98;

297 8 0
                                    


9th day na ng intrams ngayon at maglalaro ulit ako ng volleyball. Wala akong pakialam kung isasapol ulit ni Somi ang bola sa mukha ko. Wala namang magbabago dun eh. Yung mukha ko lang.

"Galingan mo Shana please!! Ikaw nalang ang pag-asa natin. Natalo kami nung 1st day kaya hindi na tayo nakapaglaro nung 2nd hanggang 8th. Shana!!" Nangingiyak na sabi ni Honey, classmate ko at kasama ko rin sa volleyball.

1st day, kalaban namin ang Section B. 2nd day, dahil nanalo ang Section B, kalaban nila ang Section C tsaka nanalo ang Section B. Volleyball boys nung 3rd to 5th day. Nung 6th, naglalaban ang Section A at Section C at nanalo kami kasi walang masyadong mga magagaling na players sa C kaya nakayanan nila kahit wala ako. Walang game sa 7th at 8th kasi rest day tsaka puro kain lang then kunting parlor games. Ngayong 9th day, maglalaban ang Section A at B.

Shana VS Somi. Alva VS Watson. Sino kaya ang mananalo?

Ano ba yan! Para akong nagcocommercial nito eh. Makapunta na nga sa court. Bwesit!

"Players... Shana, Honey, Lamie, Kia, Cyannah and Bea"

"Go section A! Kaya natin toh!" Sabi ko at tinapik yung mga balikat nila.

Ang Section B yung nauna kaya si Somi yung magseserve ng bola. Madaya kasi yung coin toss kanina. Madaya ang coach -,-

"Prrrrt!!" Nagoverhead serve sya at lumampas ito sa net. Nagdig si Cyannah nang muntik itong tumama sa court's ground pagkatapos ay sinet yun ni Honey habang inatake ko yung bola then boom! Naka-point ang Section A.

Minutes have passed, 8-5 yung score at kami yung lamang. Tiningnan ko si Somi. Ang dilim ng aura nya na parang papatayin nya ako anytime. What's with her ba?!

The game was nice pero nakakadistract talaga yung mga tingin ni Somi sakin. Lalo na pag bina-block nya yung bola, saakin nya talaga itatama yung bola. Well tanga sya kasi magaling akong magpass edi nganga sila ngayon? Si Somi pa naman ang inaasahan nila.

"GO BEB SHANA!! ANG GANDA MO NGAYON KAYA GO GO GO!!" rinig kong sigaw nila Irisa. Mga babaeng to talaga!

Nang ako na yung magseserve ng bola, pumwesto ako sa service area.

"SHANAAAAAAA!!!" napatingin ako sa sumigaw kaya natahimik kaming lahat. It's Sam.

Kinausap ni Sam yung coach tsaka tumango naman ito at umupo sa bleachers. Naguguluhan naman kaming mga players.

Pinaalis ni Sam yung Section B at yung mga kasama ko sa court habang nakatayo parin ako sa service area.

"Teka, ano bang nangyari?" Tanong ko kay Sam nang hinila nya ako sa gitna. Nakakahiya kaya, ang raming nanunuod.

"Just watch and learn! I-checheer ka namin" sabi nya at kumindat sakin.

Biglang may pumito at nabigla ako nang magbackflip si Eight sa gitna dahilan nang pagtili ng mga babae sa gym. Pumwesto naman yung magbarkada at nabigla ako nang may pumagitna. SI STAR!??

Muntik na akong mahimatay sa nakita ko. Naguguluhan ako promise. Hindi naman ako nagi-imagine. Naglalaro lang ako ng volleyball kanina tapos ito.... wtf!

Sinayaw nila yung isang Korean song na 'Sorry Sorry'. Medyo sikat kasi yun. Ang cool ng pagsayaw nila at ang galing. I can't believe parin na andito ang bitwin ko na naging blonde na ang buhok. Shets!!

And then I realized na, walang Divern ang sumasayaw. Napasimangot naman ako ng kunti. Asan ba sya?

Pilit akong ngumiti nang matapos sila sa pagsasayaw. Tinakpan ko ang dalawang pisngi ko habang nakatingin sakanila. I can't believe parin na ginawa nila yun sa harapan ko. First time...

"Galingan mo Shana!" Sabi nila bago magbow sa mga audience. Hindi parin tumigil sa katitili ang mga tao sa gym. Bumalik naman yung Section B at yung mga kasama ko. Akala ko mags-start ulit yung game pero biglang pumasok si Divern. SI DIVERN?!?! HUWAT NA PAKK!

May dala syang bola ng volleyball tsaka lumapit sakin. Nagsintilian ulit yung mga tao. Nakangiting inabot ni Divern yung bola sakin at kinuha ang bolang hawak ko. Tiningnan ko ang bola. May nakasulat dun.

"I ❤ you Shana! GOODLUCK — Div"

"Div" hinalikan nya ang bola at bumulong.

"It's a lucky ball kaya ingatan mo yan. Ito ang makakapagpanalo sayo Shana. With a kiss pa yan from me. Goodluck" sabi nya kaya napangiti ako. Mas malaki pa ata ang ngiti ko kesa sakanya kasi hindi ko na sya makikita dahil sa papikit na ang mga mata ko kakasmile. Susko, hirap maging singkit hano.

Tumango naman ako sakanya. Hinalikan nya ako sa pisngi bago umalis at pumunta sa bleachers kasama ang barkada. Namula naman ako at tumingin sa kasamahan ko. Inirapan ko lang sila nang bigyan nila ako ng isang nakakalokang ngiti.

Napansin kong wala si Somi sa kabilang team. Napangisi ako. Congratulations samin in advance.

-

Natapos ang game at nanalo kaming Section A. Hindi parin tumigil sa kasasayaw si Sam kahit tapos na ang game. Kanina pa yan eh, hindi man lang napagod.

"GUUUUYYYYSSSSS!!!!!" sigaw ko sa mga bangus at niyakap sila, "Congrats to me!"

"Shana we're so proud of you!" Sabi ni Jessy at pumalakpak.

"Siguro masyadong swerte ang pagsayaw namin" sabi ni Kuya habang nakacross yung dalawang braso nya.

"Nihindi ka nga magaling sumayaw eh" pambabara ko at inirapan sya.

"Yung bola kasi ni Divern ang nakapagpanalo ng game" sabat ni Star. Oo nga pala! Nakalimutan kong andito na pala yung bitwin ko.

"BITWIN!!" tili ko at dali-dali syang niyakap. Di nya alam kung gano ko sya namiss as in sa puntong masakal ko na sya.

"Congrats Beb!" Sabi ni Wella.

"Thanks Beb... Handaan mamaya sainyo k?" Binatukan naman nya ako.

"Shana...." bumaba si Divern sa bleachers habang nakangiti. Di nya ba alam na nakakatunaw yung ngiti nya?! Di nya ba alam na may nabuntis sya?!?! Ako yun!!

"Divern...."

"Shana..."

"Tangina guys ah.. Hanggang tawagan ng pangalan nalang ba tayo nito?" Naiiritang sabi ni Sam kaya nabatukan sya ni Syrus.

"Babe..." namula ako dun. Ang eww ng tawagan na yun. Pangmanyak yun eh.

"Ice cream cake" sabi ko sakanya.. Diba mas sweet yun??

"What?!??"

"SABI KO GUTOM AKO KAYA KUMAIN TAYO NG ICE CREAM CAKE!!!!" Sigaw ko.


[✔] Dare OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon