Hello! I'm back! Ang tagal kong di nakapag- update, pasensya na talaga!
Katatapos lang ng exam namin kanina, grabe! Ang hirap ng Physics, yun lang masasabi ko! Feel ko 5 lang score ko out of 60+ ang hirap talaga!
Nag- aral naman ako, echos! ahaha! Kawawa naman ako, baka di ako maka- graduate dahil sa Physics! Curse You, PHYSICS!
Sana magustuhan niyo tong chappie na to. Malapit na tong matapos.
Mga silent readers, pa- like naman po ng story please! Nagmamakaawa na po ako. haha! Comment naman po at Vote po! Papasko niyo na saken. It's just one or two click. Mga 2 mins lang yan. Please! Kung ayos lang become a fan na din kayo.. please! :>
Game na! Read niyo na po!
~CHAPTER NINE~
"Babe, are you alright?" tanong ni Warren habang nagdi- dinner sila sa condo ng huli.
"H-ha? A- anong sabi mo, babe?" tila natauhang tanong naman ng dalaga.
Ilang araw na siyang tila palaging wala sa sarili. Lagi na lang kasing nasa isip niya si Calvin at ang mga nangyari noong nakaraang linggo.
Hindi kailanman naalis sa isip niya ang masasayang pangyayari nang magpunta sila noon sa Batangas. Naging masaya ang tatlong araw na pananatili nila roon. Kinailangan lang nilang umuwi ng maaga dahil umuwi na si Warren.
Gusto pa sana nilang manatili roon ng mas matagal. Gusto niyang makasama pa si Calvin ng matagal, nang silang dalawa lang. Alam na niya ang tunay na nararamdaman niya para sa binata, at hindi na niya iyon itatanggi. Mahirap iyong gawin dahil mahal na niya ang binata.
Nalulungkot lang siya dahil hindi niya iyon maipagtapat kay Calvin. Naiparamdam na niya rito ang pagmamahal niya pero mas magiging masaya siya kung magagawa niyang sabihin ang nararamdaman niya para sa binata.
Paano ba niya magagawa iyon gayong kasintahan pa niya si Warren? Alangan namang magtapat siya habang may iba pa siyang mahal. Mahal? Mahal ko pa ba si Warren?
Hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili. Pati nararamdaman niya para kay Warren, hindi na niya matanto. Siguro ay mahal pa niya ito pero mas mahal niya si Calvin. Oo, baka nga ganoon..
"Babe, may problema ka ba? Parang ang layo kasi ng iniisip mo eh." nag- aalalang tanong ni Warren.
"W- wala.. wala. Ayos lang ako. Don't worry bout me."sagot naman niya saka nagpatuloy sa pagkain.
"So, back to our topic.." anito saka inilapag ang mga kubyertos sa pinggan. "Tuloy na ba tayo bukas?"
Nagtanong kasi ito kung bukas ay maaari na silang pumunta sa mansyon nila at ipakilala ito sa daddy niya.
Hindi niya alam kung anng isasagot niya. Gusto niyang tumanggi pero paano niya sasabihin? Baka naman kung ano pa ang isipin nito.
"H- ha?" Kapag pumayag siya sa hinihiling nito, tiyak na magkakagulo. Tiyak na dahil doon magagalit sa kanya ang kanyang ama, hindi na matutuloy ang kasal nilan ni Calvin, magkakahiwalay sila ng binata at kung anu- ano pang gulo.
"Please babe. Ayoko lang kasing pareho pa tayong nahihirapan sa pagtatago ng relasyon natin. Please, babe?"
Paano pa niya magagawang tanggihan ito gayong halos magmakaawa na nga ito sa kanya. Mahihindian ba niya ito? Matitiis ba niya ito?
"O- okay...."
Ang sagot................ HINDI
**********************
BINABASA MO ANG
Teenage Bride
Teen FictionIlang linggo pa lamang mag 18 na si Nadine. Masaya siya dahil sa wakas ay mas magagawa na niya ang kanyang mga gusto PERO dahil ba nasa tamang edad na siya ay kasama na rin doon ang maaari na siyang magpakasal? at sa taong kinaiinisan pa niya? Oo...