97;

313 7 1
                                    

"Mico, Syrus" lumapit silang dalawa sakin habang nakangiti. At dahil dun, napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan ang mga ngiti nila.

"It's okay Shana. Alam naman naming sya ang pipiliin mo eh" sabi ni Syrus habang hinawakan ang dalawa kong pisngi para iharap sakanila.

"I'm sorry..."

"Oo, naiinggit kami. Pero wala na kaming magagawa dun Shana. Hindi ka namin pinilit na mahalin kami. Pinakita lang namin sayo kung gano ka namin kamahal. Naintindihan namin Shana" napatingin ako kay Mico.

"W-Wag sana kayong mailang pagkatapos nito. Walang lalayo, walang iiwas. Promise me, magiging normal parin ang lahat. Kaibigan ko parin kayo. Sana walang magbabago" sabi ko.

Nagsimulang umiyak si Syrus kaya niyakap ko sya. Niyakap nya rin ako pabalik at umiyak sa balikat ko.

 Niyakap nya rin ako pabalik at umiyak sa balikat ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Wait, i cri)

"Wag kang umiyak Sy. Di ko kayang makita kayong nasasaktan" sabi ko.

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha nya. Ngumiti naman sya at tumango. Niyakap ko rin si Mico.

"Hindi ako iiyak kasi hindi ako bakla kagaya ni Syrus" bulong nya pero narinig yun ni Syrus kaya nakatanggap ito ng batok.

"Yah totoo naman eh!!" Sabi ni Mico.

"Real men do cry" sabi naman ni Syrus.

"Alam nyo bang shipper ako ng Meanie at Jerus?" Tanong ko habang nakangiti.

"Yah! Bakit mo kami ginawang mga bakla?" Tanong ni Syrus.

"Ship lang naman eh, di ko naman sinabing kayo ang magkatuluyan" sabi ko kaya nabatukan ako ni Syrus. Sadista nito ah.

-

"Anak ka ni Sam, Divern!! Ang ganda dito shiiiit! Oh my gaaaaaaawd!!!" Manghang sabi ko nang makababa ako sa kotse nya.

"You're not suppose to say Oh my gawd Shana, ilang ulit ko na ba yang sinasabi sayo. And Sam is not my Mom" sabi nya at maunang maglakad. Nakanganga parin ako sa nakita ko. The hell, sino ang gumawa ng lugar nato!! Pakakasalan ko 😍😍...

"Shana!!" Sumunod ako kay Divern habang nakatingin parin sa taas. Ang raming stars at ang ganda. Ghod.

"Do you like it?" Tanong ni Divern habang pinaupo ako sa isang bench sa may gitna ng garden. Ang ganda talaga. Gabi na pero ang ganda kasi may ilaw yung garden. Yung parang christmas lights na ilalagay sa mga halaman. Nakalimutan ko tawag dun eh (or di ko talaga alam lol)

"Sinong gumawa ng lugar nato, pakakasalan ko agad!!" Sabi ko. Feeling ko nagiging hugis puso na yung mga mata ko.

"Wag mong pakasalan Kuya mo, it's incest" sabi nya at umupo sa tabi ko. Tila pumutok ang hugis puso sa mga mata ko at tumingin kay Divern.

"Huh? Si Kuya ba kamo?" Tanong ko.

"Yep.. Di mo ba alam na mahilig sya sa garden?" Tanong nya.

"Since birth palang noh! Pero kasi, hindi ko akalaing makakagawa sya ng ganitong klaseng lugar. Hindi halata eh. Tingnan mo nga si Kuya.... Tamad, sloth, lazy, tamad ulit, tamad, tamad, tamad, sloth, lazy ulit, at lazy tsaka nasabi ko na ba ang tamad? Oo tamad si Kuya" sabi ko.

"Makainsulto ka naman kay Wino. Wino did this. Pagdating sa garden, walang TAMAD sakanya"

"Woah, bago yun ah"

"Don't judge kasi"

"Eh simpleng pagsampay ng brief nya di nga nya nagawa, eh itong garden pa? Ang ganda talaga! Si Kuya na talaga ang the best" sabi ko at sumandal sa bench.

Tahimik lang kami habang nakatingin sa langit. Feeling ko pinalibutan ng mga stars yung earth lol. Ang rami talaga.

"The stars are pretty right?" Tanong nya kaya ngumiti ako at tumango, "You know who's pretty too?" Tanong nya kaya naexcite ako, "It's Sam" nawala ang ngiti ko atsaka sya sinapak sa braso. Tumawa naman sya.

"Gagu ka talaga noh!?" Sabi ko at kinurot ang pisngi nya.

"I'm just kidding lang naman! Di pa ako tapos okay?" sabi nya at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako.

"Ewan ko sayo" sabi ko at inirapan sya. Akala nya siguro natutuwa ako. I hate Samern.. duh! Shanern guys???!!!

"But you know who's prettier?" Tanong ulit sya. Napangisi ako at tiningnan sya, "Jessy" napakurap ako at sinapak sya ulit. Bwesit talaga nanggigil ako!!!

"But you know what?"

"Hindi pa tangna tumigil ka!!"

"You're the prettiest" lumaki naman ang butas ng ilong ko. Muntik ko na nga syang masakal eh bwesit sya.

"Tantanan mo ko Divern. Hindi na nakakatawa" sabi ko sakanya.

"I'm sorry. I'm just telling the truth" sabi nya.

"Pero si Sam, pretty?" Sabi ko sakanya. Pogi si Sam hindi sya maganda. Nakakainis lang kasi si Divern mismo yung nagsabi.

"Pretty naman talaga si Sam" sabi nya na ikinairap ko, "Gusto mo si Somi nalang?" Dahil dun, agad akong umiling.

"Si Sam nalang" sabi ko na ikinatawa nya, "Yah! Bakit ang hilig mo sa mga ganyan! Ang sungit sungit mo noon tapos ngayon"

"Ohh chill. Naging ganito lang naman ako nang dahil sayo eh" sabi nya.

"Eww.." react ko.

Tumahimik naman sya at ngumiti. Ang gwapo nya talaga I kennat.

"Sofia told me, may nagustuhan ka dawng babae noon?" Tanong ko sakanya, "But you rejected her kasi malandi sya?"

Tumawa naman sya sa sinabi ko. Hey! Anong nakakatawa dun?!

"That's Somi" sabi nya kaya napanganga ako, "She told me na naiinis sya noon kaya yun ang nasabi nya sakin. Pero ayaw ko na sakanya kahit ambait na nya sakin ngayon" sabi nya.

"Naniniwala parin akong first love never dies" sabi ko at umiwas ng tingin sakanya.

"I believed on that, too" sabi nya kaya lalo akong kinabahan.

"So si Somi-"

"I don't love Somi. I just liked her. LIKED Shana, hindi love. Believe me or not, you're the first person I love in my whole life" napatingin ako sakanya at napangiti.

"Ang corny" sabi ko at tinakpan ang buong mukha ko.

"I know pero fact yun" sabi nya at inalis ang kamay sa mukha ko, "See? I made you blush" sabi nya.

"Hindi! Namalikmata ka lang" sabi ko.

"I know it's dark pero alam kong tama ang nakikita ko. I can see pink"

"Oo na!! Oo na! Ang corny mo kasi kaya ayan!"

"Saranghaeyo" sabi nya atsaka ngumiti sakin. That's kinda familiar to me pero nakalimutan ko. Isesearch ko mamaya huehue...

"Bukas na ang 9th day ng intrams. Maglalaro ka ba?" Tanong nya. Tumango ako, "Cheering?" Tanong nya ulit.

"Ayaw ko muna" sabi ko sakanya.

"Good.. galingan mo bukas k?" sabi nya kaya ngumiti ako.

"Goodluck rin sayo bukas. Pagnapanalo mo ang team nyo, sasagutin na kita. Hahahaha!"

"Paghindi?"

"Manliligaw ka parin"






[✔] Dare OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon