ikadalawangput pitong kabanata

981 21 1
                                    


After 3 years

Allyssa's POV

"Sige po Tatang mag pahinga na po kayo,at wag kayo masyadong magpapagod"at pagkatapos inend ko na ang tawag

Tumawag ako sa Mindoro para kumustahin si Tatang simula kase ng maospital at maoperhan pinatigil ko na siya sa pagtratrabaho sa bukid
mahirap na ayaw ko ng maulit,

3 years ago ano nga ba nang yari noon,kung tutusin ayaw ko na sanang maalala pero hindi maiwasan,

Ang pangyayari din yon ang naging dahilan kung bakit nanatili ako sa Negosyo pinag-uutang ko ng loob

Oo ang kompanya na pag- aari ng taong pilit kong kinalimutan,ang Buenavediz International Company ang siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin ang Tatang ko,ang siya ring dahilan kung bakit kailangan kong manatili dito

Ano nga ba ang nangyari noon,tatlong taon na ang nakalipas

FLASH BACK
3 years ago

"Nang ano pong nangyari kay Tatang?!"

(" Huhuhu,anak ,ang tatang mo isinugod namin sa ospital,pumarine ka muna anak")

"Sige po uuwi agad ako"

Nanghihina ako sa narinig ko,kailangan kong makauwi sa Mindoro

Matapos kong makapagpaalam sa aking mga proffesor,agad akong lumuwas

Sinamahan din ako ng bestfriend ko,thankGod at may kaibigan akong kagaya ni Ariana

Dumiretso kami kaagad sa ospital,nadatnan ko ang Nanang,nangangalumata,tanda ng wala pa itong tulog,nakaramdam ako ng awa sa aking ina,at kaagad ko siyang niyakap,ganon din ang ginawa ni Ariana

" Anak ang tatang mo hanggang ngayon wala pa rin malay"Naiiyak na sabi ni Nanang

"Ano pong sabi ng Doctor?" tanong ko

"Nasaan po ang tatay Damian?"Sunod na tanong ni Ariana,na medyo malakas para maklaro ni Nanang

"Ay nasa ICU pa mga anak,kakailanganin nyong magsuot nitong ospital gown bago pumasok sa loob"

Ganon nga ang ginawa namin,
papasok na lang kami sa loob ng biglang dumating ang Doctor,kaya't pinauna ko na si Ariana

" Doc kumusta po ang lagay ng Tatang?"

" Ikaw ba ang anak ni Mr.dela Vega?

Tumango ako

" Mabuti naman at nakarating ka kaagad,ang sabi kase ni Mrs,dela vega mabuting sayo ko na lang sasabihin"

Inantay ko na lang patapusin ang doctor

" Anyway iha..,your father condition is unstable..your father need an immediate operation, kailangan tanggalin ang bara sa mga ugat niya sa puso,kung hindi pag inatake sya uli i can' t assure you that he can survive,"

" Ibig bang sabihin doc kakailanganin namin amg malaking halaga?"

Pormal na tumingin sa akin ang doctor bago sumagot

" Malaking halaga ang kakailanganin nyo iha, sana magawan nyo ng paraan sa lalong madaling panahon"

" Gagawan ko po ng paraan,.ah eh doc bakit hindi pa po nagkakamalay ang tatang?"

" Dahil sa gamot na itinurok namin sa kanya antayin na lang natin syang magkamalay"

" Salamat po Doc"

Pagkatapos non nagpaalam na sa amin ang doctor,niyakap ako ni Nanang

Tinapik ako sa balikat ni Ariana na ngayon ay nakalabas
Ako naman ang pumasok

Tuluyan na akong nakalapit kay Tatang,hindi ko mapigilan ang maluha,ilang tubo kase ang nakakabit sa kanya,
hinaplos ko ang hapis niyang mukha,at pagkatapos hinawakan ko ang kanyang kamay,nakakaawa ang tatang ,kung sana mapera lang kami hindi niya sasapitin ang ganitong kalagayan

" Tatang" sabi ko sa garalgal na boses," mag palakas kayo Tang,alam ko kaya nyo yan,malakas ka di ba,?andito lang kami ni Nanang kahit anong mangyari,gagawa po ako ng paraan gumaling ka lang"... hilam na ako sa luha habang patuloy na kinakausap ang tatang
" Tsaka di ba gusto nyo pang makita ang mga apo nyo sa akin," ..umiiyak tumatawa ako,naalala ko pa ang sabi niya sa akin ng dumalaw siya sa Manila,"kaya tang wag kang susuko ha"...at tuluyan na akong umiyak,sumabay kase ang sakit na nararamdam ko,bakit sa ganitong pagkakataon pa,kung kelan umalis ang taong mahal ko..unfair naman ang sitwasyon

---

"Best dont worry magagawan natin ng paraan yan"

Sabi ni Ariana,andito kami ngayon sa bahay,pinabantayan na muna namin kay tiyo tonyo ang tatang,pinapahinga ko kase muna ang Nanang dito sa bahay

"Paano? ang naitabi nilang pera para sa pag- aaral ko,o kahit pag samahin pa ang naitabi ko kulang pa"

Biglang lumiwanag ang mukha ni Ariana

"Best,may isa pang option,di ba sinabi sayo ni Tita Ellaine,kung may problema ka wag kang mag-atubiling lumapit sa kanya"
medyo hindi ko nagustuhan ang sinabi niya

" Hindi ganon kadali angg sinasabi mo,ayaw ko nang magkaroon ng kahit anong ugnayan sa kanila

"Best this is for your fathers sake,.sometime we have to swallow our pride for the sake of our family,iset aside mo muna ang damdmin mo ...para kay tatay Damian"

"May iba pang option,wag lang yan"sabi ko pa

" Ano itong bukid,diba lumapit na tayo sa iba para isanla ito,pero kulang pa rin di ba?

Mahirap man tanggapin,tama si Ariana,iset aside ko muna ang damdamin ko alang alang kay Tatang

At muli nagpasya kaming bumalik pamaynila kinabukasan

Nandito uli ako sa malaking bahay hindi ko na lang pinasama si Ariana,at alam kong pagod ito sa byahe,tumuloy na lang siya sa boarding house na tinuluyan namin

Tuwang tuwa ang nanay Carmen,at si Grace,pinatuloy nila ako,iniwan ako at tinawag si Tita Ellaine

Sandali lang akong nag- antay at bumaba na rin siya

" Kumusta ka na iha,na miss kita,akala ko nakalimutan mo na kami" at niyakap ako ni Tita Ellaine,gumanti rin ako ng yakap

" O-ok lang po ako Tita"naumid pa ako
Hindi ko kase alam kung paano ako mag-umpisa

" May problema ba Allyssa,nangangalumata ka?"

Dahil don nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang problema ko

" Sige na po Tita kunin nyo na po ang titulo" pakiusap ko kay Tita Ellaine

" No,iha,kaylan may hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit sa anumang bagay na itinutulong ko sa
inyo
Pero nagpumilit pa rin ako,

" Bueno tatanggapin ko yan sa isang kondisyon"

" Ano po yon?"

" Ako ang magpapaaral sa yo hanggang sa makatapos ka at ikaw mismo ang magmamanage ng iba pa naming negosyo"

" Pero Tita--"

" Please Allyssa,wala na akong pwedeng pagkatiwalaan,hindi ko alam kong babalik pa si Kevin dito,o kung babalik man hindi ko alam kung kelan...at kahit hindi ka pa pumunta dito, ako mismo ang maghahanap sa yo"

END OF FLASH BACK

ang Model at ang PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon