MATA
Sa lalawigan ng Pangasinan, matatagpuan ang isang maliit at papausbong na nayon--- ang bayan ng Talon. Kilala ang bayan sa silangan ng Pangasinan sapagkat ito ay ang sentro ng komersyo. Eto nasa paanan ng bundok ng Caraballo.
Sa isang barangay, nananahan ang pamilya ni Kael. Panganay siya sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang guro sa pampublikong paaralan at ang kanyang ina ay mayroong isang tindahan. Ang kanilang bahay ay pawang gawa sa kahoy at kawayan lamang. Kung kayat tuwing may bagyo o unos ay nahihirapan ang kaniyang kaanak. Sa likod ng kanilang tahanan ay napakalawak na kasukalan. Sagingan, puno ng kawayan, mangga, santol at kung ano-ano pa. Sa gitna ng kakahuyan ay mayroong isang daanang naglalagos patungong bukid at batis. Sa harapan naman ng kanilang bahay ay nakatayo ang isang daang taon gualng na puno ng “Bulala”. Pinaniniwalaang paboritong pamugaran ng mga masasamang elemento at engkanto. Ilang metro sa kanilang tahanan ay matatagpuan ang mababang paaralan ng Talon. Usap-usapang dati itong sementeryo.
Dito iikot ang mahiwagang at nakakagibal na buhay ni Kael at ang kanyang--- MATA…
BINABASA MO ANG
MATA
ParanormalWhat if ang mga mata natin ay merong ibang nakikita bukod sa mga normal na bagay-bagay? Makakayanan mo bang mamuhay ng normal? Tuklasin ang buhay at mundong ginagalawan ng mga taong merong pangatlong MATA.