Chapter Seven na! Yon na nga! Diba? Nagtapat na si Calvin. Ano nang mangyayari? Basahin niyo na lang ang chappie na to! Sana like niyo!
Dedicated to ALL OF YOU pa rin wala kong specific person na mapagde- dedicate- an eh. Sa inyong lahat na lang para fair. Mahal ko kayo eh. :>
NP: Wish You Were Here by Avril Lavigne (imy 06)
~CHAPTER SEVEN~
Alas- dos pa lang ng madaling araw ng magising si Nadine. Kanina pa niyang pinipilit na makatulog ng maayos pero kahit anong gawin niya, paulit- ulit lang siyang nagigising ng alanganin sa oras. Ikatlong beses na siyang naaalimpungatan ng gabing iyon, kung anu- ano na lang kasi bigla ang naiisip niya kaya bigla siyang nagigising. Hanggang sa panaginip niya, binubulabog pa rin siya ni Calvin. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. May pasok pa siya mamayang 8am, hindi siya maaaring lumiban sa klase.
"Syete naman! Inaantok pa ko! Patulugin mo naman ako!!" nagngingitngit na sigaw niya. Kung anu- anong position na ng paghiga ang nagawa niya, pero di pa rin siya makatulog kahit antok na antok na talaga siya. Naiiyak na siya sa sobrang inis. "Damn you, Calvin De Ocampo!!"
********************
"God! Nadine, what happened to you? Bakit naka- shades ka? May sore eyes ka ba?" pasinghap na sabi ni Celine nang magkita sila matapos ang klase nila. Noon lang sila nagkita dahil naging abala siya sa kanyang klase, hindi na siya nag- abalang lumabas ng kitchen. Isa pa may second floor na ang eye bags niya, nahihiya siyang magpakita sa ibang tao.
Tinanggal niya ang kanyang shades at tiningnan ang kanyang kaibigan. Nakita naman niya ang maagap na pagtatakip nito sa mata nito at sinabi pang wag siyang tumingin rito. Nainis tuloy siya lalo dahil sa ka- OA-an nito.
"Ang OA mo! Wala kong sore eyes, at kung meron man di kita mahahawaan sa pagtingin lang." iritadong sabi niya saka muling isinuot ang kanyang shades. "Nagka second floor lang ang eyebags ko. Di ako nakatulog ng ayos kagabi."
Napakunot naman ang noo nito saka diretso siyang tiningnan at tinanggal ang shades niya. Humagalpak ito sa katatawa ng makita ang kanyang itsura. "Second floor na nga!" anito na halos maiyak na sa katatawa.
"I know. I know. You don't have to repeat it, and will you stop laughing! Stop making a laughingstock out of me!" aniya sa galit nang tono.
Napatahimik naman ito, pero di maalis ang ngiti sa mga labi nito. Halatang pinipigilan lang nito ang sarili na hindi matawa. She just rolled her eyes then gave out a sigh.
"Ano ba kasing problema at di ka nakatulog ng ayos? Nag- away kayo ni Warren? Or is it about Calvin, again?" magkakasunod na mga tanong nito.
"Yup, it's about that stupid Calvin. Kung anu- anong sinasabi. Nakakainis.."
"Ano bang sinabi niya? Start spilling.." nakangiting sabi nito. Mukhang handang- handa na itong makinig sa bagong kwento niya.
"Sige, pero wag dito. Baka may makarinig. Dun na lang tayo sa condo unit ko tutal di ka pa naman nakakapunta ron, diba?"
"Sige, dun na lang. May pagkain ka ba dun? Gutom na ko."
Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Sa isang Culinary Student ka pa nagtanong niyan, natural may pagkain dun sa unit ko no. Madaming- madami kang pagpipilian. May bagong cake akong b-in- ake. Tara!"
"Sige, tara na!" excited naman na sabi nito.
*******************
"Game! Spill.." wika ni Celine habang nilalantakan ang piraso ng cake sa platito nito. Nakarating na sila sa condo unit niya, pero pagkain muna ang inasikaso niya dahil mukhang gutom na nga ito.
BINABASA MO ANG
Teenage Bride
Teen FictionIlang linggo pa lamang mag 18 na si Nadine. Masaya siya dahil sa wakas ay mas magagawa na niya ang kanyang mga gusto PERO dahil ba nasa tamang edad na siya ay kasama na rin doon ang maaari na siyang magpakasal? at sa taong kinaiinisan pa niya? Oo...