Chapter 5

961 16 1
                                    

May konti lang akong sasabihin then GORA na kayo sa pagbabasa. Haha!

 PLEASE read, vote, comment and BECOME A FAN if you want! :))

 This chappie is dedicated to my friends namely: Josephine, Karen, Ish, Crisette, Gladys and April. Para to sa inyo mga luka- luka! haha! Love you all! Thanks for making my high school life really fun. Kala ko living hell ang high school ko eh. Believe it or not, biktima ko ng pambu- bully but thank God tapos na lahat. I'm really happy... 

 NP: Super Bass by Nicki Minaj

~CHAPTER FIVE~

Nilapitan ni Calvin ang dalaga at ikinulong ito sa kanyang mga bisig. Nag- sorry siya rito ngunit hindi ito tumigil sa pag- iyak. Maya- maya pa ay naramdaman niyang pumalibot na rin ang mga braso nito sa kanya. Nang tumigil naman ito sa pag- iyak ay nagdesisyon na itong umuwi.

Pagpasok sa unit nito ay sabay silang naupo sa couch. Walang nagsasalita sa kanila. Matagal na pumailanlang ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nagsalita siya ngunit nanatiling walang kibo ang dalaga.

"Hey, I'm sorry if nasabi ko yung mga bagay na yun." hinging- paumahin niya rito. "I'm sorry if I crossed the line, don't worry di na mauulit."

"Don't tell Dad about what happened, please.." sa wakas ay sabi nito ngunit hindi naman nag- abalang tumingin pa sa kanya.

"Don't worry bout it. I won't tell.."he said. Tahimik lang na pinagmasdan ng dalaga ang halaman sa balkonahe. 

Hindi siya pinansin nito, na animo'y ito lang ang tao roon. Tahimik lang ito. Sa sobrang tahimik pa ay naririnig na niya ang malalalim na buntong- hininga nito. Mukhang napakalalim ng iniisip nito. Nadine, ano bang iniisip mo?

"Hey, kausapin mo naman ako." aniya ng hindi na makatiis sa pag- iignorang ginagawa nito sa kanya. "Please?"

Nilingon siya nito saka tinaasan ng isang kilay. "Ano pa bang dapat nating pag-usapan?" may bahid na pagkairitang sabi nito.

"I saw you at The Wave yesterday. Anong ginagawa mo ron? Mag-isa ka pa."

"I went to your office yesterday, pero wala ka kaya tinanong ko sa secretary mo kung nasan ka. Binigay niya saken ang address nung bar na yon."

"So, nagpunta ka dun dahil saken?" Nasisiyahan siyang malaman na siya pala ang pakay nito roon. Nae-excite tuloy siyang malaman kung anong kailangan nito sa kanya. "Bakit naman di mo man lang ako nilapitan?'

"First, I want to apologize to you dahil dun sa mga nasabi ko sayo noon. Second, di na kita nilapitan because you're too busy flirting with some other woman."

"Other woman? What are you saying?" naguguluhang tanong niya rito.

Mapait na tumawa ang dalaga saka siya tiningnan ng masama. " Don't play dumb, Calvin. I saw you kissing that woman.'

Saka lang niya naalala ang mga nangyari kahapon. Napangiti naman siyang bigla. "So, nakita mo pala yon? That's why you're mad again?'

"Yes and yes.."

"Are you jealous?" ngingiti- ngiting tanong niya rito. Hindi niya mapigilan ang sarili na di mapangiti. Ramdam naman kasi niya ang totoo nitong nararamdaman. Just admit it, Nadine. You're jealous..

"Of course not! Ang kapal mo!!" malakas na sabi ng dalaga.

"Then, bakit ka nagalit saken?!" may pang-aasar na tanong niya sa dalaga. Gotcha, Little Girl..

Teenage BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon