin dahil bigla na lang siyang kinalabit nito at kinausap.

"Hey, are you alright? Bakit parang tulala ka diyan?" may pag- aalalang tanong nito sa kanya. Parang nabawasan ang pagkairita niya ng mamasdan ang mukha nito. Napakaguwapo kasi nito at...... God, Nadine. Ano ba yang iniisip mo? Mukha kang tanga. Ayaw mong marinig ang usapan na may kinalaman sa kanya pero yan ka naman, ina- appreciate ang kaguwapuhan niya. Ang gulo mo talaga!

"Ha? Er, I- I'm fine.. I'm fine, really.." sabi na lang niya kahit na ang totoo ay hindi. Gusto niyang matapos na ang gabing iyon para makauwi na siya. Ayaw niya ng usapan roon. Bakit ba kasi kailangan niyang pakasalan ang taong di niya mahal? They're fathers are friends right? Bakit kailangan pa silang ipakasal para lang matulungan ang isa't- isa? I hate arranged marriages. Di ba nila alam ang salitang "LOVE"? Di ba sila nagmahal?

'"Are you sure? Gusto mo bang lumabas muna? Magpahangin sandali?" magkakasaunod na mga tanong nito. Mukhang kahit paano ay nag- aalala naman ito sa kanya. Siguro nakokonsensiya ang mokong. Pero bakit naman ito makokonsensiya? Ano bang kasalanan nito? Kung ano man ang kasalanan nito? Wala na sa kanya iyon basta nasa isip niya, dapat lang makonsensiya ito, yun lang.

Siguro nga kailangan lang niya ng sariwang hangin. Di na niya ma- keri ang vibes roon. She wanted to get the hell out of there, kaya pumayag na lang siya rito. Tumango siya bilang sagot rito.

Tumayo naman ang binata at nagpaalam sa mga magulang nila saka siya inalalayan palabas. Naupo sila sa swing pagkarating sa garden. Naramdaman niyang gumaan na lang bigla ang pakiramdam niya. I guess that helped a bit. Thanks for saving my petty little butt again, Calvin.

Parehas lang silang tahimik, mukhang pareho silang nagpapakiramdaman. Parehong naghihitay kung sinong mauunang magsasalita. Pero lumipas ang ilang minuto, wala pa rin. Tanging lagaslas lang ng tubig sa fountain, ang ihip ng hangin at ang ingay ng mga tao sa kani- kanyang tahanan ang kanilang naririnig. Hindi na nakatiis si Calvin sa sobrang katahimikan kaya nagsalita na siya.

"Anong regalo mo saken? It's Christmas.." nakangiting sabi ng binata.

"Bakit naman kita reregaluhan? Sino ka ba, ha?" may halong pagbibirong wika niya. Di na rin niya napigilan ang sarili kung kaya't napangiti na siya.

"Ako lang naman si Calvin De Ocampo, at ako lang naman ang lalaking nakatakda mong pakasalan." proud na proud na sabi nito. "Oh, nasan na regalo ko?"

Nginitian niya ito. "Wala kong gift sayo eh. Sorry, next time na lang. Ano bang gusto mong gift?"

"Madaya ka.." anitong parang nagtatampo. Pero bigla namang nagliwanag ang mukha nito. Parang bigla itong sumaya. "Alam ko na kung anong pwede mo ng iregalo saken."

Teenage BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon