Chapter Eight na! Malapit nang matapos sa wakas! Read niyo na po. HOPYA like it! Ahihi! :>
Dedicated to my cousin Jena Mariella Indicio Gutierrez at sa fafable niya si kuya Erick Laurence Dimayuga. Love ko yang mga yan! Sila ang secong parents ko noong maliit na bata pa ko. haha! Sana magtagal pa sila! More than 3 years na sila. Tibay no? Gayahin niyo.. haha!
NP: Marry Your Daughter by Brian McKnight (an' SWET na song nito!)
~CHAPTER EIGHT~
Mahimbing pang natutulog si Nadine nang marinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi lang siya tinatawag nito, parang niyuyugyog pa nito ang kanyang balikat. Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata. Parang lumulutang pa sa ulap ang kanyang pakiramdam, inaantok pa talaga siya.
When she opened her eyes, she was greeted by the most handsome face she had ever seen. Nananaginip ba siya? O si Calvin talaga ang kanyang nakikita? Kung totoo ito, napakaganda namang pambati sa umaga ang mukha nito.
"Hi handsome.." she said as she gently caressed the face of the man right beside her. She was still half asleep that's why she doesn't know what she was doing.
Nginitian naman siya nito at marahan ding hinaplos ang kanyang mukha, then he kissed her on the lips. "Rise and Shine, sleepyhead.."
Noon lang siya tila natauhan. Hindi pala siya nananaginip lang, totoo palang naroon si Calvin. Napabangon tuloy siya ng walang oras kaya aksidenteng nagkaumpugan sila. Pareho silang napasinghap sa sakit.
"Aw! Shet!" napamurang daing niya.
"Ayos ka lang ba? Masakit ba?" nag- aalala pero natatawang tanong naman nito sa kanya habang hinahaplos- haplos ang kanyang ulo.
Nakataas ang isang kilay na binalingan niya, "Ay hindi! Hindi masakit. Kaya nga diba halos mapaiyak na ko rito??" pagtataray niya rito.
"Kasi naman.. Mag- ingat ka nga sa susunod. Ang aga- aga pa, nadidisgrasya ka na." pagsesermon nito pero malambing naman ang boses.
"Eh, bakit ka kasi nandito? Ang aga- aga pa! Umuwi ka na muna!" aniya saka humiga uli at ibinalot ang sarili sa makapal na kumot.
"Bumangon ka na nga, diba sinabi ko na sayong aalis tayo ngayon? Kumilos ka na. Tatanghaliin na tayo.."
"Eh ayoko! Inaantok pa ko eh! Mamaya na, pwede?"
"Nadine, kilos na. Kapag di ka pa kumilos, bubuhatin na kita at ako na ang magpapaligo sayo."
"Di mo ako matatakot. Justo go away. Kita mong natutulog pa eh." wika niya saka humarap sa kabilang side ng kama.
"Then you leave me no choice.." iyon lang at bigla na siyang binuhat nito. Nagpumiglas siya pero hindi siya nito ibinaba. Saka lang siya ibinaba nito nang nasa banyo na sila. Binuksan nitoang shower kaya naman pareho silang nabasa.
"Calviiiin!!!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya. "Get out!!" ipinanagtulakan niya ito palabas ng banyo saka mabilis na ini- lock ang pinto. Habol niya ang kanyang hininga ng sumandal siya sa pinto. Naiinis na naman siya ka Calvin dahil sa kakulitan nito. Hindi na talaga ito magbabago.
Matapos maligo ay nagbihis na siya. Nabigla naman siya ng makitang nakahanda nakahanda ang kanyang maleta. Nang buksan pa niya iyon, bumungad sa kanya ang nakaempakeng mga damit niya. Pati pa mga underwears at kung anu- ano ay naroon na. Ramdam niyang nag- init ang kanyang mga pisngi, pihadong namumula siya ng matindi.
"Calviiiin!!" she yelled at the top of her lungs.
Humahangos namang dumating ang binata. "What happened? May problema ba?"
BINABASA MO ANG
Teenage Bride
Teen FictionIlang linggo pa lamang mag 18 na si Nadine. Masaya siya dahil sa wakas ay mas magagawa na niya ang kanyang mga gusto PERO dahil ba nasa tamang edad na siya ay kasama na rin doon ang maaari na siyang magpakasal? at sa taong kinaiinisan pa niya? Oo...