Chapter 4

1K 14 1
                                    

Konnichiwa Minna! That means Good Afternoon Everyone sa english. Ang init ngayon, grabe! Tama ba ko? Hehe..

 So, here it is! Chapter Four na po!  Read niyo po and sana like niyo!

 This chappie is dedicated to 06. Hehe. Di ko masabi ang pangalan niya, nakakahiya eh! Pero kung pipilitin niyo ko, pwede na rin siguro. haha! Siya ang aking crush, ayy hindi! Higit pa sa crush. Alam niyo na ibig kong sabihin. haha!

 NP: Teach Me How To Dougie by Cali Swag District

(Di ako marunong mag- dougie! Can you teach me how? :)) )

~CHAPTER FOUR~

Huwebes noon pero nasa kanyang bahay lang si Nadine, wala siyang pasok dahil non- working holiday. Mag- isa lang siya sa kanyang unit at matiyagang pina- practice lutuin ang bago niyang naimbentong dish. Piniprito niya ang isa sa mga ingredients nang bigla na lang pumilantik ang mantika. Malakas ang naging tunog niyon na lubha niyang ikinagulat, natalsikan pa siya ng napaka- init na mantika sa kanyang mukha at braso. Halos maiyak na siya sa sobrang hapdi noon.

Naupo siya sa couch at di malaman ang gagawin. Gusto niyang tumawag sa kanyang kuya upang magtanong kung ano ang pwede niyang gawin pero nagda- dalawang isip siya, ayaw na kasi niya itong abalahin sa trabaho. Nagdesisyon na lang siyang magpunta sa kusina upang lagyan na lang ng toothpaste ang balat niya. Papunta na siya sa kusina ng biglang mag- ring ang doorbell. Mabilis na lang niyang tinungo at binuksan iyon. Ang bumungad sa kanya ay ang mukha ni Calvin. Nagulat na lang ito ng makita ang itsura niya.

“Holy Cow! What the heck happened to you?!” natatarantang tanong nito ng makapasok sa unit niya.

“Natalsikan ako nung mantika sa niluluto ko.” sagot naman niya na bahagya pang naiiyak sa sakit.

“Halika nga dito.” anito sabay hila sa kanya papunta sa kusina. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod na lang rito, mukha naman kasing alam nito ang dapat gawin. Binuksan nito ang faucet at itinapat roon ang braso niya upang mabasa. Bahagya rin nitong binasa ang kanyang mukha. Nang matapos ay kumuha ito ng malinis na towel at idinampi iyon sa mukha at braso niya.

“Kailangan malamigan ng paso mo para hindi mag- swell.” paliwanag nito sa kanya. Nakatitig lang siya rito habang inaasikaso siya nito. “May burn ointment ka ba rito?”

Tumango lang siya saka itinuro ang isang first aid kit na nakalagay sa loob ng glass cabinet. Agad naman nito iyong kinuha at naupo sa tabi niya. Binuksan ng binata ang ointment at nilagyan niyon ang parteng natalsikan ng mantika.

“Next time, be more careful. Paano na lang kung di ako dumating? Baka kung ano na ang nangyari sayo.” paalala naman sa kanya ng binata.

“Opo.” iyon na lang ang kanyang nasabi. Tama naman kasi ito, kung hindi siguro ito dumating ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Pero hindi niya hahayaang maging proud ito sa sarili nito. “Kahit naman di ka dumating walang mangyayari saken. Tatawagan ko na naman sana ang kuya ko, kaso bigla kang dumating.”

“You’re really ungrateful. Tinulungan ka na nga, di mo man lang ma- appreciate. Di ka man lang marunong magpasalamat kahit di bukal sa loob mo.” parang naiinis nang sabi ng binata. “Pasensya na ha? Kung masyado akong pakielamero. Wag kang mag- alala last na to.”

Tumayo na ang binata at nag walk out na ng wala nang iba pang sinasabi. Mukhang this time ay di na nakayanan nito ang ugali niya. Bahagya tuloy siyang nako- konsensiya. Bakit ako mako- konsensiya? Wala naman akong masamang ginagawa sa kanya. dahil sa lintik na pride niya.

Teenage BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon