Gaya nga ng sinabi ko, kumain ako ng Ice Cream Cake. Hindi yung ice cream cake talaga ah. Ice cream at cake talaga yung kinain ko lol.Nasa bleachers ako ngayon, kumakain habang hinihintay magstart ang game ni Divern. Kagaya ng volleyball, by section parin. Maglalaban-laban ang Section A at Section B kasi sila yung winner nung last last last day. Palaging loser ang C kasi andun si Sam at DK. Mga malas kasi lol XD Pero srsly, sila ang dahilan kung bakit sila talo dahil sali ng sali eh hindi naman marunong. Lol! I love Sam and DK yah know. Di lang halata.
Section A, andun yung mga classmates kong sila Joshua, Jessy, Jun, Eight and iba ko pang kaklase. Sa Section B, andun ang puro mga varsity. Sina Divern, Syrus, Kuya, Mico, Darwin at ibang classmates nila.
Nagstart na ang game pagkatapos magpakitang gilas yung mga cheerdancers. Naging extra pa nga si Sam. Bakla talaga at ang kapal pa ng mukha XD Lmao! Again, I love Sam. Hindi nya ako hater... hindi talaga.
"GO DIVERN KO! MAHAL KA NAMIN NI SHANA! PAGNATALO KAYO, MAGPAPAKASAL TAYO!!!! GO DIVERN, GO DIVERN, GO DIVERN BEBE LOVE~!" Napangiwi naman ako kay Sam.
"Pag lumamang ang section nyo, icheer mo si Div" sabi ni Star na nasa tabi ko.
"Ayoko nga. Loyal ako sa Section ko no! Kaya sa A ako" sabi ko at tumayo, "GO SECTION EEEEYYYYYY!!!! PAG NANALO KAYO, IPAPARAPE KO KAYO KAY SAAAAMMMM!!!" sigaw ko na ikinatawa ni Star. Muntik naman akong matamaan sa binatong sapatos ni Sam.
Ilang minuto ang lumipas, lamang ang Section A. Unbelievable diba? Magpapatalo kaya sina Divern? :'(
Malapit nang matapos ang laro pero lamang parin ng isa ang Section A. Cheer parin ng cheer si Sam. Bumaba na nga sya sa bleachers eh at dun na sumayaw. Wala syang trip promise.
"Kunting cheer mo lang naman Shana, lamang na sila" sabi ni Win at lumingon sakin.
"Nakakahiya, ang tahimik ng gym oh" sabi ko.
"Kesa naman sa matalo diba? Remember, ang effort nya kanina" sabi ni Joey.
Bumuntong hininga ako bago bumaba ng bleachers. Nakita kong pawis na pawis na si Divern at pagod na pagod. Don't worry, andito na yung magiging energy nya. *nagsailor moon pose*
Napasinghap kami nang banggain ni Jason, classmate ko, si Divern kaya natumba ito. Nakita ko kung gano sya nasaktan sa paghulog kaya napatakip ako ng bibig. Tinulungan sya si Mico. Akala ko may mags-sub sakanya pero tumakbo sya ulit habang pilit na ininda ang sakit.
"Oh my gosh! What iz doin' now Shana!!" Sabi ni Sam.
Tiningnan ko si Divern habang nakatingin lang sa kasama nya at nakahawak sa tuhod nya.
"DIVERN HAYNES!!!!! MAKINIG KA SAKIN TANGNA MO!!!! ISANG BESES KO LANG TONG GAWIN SAYO KAYA SANA MAKINIG KA!! ALAHANIN MO YUNG SINABI KO KAGABI!!! GALINGAN MONG GAGO KA WALA KANG KISS SAKIN!!!!" sigaw ko at napasinghap naman yung nasa likod ko. Pati si Divern nagulat. Ngumisi lang ako. Ano kayo ngayon?
Ngumisi naman si Divern at bigla nalang tumayo ng matuwid na parang walang nangyari.
"I think it's coming" kinikilig na sabi ni Sam habang tumalon talon pa.
"Anong it's co-"
"KYAAAAAAAAAAAHHHHH!!" nagsintilian ang mga tao kaya napatingin ako sa court. Nanalo ang Section B. Section B.. B?! B?! AS IN BABOY!!??? TUNGUNU NANALO SILA!! NANALO SILA!!! MAY KISS SI DIVERN SAKIN KAYA KAILANGAN KONG MAGTAGO TANGNA!!
"Shana, look" sabi ni Sam at tinuro ang likod ko which is ang bleachers. Tumingin naman ako sa likod ko at laking gulat ko nang pumutok ang isang confetti. At kasabay nito ang pagtaas nila ng isang papel na may letters dito.
