Chapter 4: Something!!!
After nung conversation namin nila Scott one week ago hindi na ulit kami nag usap pa! Wala naman kasi silang makukuhang matinong sagot sakin. Paulit ulit lang din ung sasabihin ko sa kanya at sa kanila.. Kung pwede nga lang irecord ginawa ko na eh!!
"Sino naman yang tumatakbo sa isip mo? Baka mapagod yon ah!!"
"Heh!!" Sabi ko sa aking bestfriend.
"Nga pala may balita ako sayo!!!""Oh ano naman yon?!"
"Tara dali!!" Sabi nya! Tsk saan naman kaya ako dadalin nito?
Ng makarating kami dito sa may tambayan as usual may ichichika toh kaya nag yaya dito..
"Oh ano ung sasabihin mo sakin?"
"Si Scott at Kaye sila na ulit!"
"Good for them!" Sabi ko pero parang sarcastic o imagination ko lang yon.
"Loka un lang sasabihin mo?"
"Eh ano pa ba dapat ang sabihin ko? Na masayang masaya ko?" Ano yon! Number one fan nila kaya sobrang saya ko na sila na ulit? Loka loka toh ah
"Sabi ko nga eh wala kang ibang sasabihin kasi halata naman na fake yang 'good for them' mo" sabi niya pero may binulong eh
"Ano nanaman yang binubulong mo dyan?"
"Wala sabi ko hindi pa din alam ng tatay ni Kaye na sila na ulit nag tatago pa din silang dalawa parang TNT Tago Ng Tago"
"Wala din naman pala siyang sinunod sa mga sinabi natin! Bahala siya buhay niya yan eh" sabi ko. Nakaka dissapoint lang. Un siguro ung nararamdaman ko ngayon kasi kahit anong sabihin namin wala din naman syang sinunod.. Kahit bawal ginagawa pa din niya ayaw nya pang itama kahit un naman ang makakabuti.
Sabagay sabi nga nila masarap daw ang bawal. Tss!!
"Eh bakit parang may dinadamdam ka dyan? Wag mong sabihin na may something ka kay Scott?"
As if naman! "Like hello po! Wala akong dinadamdam noh. Bukod sa gutom ako at hindi ako nag umagahan kaya kumain na lang tayo" Yaya ko sa kanya. "Asus! Palusot ka bhest! Hahaha"
Nailing nalang ako sa sinasabi nya.. May ibang pinapahiwatig nanaman itong bestfriend ko eh.. Tsss!! "Oyy!! Nik!"
"Oh Scott bakit?"
"San punta nyo?" Sa langit sama sya? Oh gusto nya mauna na sya? Tss common sense kasi kita naman sa way namin na sa canteen kami pupunta nag tatanong pa..
"Canteen! Gutom daw tong si Abby eh alam mo naman madaming alaga sa tyan niya!" Sabi nya saka tumawa.
"Ahh. Tara libre ko na kayo!" Sabi nya "Sige ba/Wag na" sabay namin na sabi ni Nikka
"Lol Abby! Minsan lang manlibre si Scott oh grab the opportunity na!" Kahit kelan talaga basta libre
"So? Tara na!" Sabi nya saka nag lakad na. Nang makarating kami don agad kaming umupo sa pwesto namin..
"Ano gusto nyo?"
"Ako bake mac tapos tuna sandwich with lettuce saka ice tea un lang ung akin" sabi ni Nikka kahit kelan talaga masiba tong bestfriend ko.. Katulad ng pinsan ko.. Speaking of pinsan.
"Uy balita ko manlilibre ka daw brad! Damay mo naman ako dyan!" Sabi ng pinsan ko kaya napailing lang ako sa kanya..
"Sakto lang pera ko eh!"
"Loko mo.. Di ako maniniwala basta ililibre mo ko. Burger at softdrinks lang naman eh!" Sabi nya kaya tumango na lang si Scott "Yun oh!" Sabi niya saka umupo sa tabi ni Nikka. Apatan lang tong upuan namin. So katabi ko si Scott? Wushu!!
BINABASA MO ANG
Fall In Love
Genç KurguKapag nag mahal ka asahan mo masasaktan at masasaktan ka talaga.. Ganon talaga ang buhay hindi puro masaya ang nangyayari.. story of a girl fall inlove but??