Kamusta kayo? Read niyo na tong Chapter Three! Sana magustuhan niyo! Ahihi!
Dedicated to sa pinsan ko na si Charlene Mae Roniella Indicio De Castro at saka tita ko na si Rodora De Castro. Di ko alam binabasa pala nila to. Ahihi! Nahihiya naman ako.. Ate, Tita salamat po sa effort sa pagbabasa! Godbless!
NP: Dota O Ako by Vanessa- Aikee
anong pipiliin mo dota o ako
anong mas gusto mo pagkasama kay yun ang nasa isip
anong pipiliin mo dota o ako
at ano ako sayo anong mahalaga mahal mo ba akong talaga
Alam mo yung feeling na pinagco- compare ng boys ang DOTA at mga Babae? Diba nakakainis? Ano bang tingin nila sa mga babae, laruan? Haay naku.. Naglalaro ako ng DOTA kaya wala kong sama ng loob sa kanya. Sa mga ADAN lang ako galit na patuloy sinasaktan ang mga kalahi kong EBA..
~CHAPTER THREE~
Sabado noon kaya naman ang magkaibigang Nadine at Celine ay nag-decide na mag-mall. Martin was supposed to be with them, but something came up that's why he's not able to join them. Wala sa mood si Nadine, nakatingin lang siya sa malayo at bumubuntong- hininga bawat ilang segundo. Nagtatampo na siya kay Martin, feeling niya kasi pinaasa lang siya nito.
Promises are meant to be broken, Nadine so just get over it. Paulit- ulit na niya iyong sinasabi sa kanyang sarili but she just can't help it. Kahit na anong gawin niya, di pa rin niya maiwasang malungkot. Sana di ka na lang nag-promise....
Di na natiis ni Celine ang kanyang kaibigan. Tulala na kasi ito at parang wala itong kasama kung umasta. Kinalampag na niya ang mesa upang matauhan ito. "Hoy, Nadine! Ano bang pinage emote emote mo dyan? Tulala ka na diyan, di mo pa ginagalaw yang ice cream mo. Tingnan mo tunaw na!"
"Don't mind me. May iniisip lang ako.." wala sa mood na sagot niya saka nagpakawala ng isang malalim na buntong- hininga.
"Don't mind me ka dyan?! Ikaw na nga lang kasama ko tapos di ka pa makausap ng matino!" reklamo naman ni Celine. "Si Martin na naman ba?"
Tumango lamang siya saka bumaling sa ibang direksyon. Napabuntong- hininga naman si Celine saka napakamot ng ulo sa matinding kunsumisyon sa kanya.
"Hayaan mo na si Martin. Hayaan mo muna siyang mag- enjoy with Heather. Siya ang first niya, friend. Natural na yun.."anito saka pinitik ang noo niya. Napasinghap naman siya sa sakit. "May Calvin ka naman eh.."
Lalong hindi gumanda ang mood niya pagkarinig sa pangalan ng binata. Naiinis siya rito dahil hindi nga siya nito sinundo ng mga nakaraang araw. Hindi nga ito nagpapakita pagkatapos ng klase niya pero madalas naman itong nasa bahay nila. Imbes na nag- aaral siya ay page- entertain pa rito ang kailangan niyang unahin.
"Oh, bakit umiiling- iling ka dyan? Ano na nangyari sayo?" tanong sa kanya ni Celine saka nilantakan ang ice cream nito. "Kamusta na kayo ni Calvin?"
"Ayokong pag- usapan.."
"Ha?! Bakit naman? Ano bang nangyayari sa inyo?"
"Lagi siyang nasa bahay. Di tuloy ako makapag- focus sa pag- aaral kasi kailangan ko muna siyang i- entertain. Minsan naiisipan kong magsarili na para may sarili akong lugar at di niya ko magagambala.." inis na sabi niya saka humalukipkip.
" Pwede naman ah? Yun nga lang ay kung papayagan ka ng daddy mo.."
Oo nga noh? Pwede naman, bakit di ko agad naisip yun? Pwede naman mag- try!

BINABASA MO ANG
Teenage Bride
Novela JuvenilIlang linggo pa lamang mag 18 na si Nadine. Masaya siya dahil sa wakas ay mas magagawa na niya ang kanyang mga gusto PERO dahil ba nasa tamang edad na siya ay kasama na rin doon ang maaari na siyang magpakasal? at sa taong kinaiinisan pa niya? Oo...