Alam mo yun? Akala mong "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND" yung nakalagay sa bawat papel pero masyadong common pala yun kaya naging, "TAYO NA SHANA ALVA" yung nakasulat. Hindi ka na tinanong eh noh?!
"You told me last night na pagnanalo ako, sasagutin mo ko. Kaya ito, di na ako nagtanong. Sinasagot mo na ako right?" Tanong ni Divern na nasa likuran ko lang pala.
"Ang kapal ng mukha mong magprepare tangna ka!" Sabi ko at sinapak sya sa braso. Nanggigil ako sakanya bwisit, "Pano kung matalo kayo, pano na effort mo aber?!"
"Hahayaan ko bang matalo ang team ko Shan?" Sabi nya at inakbayan ako, "Hindi, kasi alam kong may magandang kapalit pagnanalo ako. Sinadya kong palamangin yung A kasi gusto kong makita yung reaction mo. Look, may sinabi ka nga kanina. Ano ulit yun?" Tanong nya.
"Gago ka wala akong sinabi tangna tigilan mo ko Divern" sabi ko sakanya.
"Wala nga ba? Pwes, ako nalang ang gagawa" sabi nya at hinawakan ang dalawa kong pisngi at nilapit ang mukha ko sa mukha nya then...... nabuntis ako.
"KYAAAAAAAAAAAAAHHH NAKITA NYO BA WATDAPAK!?!?!?" hindi ko pinansin ang tilian sa likod ko kasi he's kissing me right now. DIVERN HAYNES KISSING ME RIGHT NOW SHIT BUNTIS NA AKO MALAKI NA TYAN KO MANGANGANAK NA AKO!
Nang humiwalay na sya ay agad ko syang sinapak. Dahil hindi ako nakuntinto, tinuhod ko ang upo't talong nya.
"ANAK KA NG HOKAGE DIVERN!!! KUYA, DI NA AKO BIRHEN!!! BUNTIS NA AKO MGA BANGUSSSS!!!" sigaw ko at tinakpan ang buong mukha ko. Tinawanan lang nila ako.
"Congrats sis, pari ako ah!" Sabi ni Kuya sabay taas ng dalawang kamao nya.
"Beb!! Ninang ako tas bridesmaid" sabi ni Yuki.
"Babes, flower girl ako pwede?" Sabi ni Sam sabay kapit sa braso ko.
"Bro, okay na? Okay na ba?" Napatingin ako sa gilid ko. Isang nakaluhod na Divern yung nakita ko habang tinulungan nina Syrus at Mico na tumayo.
"Mas mabuti nga yan eh hokage ka!! Pag si duterte andito, baka wala ka nang upo't patola" sabi ko.
Hindi sya sumagot at nakayuko parin sya habang nakahawak sa armas nya.
"Alam mo bang may sakit sya sa talong!?" Sabi ni Sam at lumapit kay Divern.
"May ganun?" Tanong ko.
"Oo merong ganun. Cancer sa talong stage 5" sabi naman ni DK at mukhang nag-alala yung mukha nya. Maniniwala na sana ako pero yung sinabi nya, hindi kapani-paniwala.
"Isang halik lang, gagaling na" sabi ni Syrus at tinaas baba ang kilay nya.
"Saan?" Tanong ko. Sa lips or sa cheeks?
"Malamang sa talong nya besh! Gusto mo?" Sinabunutan ko si Sam. Gago toh ah!
"Oo na alis!" Sabi ko.
"Huy sa kwarto dapat wag dito kung hahalikan mo yung-"
"Hokage ka DK, lumayas ka!" Sabi ko at tinulak sya paalis.
Inangat ko yung mukha ni Divern. Nakapikit parin sya, "Sorry na oh" bulong ko pero hindi nya ako pinansin.
Tiningnan ko yung ibang tao sa paligid ko. Yung iba nakatingin samin yung iba walang pake.
Ginamit ko ang mahabang buhok ko para takpan yung mukha namin.
"Mahal na mahal kita Divern Haynes. I love you, kahit ang corny" bulong ko bago sya halikan. Naramdaman kong ngumiti sya kaya humiwalay ako ng kunti pero nakatakip parin yung buhok ko sa mga mukha namin.
"I love you too and more, Shana Alva. Mahal na mahal" bulong nya and we shared it again. You know, yung ano. Hehehe ang landi namin lol.
BINABASA MO ANG
[✔] Dare Online
Short Story"Divern: So chinat mo ko dahil gwapo ako?! Fuck off bitch, ang landi mo magaral ka muna ./." >EPISTOLARY