DIVERN HAYNES
Active 35 minutes agoYESTERDAY AT 10:01 AM
Divern:
Divern called you.
↙45 mins 10 secs
Call back.YESTERDAY AT 10:46 AM
Divern!! Sure ka na ba??? :(((( Baka magbago desisyon mo!!
Divern: I'm so sorry Shana. Pagdating ko, babawi ako :)
UULITIN KO DIVERN HAYNES. HINDI KA BA UUWI BUKAS?!?!?!?! BIRTHDAY KO PO BUKAS!!!
Divern: Shana, sana maintindihan mo ko :(
Naintindihan naman kita eh! Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit andyan yang Somi na yan! Nanggigil ako alam mo yun!? Naiinis ako!
Divern: Don't be. Birthday mo bukas kaya dapat masaya ka.
Pero si Somi!!
Divern: She's just the daughter of my mother's business partner okay?
JAN NAGSISIMULA ANG ARRANGED MARRIAGE DIVERN!!!
Divern: I know pero imposibleng mangyare yun XD My mom hates Somi you know that. Sofia too. Don't worry, Sofia is there para maging aso ko. Sya ang taga-taboy kay Somi.
Haisht. Ang malas ko bukas kasi wala ka :'(
Divern: I know na magiging masaya ang birthday mo bukas. :D
Ang saya mo pa sa lagay na yan ah! Kingina mo.
Divern: I love you too. Bye Shany ko :*
./.
—————
Napasimangot ako nang basahin ko ulit yung convo namin kahapon. Ang sakit talaga pag yung boyfriend mo wala sa birthday mo. Sadnu?
"HAPPY BIRTHDAY!!!" sabay na sigaw ng mga bwesita namin.
"Happy birthday Wino at Shana!! Oh my god, ang tanda nyo na kaiyak!" Nabatukan ko si Sam. Pagbirthday, matanda agad?!
"Kumain nalang kayo!" Sabi ko at umakyat sa kwarto ko. Wala ako sa mood ngayon okay?
Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Kinuha ko naman yung teddy bear na ginawa kong unan at niyakap ito. Kunwari si Divern nalang tong kayakap ko.
Si Divern.... ilang buwan nang nasa states at wala na atang balak na umuwi. Naiinis ako dahil nalaman kong andun rin pala si Somi. Tangina! Di ko alam kung sinundan ba ng bruhang yun si Divern or sadyang coincedence lang. Naiinis ako kasi buti pa sya, kasama si Divern. Gusto kong maiyak pero ayoko. Alam mo yung feeling na gusto mong magdrama pero ang OA masyado kaya wag nalang.
Sinubsob ko nalang yung mukha ko sa likod ng teddy bear.
"Sister?" Napaangat ako ng tingin at tiningnan si Kuya na papasok ng kwarto ko.
"Hindi nga ako madre" sabi ko at sinubsob ulit ang mukha ko sa likod ng teddy bear.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Kuya at inakbayan ako. Hindi parin ako gumalaw.
BINABASA MO ANG
[✔] Dare Online
Short Story"Divern: So chinat mo ko dahil gwapo ako?! Fuck off bitch, ang landi mo magaral ka muna ./." >EPISTOLARY