PROM NIGHTI was in the middle of preparing nang bumukas ang pinto. Bwesit! Sakit sa bangs nitong disturbo na to!
"Huy ano ba!!" Biglang pumasok si Kuya at tumalon sa kama ko habang nakadapa.
"Ayokong pumunta sa prom" sabi nya at pumikit.
Nilapag ko muna ang kwintas na hawak ko sa mesa at tumalon sa likod ni Kuya tsaka tumalbog talbog, "Aww! Aww! Shana baba ka!!"
"Not until pumayag kang maging kapartner si Nana at pumunta ng prom!" Sabi ko.
"Oo na! Oo na! Nagbibiro lang naman ako eh! Sa tingin mo ba hindi ako pupunta na ngayo'y bihis na bihis na ako at magiging partner ko si Nana!? Chance na rin yun noh! Baba na!!" Sabi nya kaya bumaba na ako sa likod nya.
Yeah, nasabi nga nyang may gusto sya kay Nana. Di ko nga akalaing magkakagusto sya sa medyo tomboy at napakatahimik na si Nana eh.
"Good! Tumayo ka na nga jan!" Sabi ko at sinuot ang gown ko.
"Sis... Why are you choosing Syrus?" Tanong nya sakin habang nakahalumbaba sa kama ko.
"Di ko naman sya pinili. Nagkataon lang" sabi ko.
"Alam mo ba kung sino crush nya?" Tanong nya.
"Si Iris malamang! Tsaka ano ka ba! Prom lang naman yan eh" sabi ko at inayos ang buhok ko.
"Haay bahala ka! Wag ka lang magpaganda!" Sabi nya at hinarap ako sakanya, "Ano ba yan! Sabing wag kang magpaganda eh!" Sabi nya at pinitik ang noo ko.
"Bakit ba!?" Tanong ko.
"Baka may mainlove!" Sabi nya bago umalis, "Masyado kang maganda ngayon! Ayusin mo yan!" Sabi nya.
"Ayoko nga! Hmp!"
--------
Nasa isang round table kaming magbarkada habang busy sa kalalamon. Masyadong masarap ang pagkain kaya wala na kaming pake kung may makakakita pa. Dyosa naman kami eh!
"Huy!" Napatalon ako nang may sumulpot sa harapan namin. Si Divern lang pala.
"Bakisht?!" Tanong ko sakanya.
"Para kang baboy" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Get a life" sabi ko sabay irap. Tumawa lang sya tsaka tumingin kay Yuki.
"I'm here for Yuki. Hey, can I have this dance?" Tanong ni Div sabay kindat kay Yuki na kanina pa namumula.
Pilit kong magiba ng topic para iwas selos, "IF I CATCHING LIGHTING CHANCES FINDING SOMEONE LAAAAYK YOUUUUU!!!!" kanta ko kahit mali-mali lyrics.
"Gaga ka talaga!" Sabi ni Yuki sabay hampas sakin. Pabebe to eh! Psh...
"Gusto mo yan eh! Hala layas na kayo bilis!!" Sabi ni Joey.
------
Nasa gym kaming lahat ng mga seniors kasama ang mga juniors kasi may importanteng i-a-announce yung principal.
"So good evening juniors and seniors. Na-enjoy ba kayo sa prom? How was your partner?? Hahahaha! So let's move on.. Now, we have roses here infront of you and as you can see, there are red and white roses. The boys will be the first to pick this roses infront. Ang white roses, ibibigay nyo sa crush nyo while ang red roses naman ay ibibigay nyo sa taong sa tingin nyo ay para sainyo. Alam nyo yun?? Yung parang gusto nyo nang ligawan..... or yung naiinlove ka na sakanya" feeling ko nasusuka ako sa sinabi ng principal. Ang corny pwe!! Ang common pwe!! Wala kayang poreber :3
"Shana!!" Nabigla ako nang ibigay ni Win sakin ang white rose nya. Eeehhh ang cute nya talaga.
"Win naman eh!" Sabi ko sabay kurot ng pisngi nya, "Eh para saan yang red roses?" Tanong ko sakanya.
"Para sa sarili ko ^_^ I love myself!!" Kinurot ko ulit ang pisngi nya. Qtqt!!
"Shana, look! May crush pala sakin yung Sam na yun! Hahahaha!!" Sabi ni Irisa.
"Luh! Sigurado ka?!" Sabi ko sabay tingin sa white roses at red roses na hawak nya.
"Kanino yung isa?" Tanong ko.
"Ay! Yung isang junior na di ko kilala!" Sagot nya.
Maya-maya, may 47 white roses na ako at 67 red roses. Si Iris, 46 white roses at 70 red roses. Sa ganda nyan, maraming naiinlove hahaha XD. Si Wella, 48 white roses at 61 red roses kasama na si Joshua. Si Joey, 39 white roses at 69 red roses kasama na si Jun. Malamang! Tapos si Yuki, 44 white roses kasama na si Darwin at 59 red roses. Kung andito kaya si Star, ano kaya ang ibigay nya sakin.
"Oh what the fcking fck!" Natauhan ako nang magmura si Wella. Napatingin naman ako sa tinitingnan nilang apat. Nang mapatingin ako sa harap, napalunok ako. Bakit sila andito? May kelangan ba sila?! Aagawin ba nila foods ko!? Luhhh!
"Uy Div, Sy, Mic! Gosh ang gagwapo!! Anmeron?" Tanong ko sakanila.
"Malamang sa malamang may ibibigay yang roses.. Masyado lang talaga silang torpe, mga bakla!" Sabi ni Sam sabay ngisi.
"Ohh~ Ay Syrus, free naman si Iris.. Bigay mo na!" Sabi ko sakanya.
"Actually, I'm here... I mean, we're here for you... Shit dude ikaw na nga!!" Sabi nya kay Mico tsaka tinulak ito.
"Psh bakla talaga! Hey Shana! Sana pagkatapos nito, wag kang maiilang samin ah?" Sabi nya tsaka ngumiti. Ang gwapo parin ng ngiti nya!!
"Okay? Mag-aano ba kayo? Magsesexy dance ba kay-"
Napatigil ako nang ilagay ni Divern ang dalawang roses sa harapan ko. Kasunod nun ay kay Syrus tsaka sumunod naman si Mico. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala.
Nakita ko nalang si Irisa na umalis ng upuan nya at sinundan naman sya ni Yuki. Tiningnan ko silang tatlo tsaka kina Joey at Wella. Nakanganga parin sila. Huminga ako ng malalim at tumayo tsaka umalis.
"Excuse me"
BINABASA MO ANG
[✔] Dare Online
Short Story"Divern: So chinat mo ko dahil gwapo ako?! Fuck off bitch, ang landi mo magaral ka muna ./." >EPISTOLARY