73;

305 8 0
                                    


Napaupo ako sa bleachers tsaka inayos ang palda ko. Nakakapagod maging cheerdancer!! Ang sakit pa ng balakang ko dahil nahulog ako kanina sa lifting. Pero okay na.. sanay naman ako. Sanay na akong masaktan... dejok! Lol

"Hi Joey!" Napatingin kami sa papalapit. Yung tropa lang pala ni Kuya.

"Hi Jun!!" Ayun naglovey dovey nanaman sila. M.U kasi sila eh -,-

Nakita kong may hawak na sundae si Kuya kaya biglang naging heart shape ang mga mata ko.

"KUYA PAHINGI!!" tili ko at tatayo na sana nang matumba ako. Nakalimutan kong masakit pala ang balakang ko.

"Shana, are you okay?" Tanong sakin ni Divern at tinulungan akong tumayo. Hehe kilig naman ang panty ko ahe!

"Okay lang.. Nahulog kasi ako kanina sa lifting kaya ang sakit ng balakang ko" sabi ko sakanya.

"You what!? Sinong naghulog sayo?" Tanong ni Kuya tsaka nagpamewang pa.

"Uy Wino, hindi ako ah! Inosente ako..." sabi ni Yuki.

"Hawak ko kasi paa ni Shana nun kaya nung itatapon na sana namin sya sa ere, napaatras ang kanang paa ko kaya natumba kaming dalawa. Sorry Wino!" Sabi ni Wella sabay peace sign.

"Hindi ba delekado yang lifting lifting nyo? Pano kung natapon nyo si Shana then hindi nyo masalo?!" Inis na sabi ni Syrus. Ewan ko jan... Hindi man lang nag-hi kay Iris.. ambad.

"Don't worry, I trust them naman" sabi ko sakanya, "Where's Star?" Tanong ko.

"Di nya pa pala nasabi sayo Shan? Umuwi na sya sa Japan kagabi lang..." sabi ni Win.

"Bakit?" Tanong ko. Anytime tutulo na luha ko. How dare him leaving me here without saying anything! Kahit sa chat man lang!?

"Pinauwi na sya ni Tita Yuko..." sagot ni Win.

Napatakip ako ng mukha, "Ano ba yan! Bwesit na bitwin yun! Di ko man lang nakita mukha nya one last time!! Ang sama nya!!" Inis kong sabi. Niyakap naman ako ni Kuya at binigay sakin ang sundae na hawak nya.

"It's okay Shan.. say ahh!!" Hinampas ko naman si Kuya. Umiiyak yung tao eh!! Bwesit!

-----

"Haay!! Salamat sa paghatid Div!" Sabi ko at kinuha ang bag ko na hawak nya. Ang gentleman nya kasi ^^

"No prob" sabi nya tsaka tinapik ang balikat ko.

"Aalis ka na? Kung gusto mo, pasok ka muna" sabi ko at bubuksan na sana ang gate nang pigilan nya ako.

"Wag na! Hinihintay na ako ni Sofia sa hospital. Pumasok ka nalang!" Sabi nya at ngumiti.

Aalis na sana sya nang hawakan ko ang braso nya. Namula naman ako nang marealize ko kung ano ang ginawa ko. Bakit ko ba siya hinila pabalik?

"Bakit?" Tanong nya.

Lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa pisngi kaya nagulat sya.

"Pakisabi kay Sofia na namimiss ko na sya then ipasa mo yan sakanya. Okei??" Sabi ko at dali-daling pumasok sa loob ng bahay.

Isa ka nang the great hokage Shana. Anlandi mo puta!

----






[✔] Dare OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon