Epilogue

1.3K 28 6
                                    

Heto na! Ang Epilogue ng Teenage Bride. ito na ang last part.

Salamat nga pala dun sa mga nagbabasa. Sana naman po mag- comment kayo, vote o become a fan. Gusto kong maramdaman na nagustuhan niyo yung story ko.

Please, pagbigyan niyo na ko! ha?!

Geh, eto na nga!!

~EPILOGUE~

JUNE 6, 2011

Eto na ang araw na pinakahihintay nina Nadine at Calvin, ang araw ng kanilang pag- iisang dibdib. Matapos ang mga gulong nangyari ng mga nakalipas na buwan, heto ang isang pangyayaring labis na ikinatuwa ng lahat.

Two Months ago, nang magkasama silang umuwi ng Pilipinas ay nabigla pa ang kanilang mga magulang. Hindi akalain ng mga ito na magkakabalikan sila, at this time for real na. Masayang- masaya para sa kanila ang mga magulang nila.

Nang araw na iyon nang kanilang kasal, abalang- abala ang lahat. Ang kasal nila ay gaganapin sa isang simbahan sa Batangas at ang reception ay sa bahay roon ni Calvin, na magiging bahay na rin niya.

Maraming mga panauhin ang darating sa wedding nila. Mga kaibigan, kamag- anak, mga business partners ng mga magulang nila at marami pa.

"Linn, how do I look? Maayos pa ba itsura ko?" kinakabahang tanong ni Nadine kay Celine.

"Ano ka ba friend? Pang- limang tanong  na yan ah? Oo, maayos pa itsura mo. Pwede pang pagtiyagaan." anang kaibigan niya.

"Naman, Linn! Ayusin mo naman sagot mo!"

"Oo, maganda ka pa! Actually, ikaw pinakamaganda ngayon. Ano okay na?"

"Thanks.."

Nasa kotse na sila at bumi- biyahe patungong simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ni Calvin. Sobra- sobra ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa patutunguhan nila. Masayang kinakabahan siya. She felt funny. Ano ba, Nadine? Relax ka lang, okay?!

Makalipas ang ilan pang sandali ay nakarating na sila sa simbahan. Pagkarating niya ay nagsimula na rin ang wedding march. Sunod- sunod nang naglalakad ang mga abay sa kasal nila. Last silang naglakad ng daddy niya.Naiiyak na siya habang kasama niya ang kanyang ama.

"Dad, I love you and thank you for everything.." mahinang sabi niya sa daddy niya.

"Darling, I love you too. I'm happy for you. I'm sure, masaya din ang mommy mo para sayo. I'm really proud of you.." anang kanyang daddy.

"Dad, I'm going to miss you.." naluluha na talaga siya.

"Darling, i will miss you too. You're my unica hija.. You're all grown up now, and you're getting married. I can't believe it. Basta, pag na- miss mo kami ng kuya mo bisitahin mo lang kami. Okay?"

"Yes, dad. I will.."

Nang makarating na sila sa altar ay ipinaubaya na siya ng daddy niya kay Calvin. Nagbigay lang ito ng kaunting paalala saka nagpatuloy ang seremonya.

"You're really beautiful, Baby. I Love You so much..." pabulong na sabi ni Calvin sa kanya.

"You look handsome, Baby. I Love You too.." pabulong ding sabi niya rito.

Makikipagsweet sweet-an pa sana sila sa isa't- isa ngunit biglang tumikhim ang pari. Hudyat na iyon para masimulan nang muli ang seremonya.

Mabilis na natapos ang seremonya ng kasal nila pero ang araw na iyon ay di na maaalis sa puso't isipan nila. Iyon na ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay nila.

Napakaraming pagsubok ang dumating sa buhay nila ngunit kanila iyong nalampasan dahil mas nangibabaw ang pagmamahal nila sa isa't isa. Ngayon, haharapin na nila ang panibagong simulain sa buhay nila.

Iyon ang panibagong simula ng kabanata ng buhay nila bilang mag- asawa.

~THE END~

A/N:

Sa wakas ay natapos na. Grabe! Ang daming oras ang ginugol ko rito sa story na to. Pinagpawisan ko yan, seryoso ako! Hahah! Pasmado kamay ko eh kaya namamawis. ahaha!

Ang saya! Ang ganda sa pakiramdam na may natapos na kong kwento rito. Sana naman po ay magparamdam na kayong mga readers. Please!

Please Vote! Comment! and Become a Fan! kaay?

Maraming Salamat sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko sa pagsusulat, kung hindi dahil sa inyo di ko pa magagamit ang talent na to. Salamat sa mga kaklase ko na napaka- supportive. Sana pagpalain kayo ni Papa God! i love you all!

Salamat sa mga readers! salamat sa matiyagang pagbabasa! Mahal na mahal ko kayo!

Hanggang dito na lang.. Goodbye!

Abangan ang KathNiel Fanfic ko! Mamats!

Teenage BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon